Kinabukasan, syempre super excited ako. Maaga akong nagising, naligo at nagbihis. Tamang tama naman na free day namin ngayon kaya ok lang kahit anong isuot namin. Ang ending ko sa pagbibihis ay, nakapantalon lang tapos naka tsirt. Ganito lang kasi talaga ako manamit kasama na yong bola ng basketball na lagi kong hawak-hawak at yong knapsack kong bag.
Sino ba naman ang mag-aakalang naghahanap ako ng boyfriend eh daig ko pa ang isang tunay na lalaki kung manamit. Basta, BAHALA NA.
Ako nga pala si GENALYN FERNANDO. Pinaghalong ROGEN at saka LINA. Sino sila? Malamang mga magulang ko yon. GEN ang gusto kong pantawag nila sa akin. Ang baduy talaga ng pangalan ko, no. Super BADUY rin kasi ng mga nagmanahan ko. Kaya yan, nasa genes ko na ang pagiging BADUY.
(=.=) Inaantok pa rin nga ako pero kailangan ko nang pumunta sa school para makilala ko na yung "soon-to-be-boyfriend" ko. ETCHOSS LANG !!!!! Nagpaalam na ako at umalis na sa bahay.
Pagdating ko sa may gate parang ayaw ko pang tumingin kasi parang nakakatakot. GRABE talaga ang kaba ko. At heto pa, parang naloka ako at nahilo nang matanaw ko yung dalawang lalakeng parehong nakasuot ng BLUE na tshirt at titig na titig sa akin habang pinagtatawanan ako. ERRRR
Gigil na gigil talaga ako, kaya nasira agad ang araw ko at nakalimutan ko na tuloy ang tungkol sa wish at plano ko. Wala akong nagawa at sa sobrang inis ko sa dalawang ugok na yon, sinugod ko sila at binato ko ng bolang hawak ko. Tinamaan silang dalawa sa mukha.
Pagkatapos nun, dali-dali na akong tumakbo at hindi ko na nakita yung mga expresyon ng mga mukha nila. Dumiretso na ako sa canteen dahil sa gutom ako tapos dinagdagan pa ng dalawang asungot na yon.
Wow, ang daming tao at wala akong nagawa kundi makipagsiksikan na lang. Nang makarating ako sa may malapit sa pintuan, may nakabangga sa akin. Mabuti na lang at nasalo ako ng lalaking nasa aking likuran. Kaya lang, laking gulat ko nang sa aking pagharap ay nakita ko na naman yung dalawang lalaking kinaiinisan ko.
Kaya agad akong tumayo, at pumila upang umorder ng pagkain. Pagdating ko sa cashier, kinapa ko agad yung bulsa ko para kunin yung wallet ko. Nawawala yung WALLET ko!!!!! Naku, ano ba namang malas ito!!! Mapapahiya na talaga ako at parang maloloka na, nang may magabot sa akin ng twenty pesos.
ABA!!! At sila na namang dalawa!!! Bahala na, kailangan kong tanggapin yung pera, naghihintay na kasi yung tindera. Hindi ko na nakuhang magpasalamat, dapat naman kasi nila gawin iyon kasi sinira nila ang araw ko. Kaya bagay lang na sila ang magbayad sa lahat ng kakainin ko 'no. Ang sarap-sarap ng pagkakasubo ko nang may nagsalita mula sa likuran ko.
"Ibang klase talaga miss. Tinulungan ka na nga, hindi ka pa magpapasalamat tapos, tatalikuran mo lang kami."
Napalingon ako at muntik pa akong mabulunan. Pagharap ko sa nagsalita, SILANG DALAWA na naman!!!??? Sino pa, edi yung mga asungot sa may gate. ARGHH, hindi na talaga ako nakapapigil.
"Aba, aba, aba. Mukhang kayo pa yata ang may lakas ng loob na manumbat at magalit sa akin!!! Hoy, mga ASUNGOT.... FYI lang, sinira niyong dalawa yung araw ko kaya pwede ba umalis na kayo sa harapan ko. Kasi baka kung ano pa ang magawa ko sa inyo. Okey?" Sigaw ko. Pinagtinginan pa kami na mga tao.
"Bakit ba ang sungit mo miss eh magso-sorry pa naman kami." Sabi ng lalakeng may hawak ng bola.
"Wala akong pakialam sa inyo, at isa pa hindi ako tumatanggap ng sorry lalo na kung sa inyo manggagaling. At saka, bakit ang kukulit niyo ha"? Sagot ko. ERRRRR
"oK, OK. Hindi ka na namin kukulitin basta magkakaroon tayo ng DEAL." Yung isa naman ang nagsalita.
AUTHORs NOTE: Bibitinin ko muna kayo. Ano kaya yung DEAL nila? Malalaman sa next chapter =)))

BINABASA MO ANG
Sana Dalawa ang Puso ko
RomanceKung bakit ko ba kasi naisip na maghanap ng boyfriend? Yan tuloy, nagkakagulo na yung buhay ko.