Chapter 10

72 8 25
                                    

FOR THE nth time, I said those words again. Same words, different person. Mas gusto kong diretsahin na sila dahil baka magtuloy-tuloy pa sila sa pag-asa sa akin. Kung hanggang friends lang, sana hanggang doon lang. 'Wag na higitan pa.

Tiffany let out a fake laugh. She looked down and she was still laughing. I saw her hands rattling.

"In-expect ko na 'yon. Kaibigan ka ni Richi, eh. Syempre gano'n ka rin," bulong niya pero narinig ko pa rin.

Hindi naman sa dahil kaibigan ako ni Richi. Talagang hindi ko lang maibalik ang ibinigay niya sa akin. Pwede pa kung nag-alok siya ng higit pa sa pagkakaibigan. I mean 'yong bestfriends, gano'n. Tatanggapin ko pa dahil kaibigan lang naman.

"I'm sorry, Tiffany. But, we can be bestfriends. No feelings attached," I offered.

She wiped her eyes and her cheeks. Hindi ko namalayan na naluha na pala siya. Masakit ang rejection talaga lalo na't tungkol sa pag-ibig. Pero gano'n talaga, eh. Hindi lang naman ako ang lalaki sa mundo na pwede niyang mahalin.

Mas gwapo pa sa akin.

Mas mayaman pa sa akin.

Maibibigay ang mga luho niya.

Talagang hindi ako.

She lifted her chin. I saw her eyes swelling and her mouth shaking.

"T-Tanggapin ko, Roj... But, can I hug you?" she asked that made my forehead furrowed. "Just a hug. Friendly hug."

I let out a sigh and stretched my arms, welcoming her for a hug. She came closer to me and she hugged me as tight as she could.

"Thank you for understanding, Tiffany," I muttered, caressing her back for comfort.

"Pa-fall ka kasi. Ang gwapo mo, talented, saka mabait. Pasensya na kung naging tanga ako," saad niya.

"Ayos lang."

Sa huli ay nagkaayos na kami at nagmaneho na ulit ako pabalik sa school namin. Sa campus nila ko raw siya ibaba. Buong byahe lang kaming tahimik, nagkikibuan sa isa't isa.

"Are you sure na ayaw mong ihatid kita pauwi?" tanong ko pagkababa niya ng kotse.

She fixed her hair. Inipit niya ang strands ng buhok niya sa tenga niya. "Yep. Sasabay na lang ako sa mga kaibigan ko. Ingat ka sa pagmamaneho."

Tinanguan ko na lang siya at nagmaneho pabalik sa mansyon. Okupado ang isip ko ng pangyayari kanina. Hindi ako maka-move on sa mga sinabi ko kay Tiffany. Pero hindi naman ako nag-sisisi na sinabi ko 'yon. At least, nalaman niya nang mas maaga bago pa tuluyang nahulog siya sa akin. Hindi gaanong masakit ang sugat na nilikha ko sa kaniya.

Pagkaparada ko ng kotse sa garahe ay bumaba agad ako at tumakbo sa loob ng mansyon papunta sa game room. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin sila na nakabilog sa gitna, nakaupo sila sa mga gaming chair nila at may mesa sa gitna kung saan maraming pagkain.

"Oh. Roj. Mabuti at nakabalik ka na," bati ni Kuya Erjie sa akin.

Nagtinginan naman sila sa akin at binalik ang tingin sa pagkain. Lumapit ako sa kanila at kumuha ng plato na ni-reserba sa akin saka kumuha ako ng kanin. Ang apat na ulam ang nandito ngayon pero ang pinili ko ay chicken curry.

"Kumusta gala mo?" tanong ni Rain pagkaupo ko sa gaming chair ko.

Katabi ko si Richi ngayon. Tinitigan niya ako na parang may kung ano siyang pinapasabi gamit mata pero hindi ko siya kuha. Umiwas na lang siya ng tingin at umiling.

"Hindi gala 'yon. Meet-up lang," sagot ko.

"Woah. Chics ba? Model? Artista?" tanong ni Jrald.

"Kingina mo, hindi," tugon ko sa kaniya saka kumain na 'ko.

Listen To His Tears (Seven Blues Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon