Prologue

12 1 1
                                    

Why me? I thought I'm not counted but I was wrong

Bakit ang sakit magmahal? akala ko ba ang  pagmamahal masaya puno ng kagalakan ang puso ngunit bakit ganito? napakahirap napakasakit
Puro luha imbis na tawa ang nangingibabaw

Nakakabaliw ang ganitong emosyon

Pagod na pinagmasdan ng dalaga ang mga batang nasa parke na kanyang kinahihintuan

"Layo ng tanaw andito lang naman ako sa tabi mo" isang tinig ang gumising sa malalim na pag iisip ng dalaga

"Ikaw pala yan James akala ko ba aalis ka ngayon bakit ka andito?" takang tanong ng dalaga na ikinakibit balikat lang ni James

Umupo si James sa tabi ng dalaga at mariin itong tinitigan sabay silay ng magandang ngiti sa labi

"Sabihin nalang natin na ayokong maiwan ang isang napakagandang dalaga na emotera" mapang asar na wika nito na ikinasimangot ng dalaga

Inirapan lang niya ito at muling tumitig sa mga bata

"Saya nilang tingnan no? tila walang pinapasan na problema, ano kayang pakiramdam na may magandang kalinga ng magulang habang lumalaki tipong ramdam mo yung pagmamahal nila" may halong lungkot na isinantinig ng dalaga

Ang nakangiting mukha ni James kanina ay naglaho at napaltan ng awa dahil sa sinabi ng dalaga

"Marj I know it's hard for you to accept your adopted parents lalo na at hindi maganda ang pakikitungo nila sayo simula ng aksidente pero bakit ka pa kasi nagtitiis sa mga iyon eh samantalang kaya mo na namang bumukod" mahabang lintaya ni James ngunit mapait lang napangiti si Marj

Bakit nga ba ako nagtitiis? bakit hindi ko kayang umalis sa puder nila? Mga katanungan na pilit na hinahanapan ng sagot ni Marj

Muling inalala ni Marj ang aksidente na nag pabago sa makulay niyang mundo noon

"Ate! Sama ako pleaseeee" pagmamakaawa ni marj sa kanyang ate denise noong siya ay pitong taon pa lamang

Umupo si denise sa harap ni marj at niyakap ito

"I told you na babalik naman ako diba? may bibilhin lang ako and kailangan kong pumasok sa trabaho ko" nakangiting sambit ni denise sa batang si marj

Nagsimula na itong humikbi kaya agad niyakap ni denise ito

"But i want to go with you because few days from now you'll go to state and you'll leave" malungkot na sabi ni marj sa kanyang ate denise

agad na lumambot ang ekspresyon ng mukha ni denise dahil sa sinabi ni marj

napabuntong hininga si denise at muling tumingin sa nakayukong si marj

Cursed Adelfés: Sacred FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon