Chapter Five: SURPRISE :")

25 0 0
                                    

Kinabukasan, hindi na ako pumasok. Hindi ko kasi kayang tumayo, masyado kasing masakai ang buong katawan ko.. Maya-maya, pumasok si mama sa kwarto ko at sinabing may mga bisita daw ako? Sino naman kaya yun?  >_____<

"Hi GEN!!! Kamusta ka na?" Bati nito sa akin mula sa pinto.

Laking gulat ko nang makita kong muli yung dalawang asungot na yon!!!! At ang kakapal talaga ng mga mukha, pumasok pa naman agad sa kwarto ko. May dala pa silang mga prutas at bulaklak. KAINIS!!!!

"SURPRISE. Oh, nagulat ka no?" Sigaw nilang dalawa sabay apir.

"Kayo na naman!!! Ano ba kayo, mga mangkukulam??? Paano ba ninyo nalaman na dito ang bahay namin. At paano niyo rin nalaman na may sakit ako??? Siguro nga, MANGKUKULAM talaga kayong dalawa." Sigaw ko kahit nandun pa si mama. ERRRR

Lumabas na rin si mama, kaya kaming tatlo na lang ang naiwan.

"Huwag ka nang magalit. Heto o, dinalhan ka namin ng mga prutas tsaka bulaklak." Sabi ni Paul.

"Hindi ka ba nasurprise kasi nandito kami ngayon? At handa kaming alagaan ka." Sabat naman ni Reyven.

"Ano kayo, hilo? Kelan niyo ba ako titigilan ha??? At kung ako sa inyo, umuwi na kayo!!! Iuwi niyo na rin yang mga dala niyong prutas kasi baka malason pa ako." Bulyaw ko sa kanila.

"Huwag ka naman magbiro ng ganyan. Sige ka, pag namatay ka, eh di wala na kaming magiging girlfriend. Saka, sayang naman kasi maganda ka at gwapo rin naman kami." Sabi ni Paul.

Inis na inis na talaga ako!!! Kaya magtulug-tulugan na lang ako para hindi ko na sila makita pa.

Akala ko, titigilan na nila ako. PERO HINDI PA PALA.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

"Alam mo Reyven, itong kamay na to, kapag ako ang napili siguradong hindi ko na bibitawan pa." Sabi ni Paul. Ang CORNY at super BADUY naman nito.

"Akala mo naman magpapatalo ako sa iyo. Kapag ako naman pinili nito, syempre mabubuhay prinsesa siya. Kasi lagi akong luluhod at hahalikan ang mga kamay niya." Sabat naman ni Reyven.

"Ang kukulit niyo talagang dalawa eh no!!! Hindi na ba kayo nagsasawa na asarin ako??? Ni hindi  ko pa nga kayo lubusang kilala, eh kung makaasta kayo parang matagal na tayong magkakakilala." Sigaw ko (hindi naman masyadong malakas yon).

"Sige na. Pumayag ka na kasi sa deal." Pangungulit ni Paul. ARGGH, ayoko nga di ba?? Bakit ba ang kulit ng dalawang to.

Pagod na akong makipagtalo sa kanila!!!! BAHALA NA sa magiging desisyon ko.

Sana Dalawa ang Puso koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon