Di po nagupload ng maayos sa wattpad mukhang sobra sobra words na ginamit ko kaya yung POV ni Steff ang start nito. Anyway hope you like it
----------
STEFF's POV
"Okay huddle up ladies!" Sigaw ni Captain.
"Kamusta Kei? Kaya pa ba?" tanong ni Mica kay manok. Pinalitan ko na tawag ko sa kanya. Sagwa nga naman nung una.
"Oo kaya pa naman. Kaso pakiramdam ko walang nangyayari sa ginagawa ko e." sabi ni Kei sabay kamot sa kilay nya. Bakit ganun parang ang yummy naman ata ng katawan nya. Pawis na pawis sya e at bakat yung muscles na. Di sya yung pang body builder na katawan, kundi yung masasabi mong sakto lang. Toned kumbaga.
Teka bakit ko pinupuri yung Manok na yun. Pagod lang siguro to kaya nanlalabo na mata ko.
"Ganyan talaga naguumpisa ka pa lang. Wag mo masyadong madaliin sarili mo. Take your time. Di naman porket inaral mo ngayon bukas alam mo na kagad." Seryosong payo sa kanya ni Denise.
Aba himala cool na cool lang ang loko ah.
"Nga pala Kei lalabas buong team ngayon para kumain ng ice cream sama ka ha?" Pagpapacute ni Mica. Habulin nga palang talaga tong si manok.
"Ayos lang ba na pumunta ako?" tanong nya na nakatingin ka Denise.
"Bakit naman hindi? Part ka naman ng team di ba?" nananaginip ba ko? *kusot mata* Shit! Gising ako pero anyare? Di kaya may masamang espirito na sumanib kay Captain? o wag mong sabihin na tinatablan na sya ng mga ngiti ni manok?
Ayun at di na rin napigilan ni manok na ngumiti. Tumalikod naman na si Captain at naglakad papunta sa ibang members ng team. Napatingin ako kay manok at napansin na kakaiba ang ngiti nya.
Nako nagiisip na naman siguro to ng kung ano-ano. Kung ibang tao makakita sa kanya pagiisipan talaga sya na manyak e. Mukhang wala sa sarili si manok na naglalakad at dahil isa akong kaibigan ay pinatid ko sya ng magising sya sa katotohanan. Sabi nya the truth hurts kaya ayun nasubsob una pa mukha. Haha
Tumakbo ako para humabol kila Captain at ng di na ko magantihan ng manok na yun.
"Nga pala Captain sabi ni mano- este ni Kei di daw sya makakasama. Imbes daw na sayangin nya oras nya sa ice cream magpapaiwan na lang daw sya para magpraktis." sabi ko ng makalapit na si manok. Tinignan nya ako ng masama kaya kinurot ko sya. Akala nya di ako babawi sa ginawa nya sa akin kanina ha. Nagkamali sya ng pinagtripan.
"Aba mukhang seryoso ka pala talaga sa pagsali mo sa team ah? Akala ko kagaya ka lang ng iba e, na sasali lang dahil may ibang pakay." ngumiti si Captain at makikita mo na sincere. Mukhang naka score dun si manok, kaso si manok naman halata na pilit ang ngiti. Nakonsensya ata.
"Ikaw ba Dizon sasama?" annndddd we're back! The ice queen is back! Yey! Note the sarcasm please #_-
"sasama syempre Captain." sabi ko at bago ako tuluyang umalis, lumingon muna ako ng huling beses kay Kei. Pupuntahan ko pa nga dapat sya para kausapin pero nginitian nya lang ako at tinanguan.
Eto ang pinagtataka ko samin dalawa e. Simpleng tango at tinginan lang namin naiintindihan na namin ang isa't isa.
Kung naging lalaki lang sana sya baka ako na nanligaw sa kanya. Kaya naisip ko wala naman siguro masama kung tulungan sya kay Denise dahil mukhang sincere naman talaga sya sa nararamdaman nya. Para sakin ang mga torpe yan mga seryoso talaga dahil takot silang masaktan meaning totoo nararamdaman nila. Kaya siguro mas gusto ng girls ang suplado at tahimik kesa sa mga mabulaklak ang salita kasi alam namin na pihikan talaga sila.
BINABASA MO ANG
Taking the Risk
Teen FictionKei is an average student, well almost. except the fact that she's an androgynous, handsome lesbian who is innocent and who is longing for the word LOVE to come her way. With the help of the devious Steffany, will Kei be fortunate to find what she'...