So today is the day of the concert. 2 days already had passed but still, di pa din sinasabi ni Anne kay Yuki na nandito siya sa Korea ngayon para manood ng concert nila ng VBN. Hindi na din naman kasi nagkaroon ng chance na makatawag si Yuki nung isang gabi dahil, nagkaroon din sila ng biglaang meeting sa kumpanya nila ng gabing yon. Panigurado din na nagpapahinga paunti-unti ang VBN para sa concert nila ngayon.
Kahapon ng umaga, paggising ni Anne ng 6:ooam, agad siyang naghilamos at nagpalit ng damit para makapag jogging ng panandalian sa labas ng hotel hanggat hindi pa ganun ka araw. Sinabay niya na din sa paglabas niya ang pagtake out niya ng almusal niya pati na rin ang mga pagbili ng mga gamit na kakailanganin niya para sa concert. So, she bought different art materials for her personal banner para sa VBN and she also ordered cake para sa pagbati niya dito pagkatapos ng concert nila kinabukasan.
Hindi maitago ang saya sa mukha niya. Pero sa kabilang banda, hindi mo rin maitatago sa kanya ang kaba na nararamdaman niya pag nalaman na ni Yuki na nandito siya sa Korea at balak na umattend pa ng concert nila.
'Day of Concert'
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!"
"WOOOOOOOOOOOOOOOOHH VBNNNNN!!!"
"VBN!!!! VBN!! VBN!!! FIGHTING!" panay na sigaw ng mga vibees o ang tawag sa mga fans ng VBN sa concert ngayon.
Babalakin pa sanang pumunta muna ni Anne ng restroom para magsalamin ngunit nagulat siya ng biglang lumakas ang sigawan ng mga vibees ng lumabas sa unahan ng stage ang VBN para sa opening song nila sa concert na ito.
[Ang ibig sabihin ng "VBN" ay Vibin'. Yan ang pangalan ng South Korean Group na ito na may anim na member na nagngangalang: Steven, Sebastian, Felix, Jerry, Philip at Chris. English names ang gamit nila bilang stage name at kilalang kilala sila dahil dito. Sila lamang kasi ang grupo na gumagamit ng ganitong pangalan kumpara sa lahat ng KPOP Boy and Girl group sa bansa.]
Sunod sunod na sigawan, fanchant at kung ano ano pang katuwaan ang naganap sa gabing ito. Hindi lubos na maipinta kung gaano kasaya ang mga ngiti na makikita mo sa mukha ni Anne. Simula ng maging vibee siya ng halos 9 years, ngayon pa lamang niya na-experience makaattend sa concert na ito. At syempre isa na din sa pinakamalaking dahilan kung bakit lubos siyang nagiging emotional sa oras na ito, ay dahil kahit sa malayo ay pakiramdam niya kasama niya ang boyfriend niya pati na ang mga kaibigan niyang kagrupo neto.
"Okay, so for our last song in today's concert.." malungkot na sambit ng leader ng VBN na si Steven. "We will be singing this very special song by Cho Jung Seok "ALOHA". We hope y'all sing with us for one last time" sambit niyang muli gamit ang sariling lenggwahe.
Namatay ang ilaw ng ilang segundo bago magsimula ang huling kanta para sa araw na ito. Ngunit ganoon na lang din ang gulat ni Anne nang pagbukas ng makikinang na ilaw ay bumungad sa harap nila ng mga kasama niya ang taong kanina niya pa iniiwasan, si Yuki.
Nagbabalak na sana siyang takpan ang mukha niya ng kapit niyang banner kaso, huli na ang lahat. Kitang kita na siya nito kasabay na din ng pagkita niya ng disappointment sa mukha nito.
"Yuki..." bulong niya sa isip niya habang nakatingin dito, saka yumuko.
...💭💭