"oK,OK. Hindi ka na namin kukulitin basta magkakaroon tayo ng deal." Ang isa namang asungot ang nagsalita.
"Alam niyo, ang gulo niyong kausap. At ang kakapal talga ng mga pagmumukha niyo, ano?" Bulyaw ko sa kanila.
"Sige na. Pumayag ka na kasi, kung ayaw mong hindi ka namin tigilan." Sabi uli ng may hawak ng bola.
"Weeew, nakakainis talaga kayong dalawa. Ano bang deal yan? Bilisan niyo na nga at nang makaalis na ako." -AKO. Kakainis na talaga!!!
"Nakita ka namin kanina na may hawak na bola. Ibinato mo nga sa amin eh. Simple lang naman itong deal, tatalunin mo lang naman kami mamaya pagkatapos ng klase sa BASKETBALL. Pag natalo mo kami, free ka na. Pero kapag natalo naman kami, pipili ka sa amin kung sino ang magiging boyfriend mo." Sambit ng lalaking nakabag.
"O ano, payag ka na?" Sabi ng lalaking may hawak ng bola.
Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala sa sobrang kakapalan ng mukha nitong dalawang kaharap ko. ERRRR, pero may naalala ako. Ang wish ko nga pala kagabi. Ito na siguro ang chance kong magkaboyfriend.
Walang kamalay-malay ang dalawang asugot na mabibiktima ko sila. Syempre kunwari pakipot muna ako, tapos pumayag na rin.
"Sige payag na ako basta siguraduhin niyo lang na matatalo niyo ako." Sabi ko habang nakapameywang. Biruin mo, napapayag nila ako dun.
PAGKATAPOS NG KLASE.
Hayss, makakauwi na rin ako... WOOW, kapagod tng araw na ito...
"HOY!!" Sigaw ng dalawang asungot na yon sa may dulo ng hallway. PATAY!!!
Tuwang-tuwa naman sila nang makita ako. At sabay pa nilang hinawakan yung kamay ko tapos hinila ako sa gitna ng basketball court. Mabuti na lamang, wala nang maraming tao at walang nakakita sa amin kasi uwian na...
"Hoy, ano ba kayong dalawa!!! Bitiwan niyo nga yung kamay ko!!!" Sigaw ko...
"Teka, hindi pa nga pala tayo nagkakakilala noh?" Sabad ng lalaking nakabag kaninang umaga.
"Anyway, ako nga pala si Paul." Dugtong niya.
"At ako naman si Reyven." Sabad ng lalakeng nakahawak ng bola kanina.
Sabay pa silang dalawa sa pag-abot ng kanilang mga kamay sa akin.
"GEN." Sagot ko at hindi na ako nakipagkamay pa.
"Ok, lets start the game." Sabi ni Paul.
Sa una, nahirapan ako, magagaling kasi sila. At TAKE NOTE: dalawa silang kalaban ko. Nang nasa kalagitnaan na ng laro ay malapit ko na silang matalo kaya lang nadaganan ko si PAUL. Hindi ako nakatayo kaagad hingal na hingal na ako at pagod na pagod na ako sa kakalaro. Tumambad sa akin ang kanyang mukha at nasamyo ko ang mabango niyang hininga. Napatitig ako sa mga mata niya, at ganun din siya sa akin...
Lumipas ang ilang mga segundo, hindi ko pa rin magawang tumayo. Ngayon ko lang napansin, gwapo rin pala ang asungot na ito. Siguro perfect description niya nga sa kanya, TALL, DARK and HANDSOME.
"HOY!!! Ano ba kayong dalawa? Magtititigan na lang kayo dyan hanggang bukas?" Sigaw ni Reyven.
Noon lang ako nakabawi dahil sa SHOCK, pero hindi pa rin ako makatayo. Pinilt ko, buti na lang tinulungan ako ni Reyven.
"Oh ano, laban ka pa? Talo ka na kasi!!! Killer looks lang pala ni Paul ang katapat mo." Pang-iinis ni Reyven.
"HMPFT? Tumahimik nga kayong dalawa. FYI, magkakagusto ako sa iba pero HINDI SA MGA KATULAD INYO." I know na nagrered na naman ako. Kaya yumuko na lang ako at inayos yung sapatos ko tsaka ako lumakad papalayo. Tatakbo na sana ako nang hinawakan ni Paul yung kamay ko. >______<
"Oops, may nakalimutan ka yata. Paano na ba ang deal? Sorry kasi natalo ka eh, kaya kailangan mong tuparin. Okey?" Sabi ni Paul.
"Ano ba talaga kayo? Hindi niyo pa ba ako titigilan? OO natalo nga ako!!! So, ano ngayon kung natalo ako, eh ayaw kong sundin ang deal... Kaya diyan na lang kayo, at sorry din kasi naloko ko kayo. BYE!!!" Dire-diretso akong tumakbo papalayo. Hindi ko na alam kung ano yung naging mga reaksyon ng dalawang ugok na yon.
Pagdating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa banyo. Naghalf bath lang ako tapos kumain at nagpahinga na ako. Pakiramdam ko ay hinabol ako ng sampung aso. Nanakit ang buo kong katawan.
"Anak, nag-aapoy ka sa lagnat ah. Ano bang nangyari sa iyo?" Tanong ni mama. Hinawakan pa ako sa noo.
"Wala ma. Napagod lang siguro. Hihingi na lang po sana ako ng gamot." Sagot ko.
"Osige, magpahinga ka na pagkatapos. Para gumaling ka agad." Sabi ni mama sabay tayo mula sa kama ko.
BINABASA MO ANG
Sana Dalawa ang Puso ko
RomanceKung bakit ko ba kasi naisip na maghanap ng boyfriend? Yan tuloy, nagkakagulo na yung buhay ko.