Chapter 1

380 24 74
                                    

"KAYA MO BA ang tono ng Bohemian Rhapsody?"

Hindi na lamang ako sumagot at inumpisahan na lang ang pagpindot sa piano sa tono ng sinabi niyang kanta. We were in the auditorium. Nagsasanay kami para sa parating na "Battle of the Bands" sa susunod na dalawang buwan. Malayo pa naman ang laban pero todo na ang ensayo namin. Trip nila 'to, hindi ko ginusto ito.

"Bakit hindi na lang 'yon ang tugtugin natin sa laban?" tanong ni Ralph sa amin.

Tumayo ako at lumapit sa drum set. Umupo ako sa monobloc chair na naroon at hinawakan ang mga drum stick. Hindi ako gano'n kasanay sa drums dahil prefer ko ang mga calm instrument like piano and violin.

"P'wede naman kaso baka hindi kayanin ni Jessica na kantahin 'yon," saad ni Larry saka itinabi ang kaniyang electric guitar sa lagayan namin sa backstage.

Nagsimula akong tumugtog sa drums. Ginawa ko lang 'yong basic kaso nagkamali agad ako. Itinabi ko na lang ang mga stick at tumayo na. Naglakad ako papuntang backstage at kinuha na ang messenger bag ko na nakapatong sa isang kahon at isinukbit ito sa akin.

"Uuwi ka na?"

Tinapunan ko ng tingin si Larry sa gilid ko. Nakatayo at nakasandal siya sa isang malaking speaker. Nakakrus ang mga braso niya.

"Oo, eh. Dadaan pa ako sa mga kaibigan ko," sagot ko.

Lumapit si Larry sa akin at umakbay. "Roj, can I have a favor?" tanong niya.

My forehead furrowed. Parang seryoso at pribado ang hihilingin niya sa akin. "Ano ba 'yon?"

"Can you date my sister?"

Lumayo ako sa kaniya, dahilan para matanggal ang pagkakaakbay niya sa akin. Date? Tsk! Hindi nga ako nagkaroon ng relasyon dahil alam kong gastos lang 'yon. Mahirap pa naman ngayon dahil nag-aaral pa at maraming gastusin.

"Bakit?" tanong ko saka hinarap si Larry. Sumandal ako sa malaking kahon.

"Come on, Dude. Alam mo namang gusto ka ni Lana. Lagi niya akong kinukulit na kausapin ka na makipag-date sa kaniya," kumbinsi niya saka humalukipkip.

"Hindi ko nga nilalagasan ang savings ko sa walang k'wentang bagay tapos magpapabor ka sa akin na i-date ang kapatid mo?" I arched my brow

Naglakad na ako palayo sa kaniya. Isang hakbang na lang para makaalis ako ng backstage nang magsalita siya.

"If you date my sister, bibilhin ko ang gusto mong camera."

Nilingon ko siya dahil doon. Hearing the word "camera" made my guts shouting, "Take it!"

"Bibilhin mo?" pag-uulit ko.

"Oo, basta i-date mo lang ang kapatid ko," sagot niya.

I smiled widely. Lumapit ako sa kaniya at iniabot ang kamay ko. "Deal."

Tinanggap niya ang kamay ko. Tumalikod na ako at nilisan ang auditorium. Mabuti, hindi ako pinansin ng mga kasama ko kaya nakaalis ako agad.

I fished out my phone in my pocket. Pinindot ko ang power button kaya nagliwanag ang screen. Nakita ko na alas-kwatro na ng hapon. Wala na ring gaanong estudyante ang nakakalat sa hallway at field. Mga nagsiuwian na siguro o nagsi-gala na.

Lumabas na ako ng campus at naghintay sa tabi ng kalsada ng masasakyang jeep. Doon pa kasi sa mall ang fast food chain. May pumara namang jeep sa harap ko kaya hindi na ako naghintay pa nang matagal. Bumaba muna ang ilang pasahero bago ako sumakay kasama ang ilang estudyante rin.

"Bayad po. Isa lang, estudyante," malakas kong sabi saka inabot ang aking bayad sa katabi ko para ipasa niya hanggang sa mapunta kay Manong tsuper. Kinuha ko ang earphones ko sa bag at kinabit sa aking phone. Isinabit ko ito sa magkabilang tenga at nag-play ng kanta.

Listen To His Tears (Seven Blues Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon