Chapter 5

69 3 0
                                        

KEI's POV

"Denise" Hinawakan ko ang kamay nya, napakalambot at parang ayoko ng bitawan. Tinitigan ko sya sa kanyang mga mata para makita nya na sincere ako sa mga susunod kong sasabihin. "Matagal na kitang gusto. Unang beses pa lang na makita kita ni minsan di ka na nawala sa isip ko."

Tinignan nya lang ako at hinihintay ang kasunod na mga sasabihin ko. Mukhang may pagasa ako sa kanya dahil di nya ako sinigawan o sinampal man lang. Andito na to kaya bahala na si batman.

"Will you be my girlfriend?" Lakas loob kong tanong sa kanya. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha nya at saka pumikit. Di ba ganito naman talaga ginagawa nila sa pelikula?

Nagulat ako ng bigla nyang inalis ang pagkakahawak ko sa kamay nya at mas ikinabigla ko ang sumunod na nangyari

"Hahahahahahaha! Girlfriend? Gusto mo ko na maging girlfriend? Sa isang kagaya mo na lampa? Nagbibiro ka ba? Isa pa kahit pa gwapo ka, lalaki pa rin hanap ko" marahas na sabi nya sa akin. Para akong sinagasaan ng pison sa sinabi nya. At mukhang di pa sya kuntento sa mga nasabi nya dahil nagpatuloy pa sya

"Siguro kaya ka lang sumali sa volleyball team dahil dito. Nakakadiri ka! Wag ka ng magpapakita sakin kahit kailan!" sabay talikod nya at lumakad palayo sakin.

Hindeeeeeee!!!! Denise! Please pakingg-

*Bllaaaagggg*

Shit! Akala ko totoo na buti panaginip lang! Grabe di ko kinaya yun ah! Lumingon ako sa side table ko at nakitang may sticky note sa alarm clock ko

"Pagod na kong gisingin ka"
-Mama

Mag aalas dose na pala! Patay! Absent na ko sa ibang mga klase ko! Dali-dali akong kumilos at tumakbo papunta sa banyo para maligo at nagbihis para umabot ako sa mga natitirang klase ko para ngayong araw.

Naglalakad ako sa hallway at makikita mo na ang kanya kanyang kumpol at grupo ng mga studyante. Pumasok ako sa classroom at pumunta kung nasan ang mga kaibigan ko.

"Iba ka talaga pare! Papasok kung kelan lang gusto ah?" Pangaasar ni Dylan. Di ko na sya pinansin at tuluyang umupo.

"Nu nangyari sayo men? May sakit ka ba?" tanong sakin ni Mark

"Wala naman men, napasarap lang tulog ko. Late na ko nagising." sagot ko at pinatong ang ulo ko sa mesa ng upuan ko.

"Wet dream?" Sabay na tanong ng dalawang gago kong kaibigan dahilan para mapatingin samin ang mga kaklase namin.

"Mga tarantado! Binangungot ako!" Singhal ko sa kanila. Siguro kailangan ko ng magpalit ng kaibigan. Puro kapalpakan at kahihiyan binibigay ng mga gagong to sakin e.

It's pretty clear what caused that dream. Paniguradong nasstress ako dahil sa pangungulit at pamimilit sakin ni Steff na magtapat kay Denise. Pero pano kung binabalaan na ko ng panaginip ko sa mga pwedeng mangyari?

"Kala ko di ka na papasok e." Speaking of the devil.

"Napasarap lang ng tulog" Sagot ko sa kanya.

"Ganun ba? Wag ka munang umuwi kagad mamaya. Hintayin mo ko, may dapat tayong pag-usapan" Sabi nya sabay alis. Takte ni di pa nga ako pumapayag e. Wala ba talaga syang pakialam sa desisyon ko at nararamdaman ko?

Lumingon ako sa mga katabi ko at halatang gulat n gulat sila sa nangyari at mukhang luluwa mga mata nila. OA talaga ng dalawang to.

"HOYYYY!!!!!! Ano yun?! Bat may pahintay hintay pa kayong nalalaman?" Sigaw ni Mark habang tumatalsik pa yung tinapay na nginunguya nya kani-kanina lang.

"Kelan pa kayo naging magkaibigan nun? Kahapon?! Anong ginawa mo para mangyari yun?!" pangungulit ni Dylan

"Hindi! Mali kayo ng iniisip at isa pa ikaw nga Mark lunukin mo muna yang kinain mo, may balak ka bang paliguan ako ng tinga mo?" Di ko alam bat ba eto pinili ko na maging kaibigan e.

Taking the RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon