Nakauwi sila ng mansion na tahimik si Sara hindi nito masagot ang tanong na ibinabato sa kaniya ni Marj ang tanging sinabi nito ay kay Nanay Inez ito mag tanong dahil wala siya sa lugar para ipaliwanag iyon
Na lalong nagpagulo sa isip niya,ngunit ng hanapin niya ang matanda ay wala ito sa mansion umalis muna daw ito at mamaya pa ang balik
Gulong gulo si Marj sa inaakto ng mga taong kasama niya,gusto niya ng kasagutan ngunit walang matinong paliwanag ang nakukuha niya
***************************
******************"Kuya nakita ko siya sa bayan kanina" biglang bungad ni Thea kay Timothy ng makarating ito sa pack house
Nilingon ito ni Timothy na seryoso ang awra
"Okay lang ba siya?" May bahid ng pag aalalang ang mapapakinggan sa tono nito
Umupo naman si thea sa bar tool ng bahay at hinagip ang alak doon
"Yes okay lang siya mukhang inaalagaang mabuti ng mga taga sunod ni Lucieta" tabang na saad ni Thea at inisang lagok ang alak na nasa baso
"Mabuti kung ganun" wika ni Timothy na seryoso parin ang itsura
Tumikhim si Thea na nakakuha ng atensyon muli ni Timothy
"I guess alam nilang nakahalubilo ko na ang iyong kabiyak at base sa nakita ko nais nilang palayuin ang iyong kabiyak hindi ko alam kung may alam na ba o walang ang iyong mate kuya pero malamang naguguluhan dahil kita sa mukha niya ang pagkalito at madaming tanong" mahabang pahayag ni Thea at muling uminom ng alak
"Palayuin?anong ibig sabihin mo don thea?" May pagtatakang tanong ni Timothy ibinaba ni Thea ang baso at mariing tiningnan ito
"Nang makita ako ng kasama ng iyong kabiyak kanina ay agad niya itong hinigit palayo at mababakas ang takot sa mukha nito" lalong naging seryoso ang mukha ni Timothy at ilang segundo lamang ay maririnig ang pagkabasag ng kung anong bagay na naroroon
Halos manlaki ng mata ni Thea ng makitang nagdudugo ang nakaikom na kamay ni Timothy
"Kuya ang kamay mo dumudugo!" Tarantang saad ni Thea akmang hahawakan nito ang nadurugong kamay ni Timothy ngunit iniiwas lamang ito
"Leave" malamig na saad ni Timothy umalma pa si thea ngunit mariin na ipinag utos nitong iwanan siya
Kaya labag man sa loob at napupuno ng pag aalala si Thea ay lumabas siya ng Pack house at nagtungo sa bahay ni Joaquin
Damn this curse,alam kong ito ang dahilan kung bakit ultimo si thea ay kinatatakutan sa lugar na ito
Pigil ang galit ni Timothy dahil alam niya na kahit magwala siya ay wala din naman itong magagawa sa sitwasyon ngunit nais din niyang makasama ang kabiyak pero hindi pa ngayon
*******************************
*********************Matamlay na naglalakad si Thea patungo sa kabilang side ng Pack ng may mabunggo siyang bata
Agad na napatingin si thea sa bata,nasa edad limang taon ito pinagpagan ni Thea ang damit nito at ngumiti dito
Ang cute nitong batang ito sa isip isip ni Thea ano kayang magiging itsura ng magiging anak nila ni Joaquin
"Cleo" isang boses ng batang babae ang narinig ni thea kaya napatingin siya dito magkahawig ang batang lalaking hawak niya at ang batang babaeng kadarating lang
"Clay!" Biglang sabi ng batang lalaki at agad na niyakap ang batang babae
Napangiti si thea sa nasasaksihan niya naalala kasi niya ang kapatid niyang nawawala
BINABASA MO ANG
Cursed Adelfés: Sacred Flame
Werewolf"How can I fucking choose you! your clan is the reason why I'm alone and become a monster!?" too much anger he loathed us not just my clan but also me I don't have the heart to tell what's the truth because it might reveal my true identity it's no...