KEI'S POV
Napag isip-isip ko din na may tama rin naman si Steff. Tatanga na lang ba ako habang buhay? Hihintayin ko na lang ba na may maging BF sya ng wala man lang akong ginagawa kahit makipagkaibigan lang o kahit maging kasama ko lang sya sa team, kahit pa maging bangko lang ako o water girl masaya na ko basta ang importante nakikita ko syang malapitan. Dapat pa nga akong magpasalamat kay Steff kasi gumawa sya ng way para mapalapit ako kay Denise ng walang hirap eh. Ang ipinagtataka ko lang e bakit gusto nya akong tulungan, na sa dinami dami ng pwede nyang tulungan dyan bakit ako pa? Kaya napagdesisyunan ko na lakasan ang loob ko at pumunta sa praktis. Sisimulan kong makipagkaibigan sa kanya at bahala na kung ano ang mangyari.
Naglakad ako papunta sa gym para pangatawanan ang desisyon ko. Tama! kahit sa pakiramdam man lang maging lalaki ako. Ayan na malapit na ko......ohh kayo ah iba iniisip nyo. Malapit na ko sa kanila ibig kong sabihin.
anak ng kamote naman kung kelan malapit na ko dun naman ako biglang kinabahan.
Bukas na lang kaya ako pumunta? Kaso pag bukas sabihin naman ni Denise nagiinarte ako pero kasi kinakabahan ako. Di bale sige dito muna ako sa likod nitong poste habang pinapalakas ko ang loob ko.
"Hooooo! Haaaa"
*AN: sound effects po yan sa pag inhale at exhale ni Adrian
Shemay!! Di ko talaga kaya kainis! Papanuorin ko na lang si Deni-ayy sila pala magpraktis kahit saglit lang tapos aalis na ko. Promise saglit lang talaga. Denise lumingon ka lang pwede na ko mama--
"Patay!" bakit? kasi bigla lang naman sila napalingon dito ni Steff at mukha talagang papatay ng tao tong si Denise. Lord nagjojoke lang naman po ako dun sa sinasabi ko kanina, wag nyo po muna ako hayaan mamatay hangga't di nagiging KAMI ni Denise.
STEFF's POV
Agad agad akong naglakad papunta kung nasan si Kei dahil panigurado tatakbuhan na naman ako ng kupal na to. Sobra katorpehan ng loko eh. Bago pa sya makatakbo hinila ko ang braso nya at saka ako umangkla sa kanya. Nagpupumiglas pa rin kaya kinurot ko sa tagiliran ng palihim.
"Aahhhrrr--" Di natuloy ang sinasabi nya kasi bigla kami nilapitan ni Captain.
Tinitigan syang mabuti ni Captain at naningkit pa ang mga mata nito na para bang nagdududa.
"Captain! Sabi ko sayo kilala mo to e. Di ba tama ako?" Tanong ko kay Denise
Tinaasan lang nya ako ng kilay. Di ko maintindihan ano problema nito ni Denise e. Mukhang me sapak din. Kanina tinatanong si Kei kung bakit dali mag give up, ngayon naman kilay lang sagot. Ganito ba talaga kami mga babae? Kaya ba puro reklamo na mga lalaki samin? Di naman din kasi lahat ng babae ganito eh paminsan yung magaganda lang pero bakit naman ako maganda pero di ganito ugali? LOL
"Nu pang tinatayo tayo nyong dalawa dyan?" Masungit na tanong ni Captain sabay talikod samin at naglakad pabalik ng court. Bipolar ata tong babaeng to. Katakot mood swings e. Bilis ng switching.
"Ikaw sumosobra ka na ah!" Bulong na singhal sakin ni Kei. Isa pa tong masungit e bagay nga sila!
"Eh para kang tanga, andito ka na tas bigla ka na namang tatakbo. Para kang yung naninilip ng live sex at nahuli na nakatingin e!" Sagot ko sa kanya na halata namang kinagulat nya. Napaka inosente talaga grabe. Kaya ang sarap asarin e.
"Ikaw kung ano-ano lumalabas dyan sa bibig mo, para kang di babae." Sagot nya sabay irap sakin. Aba'y anak ng pitong kabayo, napaka arte naman pala ng lola mo.
"Isa pang irap mo sakin hahawakan ko yang boobs mo!" pananakot ko sa kanya at talagang sineryoso niya dahil bigla syang napa atras at napatakip sa boobs nya. "HAHAHAHAHA! Grabe para naman kitang nirarape! HAHAHA" patuloy ko pa.
BINABASA MO ANG
Taking the Risk
Fiksi RemajaKei is an average student, well almost. except the fact that she's an androgynous, handsome lesbian who is innocent and who is longing for the word LOVE to come her way. With the help of the devious Steffany, will Kei be fortunate to find what she'...