chapter 2

90 5 1
                                        

Stef's POV

Hayyy napakainit naman ngayong araw, bat ba kasi itong si captain ayaw magpaawat.

"Captain baka naman pwedeng magpahinga saglit kanina pa tayo nagddrills eh. Tsaka tignan mo grabe taas ng araw oh!" Reklamo ko sa kanya. Tinignan lang nya ko ng masama pero di ako nagpatinag pasaway ako eh.

Humiwalay muna ko sa kanila at uminom ng tubig pakiramdam ko kasi naddehydrate na ko. Pabalik na sana ako sa pag gawa ng drills ng may mahagip ang mata ko, aba loko to ah pasimple pa na nakatayo naninilip naman. Hmmm. Kumuha ako ng bola at saka nagspike papunta sa kanya at ayun saktong tinamaan sa mukha! Buti nga sayo manyak ka ah!

---

First day ng new school year ngayon at bago na rin ang building assignment ngayon. Sino kaya ang mga kaklase ko ngayon? Hmm.

Pagpasok ko sa room biglang tumahimik, di ko na lang pinansin at nagdiretso ako sa upuan ko para ilagay ang bag ko ng mapalingon ako sa bandang kanan at.....

"Ohh.. Manyak." Siya yung lalaki na naninilip nun sa gym ah, teka mukhang napalakas ata yung palo ko ng nakaraan anlaki ng pasa nya sa mukha. Nakokonsensya tuloy ako.

Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa kamay  para hilahin at halos kaladkarin paakyat ng rooftop. Nakakainis to ah ansakit kaya pwede naman niya ako kausapin at sabihin na magusap kami. Hinatak ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya sabay inirapan ang manyak na to.

"Anong problema mo?! Bigla ka na lang nanghahatak!" Di ko na napigilan ang sarili ko sa pagtataray sa kanya. Ansakit naman kasi talaga. Kayo kaya hatakin ng lalaking to at ang bilis pa maglakad. Isa pa ang higpit ng pagkakahawak niya.

"Steffany... tama ba ko?" Aba at panong nalaman nito ang pangalan ko?

"Oo." Sagot ko sakanya habang nakataas ang kilay ko.

"Ano ang proweba mo para tawagin akong manyak?!" Aba't sya pa talaga ang may gana na magalit at magtanong ah? Kala naman nya matatakot nya ko, mali sya ng inaakala.

"Halata naman sa mukha mo." prangkang sagot ko.

"Anong kinalaman ng mukha ko?" Halatang naguguluhan siya sa sagot ko.

"Siguro.... dahil ako ang dahilan bat nagkaganyan mukha mo." Mejo nahiyang sagot ko. Kahit naman kasi ganito ako nakokonsensya pa din ako eh. Hinihintay ko ang sasabihin nya pero nanatili syang tahimik kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita."We've been using the courts so I could get used to them before the competitions pero andaming kagaya mong manyak na nagkalat at nanunuod samin at sobrang nakakailang. Di tuloy kami makapag concentrate sa practice." Naghihintay ako ng sigaw mula sa kanya o kahit anong violent reaction pero wala. Mukhang mabait naman pala talaga tong loko na to dahil kung iba to at malaman nila na ang dahilan kung bakit may malaking pasa ang mukha nila ay yung nasa harap nila baka nasigawan na nila o nasaktan pa.

"Di ako nagiisip ng di maganda habang nanunuod..." sagot nya sabay baling ng tingin sa ibang direksyon na may namumulang mukha. Wow ngayon lang ako nakakita ng lalaking ngbblush. Ngayon tinitignan ko sya ng mabuti gwapo pala sya. Teka galit ako sa kanya di ba?

Dahil naguguluhan ako sa sarili ko at dahil tinititigan ko na sya tumalikod na ko para umalis nang bigla syang magsalita ulit.

"Please nagmamakaawa ako sayo wag mong sasabihin kahit kanino na nakita mo ko na nanunuod lalo na sa buong team."

"Hmmm. I see, there's someone you like in the volleyball players." Hmmmm aalis na dapat ako eh bat kasi ngmakaawa ka pa umiiral na naman tuloy pagkapilya ko. Sorry Mr. Cutie pero wala pa kong balak na paalisin ka ngayong inaaliw mo ko.

Taking the RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon