"GEN!!!!" Sigaw ni Paul. Tse!!!! Dyan nga kayo. Alam ko naman na pinaglalaruan lang naman ng mga lalake ang mga babae eh. Mahirap na ngayon maghanap ng tunay na magmamahal sa iyo.
"Ano ba!!! Please, layuan niyo na nga ako. Pwede ba? Ayaw ko nang marinig ang mga explanations niyo." Sigaw ko. Pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad. Magsama kayong dalawa!!!
"Teka lang." Sabi ni Reyven sabay hila ng kamay ko.
"May ipagtatapat kasi kami sa iyo." Singit ni Paul.
"Sige na, at nang hindi na ako umasa pa!!!" Sigaw ko. Naluluha na kasi ako eh.
"Gen. Kasi.. Si Reyven... Ikaw na nga magsabi." Sabi ni Paul.
"Uhmm, una sa lahat binabati kita Paul dahil nanalo ka sa laban at ikaw din Gen. Tol, ingatan mo si Gen ha. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan pero, sasabihin ko na. Good news ito at siguradong matutuwa ka." Sabi ni Reyven.
Naku!!! Gulong-gulo na ako sa inyong dalawa.
"Gen, ang totoo kasi niyan. Uhmm, alam mo ba kung bakit walang umiyak sa aming dalawa. Kasi wala kang nasaktan. Ang galing mo kasi mag-isip ng deal eh. Kaming dalawa ni Paul, may deal din. Sasabihin ko na talaga Gen... Bakla kasi ako." Nanlaki ang mga mata ko at halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Reyven.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Napaluha tuloy ako at hindi ko naman maintindihan kung bakit.
"Tama siya Gen. Ang deal kasi namin, kailangan ko siyang paranasin na maging isang tunay na lalaki. At ako naman, kailangan kong magkaroon ng girlfriend. Ang deal, kapag ako ang pinili nung girl, ibig sabihin ay talagang bakla siya. At ako, syempre, matutupad na rin ang wish kong magkagirlfriend." Sabi ni Paul.
Sabay-sabay kaming nagtawanan nang sabihin ko rin sa kanila yung DEAL ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Sana Dalawa ang Puso ko
RomanceKung bakit ko ba kasi naisip na maghanap ng boyfriend? Yan tuloy, nagkakagulo na yung buhay ko.