"GEN!!!" Sigaw ni Paul. Hay naku, ikaw na talaga!!!!
"Hay naku, tignan mo nga yang bestfriend mo. Nagpapasikat na naman oh." Sabi ko kay Reyven.
Nagtatanong siguro kayo kung bakit ko sila kasama no??? Long story pero isummarize ko na lang.
Naalala niyo nung nagkasakit ako?? Di ba pumunta sila sa bahay, dun nila ako napapayag sa deal...
Doon nagsimula ang lahat, kasama na rin ang pagiging malapit namin sa isat isa. Dahil lang sa deal at sa wish ko. Habang tumatagal ay lalo akong napapalapit sa dalawang asungot at ganun din naman sila. Wala pa akong pinipili sa kanila kasi magkatimbang lang silang dalawa sa puso ko. Walang araw na hindi kami magkakasama. Kulang na nga lang ay magkakatabi kami matulog. Nalimutan na nga namin yung deal eh.
Ngayon, nagkayayaan kaming pumunta sa beach para magouting.
BACK TO REALITY >>>
"Gen, alam , matagal ko na talagang gustong sabihin sa iyo ito. Kaya lang, hindi ako makahugot ng lakas ng loob eh. Gen, mahal na mahal kita. Simula pa lang nung una kitang makita sa school, sabi ko, ikaw na ang babaeng hinahanap ko. Iba ka kasi sa lahat ng mga babaeng nakilala ko. Totoo ka sa sarili mo at alam mo ba kung ano ang lalong nagugustuhan ko sa iyo? Ang pagiging boyish mo at saka nakakatawa ka kasing inisin kasi lalo kang gumaganda." Sinasabi ito ni Reyven habang nakatitig siya sa akin. Hawak-hawak ang kamay ko habang itinatapat niya ito sa kanyang dibdib.
"Ano ka ba, huwag ka ngang magdrama diyan. Hindi naman bagay sa iyo eh. Halika na nga, puntahan na natin si Paul dun tapos maligo na rin tayo. At saka, wala akong balak na magkaboyfriend no." Binalewala ko yung mga sinabi niya, pero ang totoo, grabe na talaga ang kabog ng dibdib ko.
Parang sasabog na!!! DUG. DUG. DUG. DUG. Ano ba yan!!!
"Teka lang Gen, hindi naman ako nagbibiro ah. Totoo lahat ng mga sinabi ko. Kahit na wala pa yung deal, mahal na mahal na kita. Please, ako na lang piliin mo. Maawa ka naman sa akin, please. Kahit lumuhod pa ako sa harapan mo ngayon." Pamimilit pa rin ni Reyven.
Tumakbo na ako papalayo para maiwasan ko si Reyven. Sa katatakbo ko, hindi ko namalayan na nadapa na ako at muli'y may bumalik na alaala noong una akong nadapa sa basketball court, parang naulit muli. Si Paul pa rin kasi ang nadaganan ko. Masuyo niya akong tinitigan, parang may gusto siyang sabihin. Napapaiyak na ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Gen, I Love You with all my heart and soul. Alam kong nahihirapan kang mamili sa aming dalawa ni Reyven. Iginagalang ko kung ano man ang maging desisyon mo. Pero ang masasabi ko lang, hindi ko kayang mabuhay kong wala ka sa tabi ko." Sa wakas, nasabi na rin ni Paul sa akin.
"Ayoko na. Pagod na pagod na ako, pwede bang pabayaan niyo na lang akong dalawa. Marami pang ibang babae diyan. Hindi lang ako nag-iisa sa mundo." Sagot ko sabay tayo.
"Gen. mahal na mahal ka namin. Alam kong mahirap magdesisyon pero kailangan mo nang mamili." Sabi ni Paul.
Naguguluhan na ako. What if gumawa ulit kami ng deal??? Sabagay, gusto ko na rin kasi itong matapos. Alam kong nakakatakot pero kailangan nang tapusin.
"OK sa Lunes, grand finals na nang basketball sa school. Dalawang team ang maglalaban, kaya pumili kayo ng team na pupustahan niyo. Kung kaninong team ang mananalo, siya ang sasagutin ko. Okey?"Sabi ko.
Kabadong kabado ang dalawang yon sa pagpili ng team. Nakita ko ang magkahalong tensyon at tuwa sa kanilang dalawa. Sa wakas, matatapos na rin ang matagal naming problema.
Kahit nga ako, kinakabahan eh. Ngayon ko lang naalala na, mahirap palang magmahal at mamili. Sa totoo lang, ayokong may masasaktan sa kanilang dalawa, kasi pareho ko silang mahal.
Walang nakakalamang sa isat isa. Pero ganyan talaga ang LARO, may MATATALO at meron ding MANANALO.
BINABASA MO ANG
Sana Dalawa ang Puso ko
RomanceKung bakit ko ba kasi naisip na maghanap ng boyfriend? Yan tuloy, nagkakagulo na yung buhay ko.