TW: Self-harm
Nang matapos namin halos ang kalahati ng project namin naisipan namin magvideoke. Nagkantahan kami at syempre nangunguna ako kahit pa sintunado, mas madami pa ang oras na nailaan namin sa videoke kesa maggawa.
Si Rhys ang naiwan sa loob at nagpapatuloy pa rin sa paggawa. Kasalukuyan silang nagkakantahan at pumasok muna ako sa loob para imisin yung mga ginamit namin. Andito oa rin si Rhys.
"Patapos na ko dito p're." bungad niya sakin.
"Nice, nasobrahan ka naman sa sipag p're." biro ko sakanya.
"Sunod kana don, pagtapos mo diyan ah." dagdag ko ulit at tumango naman siya.
Ipinasok ko iyong laptop sa loob ng lagayan at pati yung ibang gamit nila inayos ko na para isang bitbitan nalang kapag uuwi na. Nang matapos ako ay nagkakantahan pa rin sila doon.
Alas sais na nang napagdesisyunan nilang umuwi, bago kami umuwi ay nagpicture muna kami.
And that's the first pic of our barkada pero kulang dahil wala si Bran.
I immediately lay down as soon as I finished cleaning the living room. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko agad ang story ni Axel, five minutes ago pa lang yon. It's a calligraphy pen.
I replied to his story.
"Sanaol!!"
He responded quickly because he's online.
"Ganda kamo, try natin dadalhin ko next week." Axel asked.
"Hala, nakakahiya naman." sabi ko.
"Okay lang, para matesting mo rin"
"Sige lang, pero parang ang ganda talaga gamitin!!"
"Oo, tinesting ko na kanina, sinearch ko pa nga kung paano gamitin eh."
"Medyo keri lang gamitin yan." I replied.
"Oo, mukha lang mahirap gamitin nung una." He responded.
We talked a lot about the pen and after that I decided to go to sleep.
It's October 04, already kaka-announce lang samin ng adviser namin na may field trip kami sa October 25. Lahat kaming barkada ay sasama except kay Acie, na pinagiisipan pa dahil mukhang di raw siya papayagan dahil wala daw pang field trip.
"Walang problema diyan, ambagan tayo para maisama natin si Acie!" suggestion ni Axel.
"Oo 'ba! Eto na five hundred, dagdagan niyo nalang." sabi ni Lincoln at inabot yung five hundred bill kay Acie.
Nagkagulatan kami sa binibigay niya kaya hindi ito agad tinanggap ni Acie.
"Ang laki naman ng five hundred..?" si Acie.
"Okay lang p're, basta makasama ka tsaka wag ka magaalala di yan galing sa magulang ko, binenta ko kasi yung dalawang account ko sa crossfire. May 2k pa ako dito." sabi niya agad.
Natameme kaming lahat sa sinabi ni Lincoln.
"Okay nga lang yon, sige na tanggapin mo na." wika ni Lincoln kay Acie.
Nagambagan kami at nabuo agad namin iyong pambayad sa field trip ni Acie. Pocket money nalang.
"Magpapatago nalang ako sayo ng pera, Pisces. Para sa pocket money ko." si Acie.
"Sure, pero wag po titipirin sarili mo masyado ha. Sabihin mo sakin kapag wala kang tinapay, alam mo namang source din ako ng foods." sabi ko sakanya.
"Oo naman." wika niya sakin tskaa ngumiti.
Lumipas ang ilang araw ay nakapagbayad na kaming lahat sa field trip at kasalukuyan na inaayos ng adviser namin yung seat plan. Ang magkakatabi ay si Acie at ako, si Rhys at Erin, Bran at Lincoln, si Axel at Cole.
BINABASA MO ANG
Art of His Eyes
RomanceHis eyes were like art it always has a meaning. I've noticed there's something in his eyes that I can't still figure out. I'm afraid to figure it out because I shouldn't. I shouldn't learn how to love the Art of His Eyes. Started: June 2021