Excited na ako ngayong araw para sa pagppaint namin, kagabi palang ay naayos ko na lahat ng dapat kong dalhin at gagamitin.Nasa paper bag lahat ng brushes na meron ako at yung iba ay hiniram ko kay Kuya Celi dahil bumili din siya ng brushes noong nagpaint siya, dagdag ko lang para marami akong choices. Yung canvas ko naman ay okay na, yung palette okay na 'rin at dahil may cup na naman ako para sa mga brushes tuwing huhugasan yon.
Agad akong nagasikaso ng gamit ko ng sabihin ni Prof na pwede na kami magsimula, agad kong itinayo ang canvas sa harapan ko at kinuha ang puting tape tsaka inilagay iyon sa bawat gilid para magsilbing border ng canvas.
Ang totoo ay wala akong ideya sa ipipinta ko pero agad kong kinuha ang katam-tamang laki ng brush at kinuha ang itim na poster paint tsaka humulma ng mukha ng tao.
Nakabuo ako ng mukha gamit ang itim, agad kong kinuha ang palette at inilagay ang asul, pula, dilaw at berde tsaka kumuha ng brush. Ginamit kong kulay ng skin tone ang mga kulay na napili ko ramdam ko ang pagtataka saakin ng mga tropa ko at ang iba naman ay pinagbubulungan kung ano daw ang meron sa ginagawa ko ngunit maganda naman daw.
Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko hanggang sa nagkamali ako ng lagay at agad kong kinuha iyong puti at ipinatong iyon upang matabunan. Nang matapos ako sa pagkukulay ng skintone ay lumayo ako ng kaunti sa canvas tsaka isinawsaw ang paint brush sa itim at ipinatama ito sa kamay ko upang magkaroon ng natural na talsik ang kalabasan.
Nang matapos ako ay noon ko lang napansin na ang halos lahat ay nakatingin sa aking ginagawa. Lumapit saakin si Prof Jim, at sinabing kahanga hanga ang aking ginawa ngunit mas maganda kung may kulay raw ang background at hindi puti lamang. Dahil wala raw kabuhay buhay iyon, hindi ko minasama ang sinabi niya dahil suggestion niya lang naman 'yun.
"Sir, mawawala po kasi ang mensahe sa ipininta ko kung lalagyan ko ng kapansin-pansin na background." wika ko.
"Ikaw ang bahala, iyon naman ay suggestion ko lang." wika niya tsaka ngumiti at umalis.
Nagpatuloy ako sa ginagawa hanggang sa limang minuto nalang ay matatapos na ang subject namin.
"We'll continue this tomorrow, make sure to leave the canvas here in your room. I'll check it later, kung sino ang magiiwan ay iyon lang ang tatanggapin ko kapag nagpasa, para alam kong kayo ang naggawa." He said.
Nilingon ko naman sila Lin na halos wala pa rin laman ang canvas pati si Rhys. Nanlambot ang mga ito dahil sa announcement ni Sir.
Samantalang si Axel ay matatapos na rin tulad ko, ang ipininta niya ay isang babae na nakatayo at nakaharap sa dagat at tila ba nakatitig ito sa buwan at tinatanaw niya ito.
I wonder if it's his ex.
"Bakit dinodoble mo pa?" I asked.
Inaayos niya kasi yung mga disenyong bato sa pinta niya.
"Gusto ko gawing realistic, pero ang hirap i-maintain." sabi nya.
"Sa ginagawa mo, hindi matutuyo yung paint kasi dinadagdagan mo lang tsaka sayang yung black. Tsaka eto medyo nipisan mo lang tas iblend mo yung color." Wika ko, inexplain ko sakaniya yung mga napansin ko para mas maging maganda yung outcome.
"Paano? Hindi ko gets. Ikaw daw gumawa." He said.
I borrowed the brush and fixed the things I'm pointing to, inayos ko yung rocks na nakapaligid don sa babae na nasa painting niya.
The girl looks familiar.
Ibinalik ko sakanya yon ang brush at sinabing okay na. Katulad ng paulit ulit naming gawi, naglunch na kami ng sabay sabay at nagantayan.
BINABASA MO ANG
Art of His Eyes
RomanceHis eyes were like art it always has a meaning. I've noticed there's something in his eyes that I can't still figure out. I'm afraid to figure it out because I shouldn't. I shouldn't learn how to love the Art of His Eyes. Started: June 2021