Chapter 5

4 1 0
                                    

Nadatnan ni Marj na nakahain na ang hapunan nila kaya agad naman niyang inimbitahan ang ibang kasambahay upang  samahan siya sa pagkain ng hapunan

"Marj iha kamusta naman ang pamamasyal mo sa tabing ilog?" Tanong ni nanay inez habang kumakain ng hapunan

Napangiti si marj ng maalala ang ganda ng lugar

"Mabuti naman po Nay Inez nakakamangha parin ang ilog malinis at maaganda parin ito tila walang nagbago" magiliw na sambit ni marj na ikinatuwa ng matanda

"Abay sadyang maganda iyon señorita sapagkat alagang alaga iyon ng namamahala dito" tila proud na sabat ni Sara na sinang ayunan ng ibang kasambahay

"Mas maganda sa gabi iyon señorita sapagkat kumikislap ang tubig tuwing gabi dahil sa liwanag ng buwan at maliwanag doon dahil sa mga fireflies" magiliw na dagdag ng isa pang medyo batang kasambahay

Tila nais ni marj magpunta doon dahil sa paglalarawan ng mga kasama niya sa hapagkainan

Habang kumakain ay panay ang kwento ng ibang kasambahay kay marj kung gaano kaganda ang probinsya

"Alam mo ba señorita tuwing kabilugan ng buwan ay mas nagliliwanag ang Poblacion sabi ng iba dahil iyon sa Moon Goddess" agad na napatigil ng pagkain si Marj ng marinig muli ang salitang iyon kaya naman napatingin ito kay Nanay Inez

"Nay sino ba talaga ang Moon Goddess kasi noong nasa ilog ako nabanggit din sa akin ni thea ang tungkol dito" tanong ni Marj na agad naman nakakuha ng atensyon ni nanay inez

"Thea?nakilala mo siya?" Bakas ang pagkabahala ni nanay inez ng mabanggit ni Marj ang pangalang iyon

"Opo thea daw pangalan niya nakatira daw siya sa likod ng bayan ang ganda nga po niya eh" manghang pagsasalarawan ni Marj at muling inalala ang pagkikita nila ni thea sa ilog

Si thea ay halos kasing tangkad lamang ni marj maamo din ang mukha at may abo na mata

Nawala ang pag iisip ni marj tungkol kay thea ng mapansin niyang lumarawan ang takot sa mukha ng mga kasamabahay na ikinalito naman niya

"Ah anong problema?" Naguguluhang tanong ni marj sa mga ito ngunit walang nagbalak na magsalita napatingin na lamang siya kay nanay inez ng hawakan nito ang kamay niya

"Iha kung maaari ay huwag kang makipagkita sa batang iyon" may pag aalalang bilin ni nanay inez na lalong ikinagulo ng isip ni Marj

"Bakit nay?she seem very kind and i like her,i want her to be my friend" inosenteng sambit ni marj ngunit mariing tinutulan ito ng matanda

"Pakiusap Marjorie sumunod ka na lamang sapagkat ayaw kitang mapahamak" huling bilin ni Nanay Inez kay marj bago umalis ng hapagkainan

Halos tulirong iniwan ng lahat ng kasambahay si Marj sa hapagkainan

Naglalaro parin sa isip nito ang bilin sa kaniya ni Nanay Inez ngunit tila may pwersang tumututol sa kaniya

Bakit hindi kami pwede magkita ano bang meron? Litong tanong ni Marj hanggang sa napagpasiyahan niya umakyat na lamang sa silid

Agad niyang sinarado ang silid at nagtungo sa kaniyang higaan muling binuksan ni Marj ang laptop at muling lumabas ang mga larawan at artikulo patungkol sa mga werewolves

Nahihiwagaan siya sa nilalang na ito alam niyang kaparehas ito ng nilalang na nakita niya ng gabing iyon ngunit hindi niya mawari kung panaginip ba ito o totoong nangyari

******************************
*********************

Sa di kalayuan ay may dalawang pares ng gintong mata ang nakamasid kay Marj mula sa bintana nito

Cursed Adelfés: Sacred FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon