Chapter 1

15 2 4
                                    

"On Friday, class you need to bring a canvas, paint brushes, acrylics or posterpaint. Any materials that you can use for our painting activity." Sir Jim, said.

Parang nagliwanag ang mga mata ko ng marinig ko ang sabi ni Sir. Ang tagal kong hinintay 'to! Kasi nung first year walang ganito na painting activity puro PE. Umay.

Agad akong nagtake-down ng notes ng mga kailangan para bibili nalang ako mamaya then dagdagan nalang kung may kakailanganin pa.

Lumingon ako sa likod at nakita ko na masaya 'rin ang mga tropa 'ko dahil mahihilig 'rin ang mga ito sa arts.

"Ano ippaint mo?" Tanong sa akin ni Lincoln.

Ano nga 'ba?

"Hindi ko pa alam pero may mga ideas ako kahit papaano." Sagot ko

"Ikaw?" tanong ko

"Wala nga ako maisip eh, hindi naman kasi ako mahilig magpaint, mas gusto ko pa magdrawing." sagot ni Lincoln

Natawa naman ako sa sagot niya, mahilig din kasi siya magdrawing pero hindi niya gusto ang painting dahil more on colors daw. Hindi pa naman siya gaanong marunong sa pag papares ng kulay.

"Buti nga ikaw yan lang pinoproblema mo, ako nga hindi marunong magdrawing eh, magpainting pa kaya?" sabat naman ni Rhys

Nagtawanan kami sa sinabi ni Rhys, may point nga naman siya. Ako man ay average lang sa pagguhit, hindi ako sobrang galing pero sa pagp-pinta ay nadadala ko ang mga kulay na para bang kahit pangit ang kalabasan ay nagagawan ko ng paraan.

"Drawing lang pala eh, ako taga-drawing tulungan niyo ako magpaint." wika ni Axel

"Tulungan magpaint e, di nga marunong. Eto ata sabog." pabalang na wika ni Rhys

Natawa naman ako sa sagot niya kay Axel.

"Nagaaway pa kayo, ganito nalang gawin natin, ikaw taga-drawing, Axel. Tapos si Ariexia taga-paint!" wika ni Lincoln.

Agad naman akong namewang sakanilang tatlo at mataman ko silang tinignan.

"Agree ako!" sagot ni Bran

"Ako 'rin!" sabat ni Cole

Si Erin naman ay marunong parehas ngunit alam kong magf-focus siya maigi sa painting niya dahil tulad ko ay mahilig din itong magpaint pero alam ko namang tutulong at tutulong din ito saamin.

"Tutulong ako sainyo!" si Erin.

"Kaya niyong dalawa yan, ako rin.. agree sa suggestion ni Lincoln!" wika ni Acie sabay tawa.

Para naman may choice kami? Kasi nag-agree kayong lahat aber?

"Kaya niyo na 'yan, malalaki na kayo, kami na bahala sa mga poster colors!" si Rhys.

Napapikit ako at napabuntong hininga na lamang. Naisip ko ay mageenjoy 'rin naman ako sa mga gagawin ko kaya okay na 'rin!

"G?" tanong nila samin.

"Kapag ba sinabi naming hindi papayag ka--" hindi niya naituloy ang sinasabi niya dahil nagsalita ang mga ito agad.

"Hindi!" sagot nila samin.

Natawa ako ngunit agad namang nawala ang ngiti ko ng sawayin kami ni Sir. Masyado na talagang maingay ang side namin dahil samin siyempre.

"Alright, pero hindi lahat kami gagawa ha? Kailangan niyo 'rin tumulong samin!" wika ko at nagtanguan naman sila.

Makalipas ang ilang oras ay nagbell na, hudyat na lunch time na kami. Agad na lumabas iyong limang lalaki upang magtungo sa canteen samantalang kaming tatlo ay nakabugong at aantayin nalang namin sila na dumating para sabay sabay kami kakain.

Art of His EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon