Nang makarating si marj sa mansion ay agad na isang sampal ang sumalubong sa kanya pag pasok palang ng pinto
"Ang kapal mo naman maglakwatsya samantalang wala pang pagkain na nakahayin sa lamesa" nanggagalaiting saad ni Laura sa pamangkin
agad itong tiningnan ni marj ng walang emosyon
"Pasensya na ho may pinuntahan lang ako saglit yaan ninyo ho magluluto na ako" mababang sabi ni marj saka ito nilagpasan
Bawat araw iba't ibang pang aalipusta ang nararamdaman niya kung gaano siya kaingat noon ng kanyang magulang ay siyang kinabaliktad naman ngayon halos alapin na ang turing sa kanya ng kaniyang tiyahin
"Oh andito kana pala?" agad na napapitlag si Marj dahil sa biglaang pagsasalita ng asawa ng kanyang tiyuhin na si Reynaldo
tanging tango lang ang isinukli ni Marj dito dahil kung maari lang ayaw niya itong mapalapit sa kanya dahil lingid sa kaalaman ng kaniyang tiyahin ay may pagpapantsya sa kanya si Reynaldo
Agad na napaiwas si Marj ng hawakan ni Reynaldo ang kanyang kamay
"Alam mo ang ganda mo talaga manang mana kay Leyla " sabi nito na tila ba nababaliw
puno ng pandidiring lumayo si Marj dito ngunit agad nitong nahawakan ang pulsuhan niya
"Pakipot para kang ate denise mo!" isang sampal muli ang kanyang natanggap at hinawakan siya nito sa panga
"Tandaan mo nasa puder na kita kaya huwag kang maarte" gigil na sabi nito sabay alis ng kusina
halos mawalan ng balanse si Marj dahil sa panghihina niya
Bakit ba sila ganito sa akin,wala naman akong kasalanan pero daig ko pang nakagawa ng masama sa kanila sambit ni marj sa kanyang isipan at muling pinagpatuloy ang pagluluto
nang matapos niya ang pagluluto ay agad na inihain ni marj ang niluto at nagtabi ng para sa kanya dahil alam niyang hindi naman siya pakakainin sa hapag ng kaniyang tiyahin
"Mabuti naman at nakaluto kana sa susunod bago ka maglakwatsya siguraduhin mong ayos na lahat ng gawain mo! pinapalamon kana nga hindi mo pa magawa ang simple mga iniutos sayo tonta!" mataray na sabi ni Laura sa kanyang pamangkin
samantalang si Reynaldo naman ay nakangisi langnapatango nalang si marj at muling nagtungo sa kusina para kumain
tiim bagang niyang pinipigil ang sarili gusto niyang ipamukha sa kanyang tiyahin na hindi siya palamon dahil una sa lahat yung mga perang ginagastos dito sa bahay ay kanya ngunit kontrolado ng kanyang tiyahin ang lahat sapagkat ito ang tumayong guardian niya
tinapos na niya ang pagkain at saka muling naglinis alas-siete na ng gabi malamang aakyat na ang mag asawa kaya oras na sa kanya para tapusin pa ang ibang gawain para makapagpahinga na
Matapos maglinis ay nagtungo na si Marj sa kanyang silid sinigurado niya munang nakalock ang pinto niya saka ito naglinis ng katawan
katulad ng nakagawian ay grabeng pagkuskos sa katawan ang ginawa ni marj dahil sariwa parin sa kanyang alala yung kapangahasan ng kanyang tiyuhin na si Reynaldo
isang gabi iyon wala ang kanyang tiyahin sapagkat may pinuntahan itong pagpupulong nasa kalagitnaan si marj ng pamamahinga ng biglang pumasok si Reynaldo sa kanyang silid at muntik na itong magahasa pasalamat nalang ay dumating si Cris na siyang anak ni Laura grabeng galit nito ng makita ang sariling ama na nilalapastanganan si Marj
agad na sinuntok ni Cris ang ama nagpambuno pa ito sabay dating ni Laura na imbes na ipagtanggol siya ay mas kinampihan pa ang asawa samantalang si Cris ay hindi na niya nakita pa ang sabi sabi ay pinadala ito ni Laura sa US para don mag aral
![](https://img.wattpad.com/cover/272179503-288-k944818.jpg)
BINABASA MO ANG
Cursed Adelfés: Sacred Flame
Werewolf"How can I fucking choose you! your clan is the reason why I'm alone and become a monster!?" too much anger he loathed us not just my clan but also me I don't have the heart to tell what's the truth because it might reveal my true identity it's no...