Chapter 3

92 4 0
                                    

"B-ba-babae ka?!!" Gulat na gulat na tanong ni Steffany. Tss abnormal ba sya? Akala ko naman alam nya sya pa kaya may pakana na maghubad ako sa buong team. Nakakahiya dahil nandito rin si Denise na halatang nagulat din at medyo napanganga pa, mukhang pati sya di makapaniwala. Napapakamot na lang ako ng batok kasi nahihiya ako eh.

Napasimangot ako at napatingin sa dibdib ko at sinabing "Well, last time I checked I was." Tinignan ko sya ulit at nakitang hanggang ngayon ay nakanganga pa rin sya sa gulat.

Napapailing na lang ako at saka sinuot ulit ang shirt ko.Napaisip tuloy ako, siguro lalayo sakin to at malamang bad shot na ko kay Denise. Isa pa akala ko alam nya na babae ako, marami naman nakakaalam na babae ako?

Aalis na sana ako ng magsalita si Stef. "Oi Kei san ka pupunta?

"Ahh.. Aalis na?" Di ko siguradong sagot.

Lumingon naman ako sa buong volleyball team at napako ang tingin ko kay Denise at nakataas lang ang kilay nya, pero di mo mararamdaman na galit sya o nailang. Kung titignan nga syang mabuti makikita na para pa syang naaliw dahil kakaiba sa lahat ng nakilala nya.

"Captain kausapin ko lang saglit si Kei." Sambit ni Stef. Mukhang naguusap pa sila pero wala na ko pakelam at tinalikuran sila.

Wala akong balak na kausapin sya. Naiinis ako dahil sa ginawa nya. Una sinabi nya na sasali ako sa team. Pangalawa pinaghubad nya ako sa harap ng maraming tao at mga di ko pa kilala. Di naman ako nahihiya na makita ng iba ang katawan ko dahil pinaghirapan ko ang makakuha ng ganitong katawan, nakakaasar lang kasi andun si Denise at yung reaksyon ng mga mukha nila ng maghubad ako ng uniform parang nainsulto ako.

Naglakad na ko palabas ng gym at wala ng balak na bumalik pa sa loob ng bigla akong hatakin ni Stef.

"Kei kanina pa kita tinatawag. Di ka man lang huminto sa paglalakad. Ano bang problema mo bat bigla kang umalis?" Tanong nya na mejo hinihingal pa.

"Bakit mo ginawa yun?! Sinabi mo pa na bago akong recruit. Di ba sinabi ko sayo na wala akong balak sumali. Bat ba ginagawa mo mga bagay na to?!" Di ko na napigilan na mapasigaw sa kanya. Kakakilala lang namin tapos kung ano-ano na ginagawa nya. Di nga kami masasabing magkaibigan kung makaasta sya parang napakatagal na nya akong kilala.

Di sya umimik na para bang hinihintay na ipagpatuloy ang sasabihin ko.

"Nakita mo ba yung pagkagulat sa mukha nya nung pinghubad mo ko ng damit?!!! Yung mga tingin nya na para bang isa akong kakaibang hayop na ngayon lang niya nakita! Tinanong mo ba muna ako kung ano ang gusto kong mangyari?! Pinangunahan mo ko at nagdesisyon ka sa sarili mo na para bang di ko kayang magdesisyon ng para sa sarili ko." Patuloy ko pa na sabi sa kanya na puno ng galit sa katawang lupa ko.

"Your point is?" Anak ng! Di ba talaga makaintindi tong babaeng to?! Hayop sa sagot eh . Kundi lang ako gentleman malamang nasapok ko na to eh. Pasalamat sya di ako pumapatol sa babae.

"Di-" Di nya pinatapos ang sasabihin ko ng bigla na syang magsalita ulit. Tokwang to kanina hinihintay mo magsalita di nagsasalita ngayon magsasalita ka naman di ka patatapusin. Pakutos nga sa hypothalamus mo kahit isang beses lang!

"Nakita mo naman sya ng malapitan di ba? Isa pa I'm prettty sure this is the first time na nangyareng nagulat si Denise at mukhang napukaw mo ang atensyon nya." Sabi nya na mukhang proud na proud pa at dapat ko syang pasalamatan sa ginawa nya.

Hayyy pagod na ko, napakahirap talagang kausapin ng babaeng to. May problema ba to sa pag-iisip? Napakahirap umintindi e. Lagi pa iniisip na sya ang tama.

What's with her? Who the hell does she think she is para pangunahan ako sa mga desisyon ko.

"Nakita mo naman sya ng malapitan di ba? Isa pa I'm prettty sure this is the first time na nangyareng nagulat si Denise at mukhang napukaw mo ang atensyon nya."

Taking the RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon