Chapter 3

11 1 3
                                    

"Ang gusto ko sa babae yung masipag sa gawaing bahay tapos sa school na 'rin tapos syempre may pangarap, simple lang bonus na kapag maganda pa." si Jeremiah

"Syempre magkakagusto ka na nga lang don pa sa walang pangarap." si Lincoln

"Sobrang ideal kapag gano'n yung babae pre." si Axel

Nagkukwentuhan sila habang pinagpapatuloy pagppaint namin. Tapos ko na ang akin at iyong kay Axel 'rin sabay na kaming magpapasa kaya nagpaalam muna ito kay Jeremiah.

"Sir, saan po ilalagay 'to?" tanong ko.

"Punta nalang kayo sa office ko, ilagay niyo doon sa gilid. Make sure na hindi magkakatumba yung mga paintings niyo." wika niya, agad naman akong tumango.

Sabay kaming lumabas ng room ni Axel at nagpunta sa office ni Sir, dahil nakahiwalay ang office ni Sir sa faculty ay lumabas pa kami paikot sa field kaya medyo mainit. Hindi naman ganoon kalayo ito sa room namin pero dahil patanghali na ay masakit sa balat ang sikat ng araw.

Nanguna akong nagbukas ng pinto tsaka pumasok sa loob at sumunod naman siya, agad kong inilagay sa isang tabi yung painting ko tsaka sinunod ni Axel iyong kanya.

Agad kaming lumabas.

"Pupunta muna 'ko canteen, pa-reseve lang ako ng pagkain. Ikaw na bahala kay Sir." wika niya at tumango na ako.

Bumalik ako sa room and as expected.

"Nasaan si Axel?" Tanong ni Sir.

"CR lang daw po siya, Sir." I lied.

Tumango ito at agad akong naupo sa pwesto ko tsaka kinuha ang canvas ni Lincoln, na-drawing na niya iyong ipipinta at galing 'rin sakin yon. Sinend ko sakanya para mabilis nalang ipinta, kung tutuusin ay hindi na kailangan pang magdrawing pero dahil mas natatantya ko ay hinayaan ko ng i-drawing niya.

Nilagyan ko ng tape ang magkabilang gilid ng canvas para magkaroon ito ng border. Nilagyan ko 'rin ng tape ang drawing na puno sa gitna para hindi gaanong malagyan ng kulay.

The painting is inspired by broken hearts, the first side of the tree there's a man who's looking at the moon and stars. While on the other side there's a woman who's waiting for the sun to rise. They're both sitting on a swing, thinking each other.. thinking how they got stuck at looking in the moon and the sunrise. How their memories stick with the moon and sun but not them to each other.

Yes, it was sad.

I blend the orange and yellow and adding up some white and black to make it more realistic for the sunrise meanwhile in the moon and stars also the night background I blend blue, white and black. After the backrounds I removed the tapes in the tree and painted it with black same as the grass to make it shadows.

"Uy, Pisces ang ganda!!" iyong President namin.

I'm always been shy whenever someone acknowledge my paintings, because I was never used of it. Acknowledgement is something I will never get used of.

Natapos ko ang painting ni Lincoln kaya ngayong araw din ay nakapagpasa na agad siya. Puro puri naman ang narinig ko sakanya na ang galing ko daw magmix ng kulay.

Well.. it's my specialty as they said.

I still have one more painting to go, and yun yung kay Rhys, as of now he doesn't have any idea kung anong gusto niya. So we searched a lot and we decided it to be a lake with a swan but much more easier since black lang yung objects and background is the main priority. Since it's a sunset.

I'm happy, because it might be a lot of work but the outcome is always worth it specially when you worked hard for it.

Natapos ang time namin kay Sir kaya bukas ulit ang continuation ng pagpipinta namin. Sumunod ang subject namin na computer which is one of my favorites.

Art of His EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon