Chapter 6

1 1 0
                                    

Hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa isipan niya ng bilin ni Nanay Inez na huwag ng makikipagkita kay Thea

Litong lito siya kung bakit dahil wala namang kongkretong dahilan ang sinabi sa kaniya ni nanay inez

Napagawi ang tingin ni Marj sa laptop na nasa gilid ng kama niya madami siyang nabasa kagabi ngunit hanggang ngayon ay pala isipan parin sa kaniya ang naturang nilalang

Dahil nagtatalo ang isip niya kung totoo ba ang mga ito o kathang isip lamang

Gusto sana niya itong ikwento kay Nanay Inez ngunit naisip ni Marj na baka hindi siya paniwalaan ng matanda

"Señorita may nais po ba kayong ipabili sa bayan? Dahil ako po ay magtutungo doon" biglang sumulpot si Sara na may dalang bayong at pitaka

Matagal na ng muli siyang mapagawi sa bayan dito sa Poblacion ,noon ay isinasama siya ng kaniyang Mamu pag namimili at masaya sa bayan madaming tao at madaming mabibili

Nakangiting bumaling si Marj kay Sara

"Maari ba akong sumama? Matagal na rin kasi ng huli akong napagawi sa bayan" masiglang saad ni Marj sabay lapit kay Sara

Mababakas naman ang gulat sa mukha ni Sara dahil hindi niya inaasahan ang reaksyon mula kay Marj

"Sigurado po ba kayo señorita?" Nag aalinlangang tanong ni Sara at tanging ngiti at tango ang isinukli ni Marj dito kaya wala ng nagawa si Sara at isinama na ito

Bago sila umalis ng mansion ay nagpaalam si Marj kay Nanay Inez na sasama siya kay Sara sa bayan upang mamili ng kailangan noong una ay ayaw pa pumayag ng matanda dahilan nito ay baka hindi daw ito sanay sa ganiyong sitwasyon dahil madaming tao at medyo magulo daw sa bayan

Ngunit buo ang loob ni Marj na sumama kay Sara sa bayan kaya naman wala ng nagawa si Nanay Inez nung hindi pumayag ngunit bilin nito na huwag lalayo kay Sara

"Señorita sumasakay ho ba kayo sa kalesa?" Tanong ni Sara na agad namang ikinalingon ni Marj

"Kalesa? Huling sakay ko doon ay bago ako magpitong taon" pahayag ni Marj na ikinatango naman ni Sara

"Nais ninyo po ba muling maranasan? Ayun po sana ang gagamitin nating sasakyan upang makarating sa bayan" saad ni Sara na ikinalaki ng mata ni Marj

"Totoo ba? Meron pa palang ganun sa modernong panahon ngayon sige nais ko ulit maranasan" manghang sagot ni Marj na ikinatawa naman ni Sara

Tinawagan ni Sara ang isang lalaking trabahador at maya maya pa ay may dala na itong kabayo na may hilang kalesa

Agad na nagliwanag ang mukha ni Marj at manghang lumapit sa tabi ng kabayo

"Ito yung sinakyan namin noon nila Mamu" tuwang sabi ni Marj na ikinatawa din ni Sara at ng lalaki

"Matagal na ho itong kalesa na ito nililinis lang ng mabuti para maalagaan at hindi masira,nga pala señorita si Macoy anak po siya ng hardenero ninyo at madalas siya ang naghahatid sa akin sa bayan gamit ang kalesa" napatingin si marj sa lalaking tinutukoy ni sara at marahang nginitian ito

Walang ano ano ay sumakay na si Marj sa kalesa pinagmasdan niya ang dinaraanan at masasabi niyang malaki na ang pinagbago ng probinsya

"Mama ayaw magpahuli sa akin ng butterfly hindi niya ata ako gusto" naiiyak na sambit ng anim na taong gulang na si Marj sa ina

"Anak hindi sa hindi ka nila gusto sadyang ang mga paru paru ay lumilipad" paliwanag ni Leyla sa anak na si Marj ngunit lalo lang itong napaiyak

Cursed Adelfés: Sacred FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon