ZYMEL'S POV
"Napakatagal mo naman, gubat ba ang dinaanan mo? Kanina pa ako nag-aantay sa'yo dito oh! Muntik na tumirik ang mata ko alam mo ba 'yon?" eksaherado kong reklamo pagkapasok sa kotse ni Vancouver. Ikinabit ko muna ang seatbelt bago siya nilingon.
"Pa'no muna yung pagtirik ng mata," pambubuwisit pa niya kaya naman sinapak ko siya sa braso.
"Badtrip ka!"
"Azaaaar!" hindi ko na lang siya kinibo.
''Chill! Aga-aga ang init ng ulo mo. 'Di naman kaya epekto na 'yan ng pagiging tigang mo?" tatawa-tawa niyang sinabi.
"Lul! 'Wag mo 'kong itulad sa'yo good boy 'to," I smirked at him.
"E, di ako na ang out of place," pagngiwi niya.
"Paandarin mo na lang kotse mo para 'di ako mabadtrip lalo sa'yo,"
"HOY! Baka nakakalimutan mo nakikisakay ka lang. 'Di mo ko driver ulol!" singhal niya sa'kin.
"Mas ulol kayo ni Zage, kundi niyo 'ko binuyo sa babaeng 'yon nung gabing nasa club tayo... hindi magkakandaletse-letse ang buhay ko," pasaring ko sabay iwas ng tingin. Nagulo ko tuloy ang buhok kong pinaghirapan ko pang suklayin kanina.
"Wow para namang 'di mo rin ginusto! 'Wag ako Primo!" sabay malakas niyang tawa masama ko naman siyang tinignan.
"Maiba tayo... ibinalik na ba sa'yo yung kotse mo?"
"Hindi pa, iyung motor niya pinagagawa ko pa kay Kenth. Mamaya after class pupunta ako sa shop nun titignan ko kung tapos na."
"May utang ka pa sa'ming kuwento ni Zage, baka nakakalimot ka," napangiwi ako sa sinabi niya.
"Kahit kailan napaka tsismoso mo pati si Zage dinadamay mo pa," sabi ko sa kaniya namamangha niya naman akong tinignan.
"Hoy! Para sabihin ko sa'yo badtrip kami pareho dahil nagmaneho kang lasing!" singhal niya.
"Nagsalita ang hindi rin lasing," pasaring ko.
"PINAPAHINTO KA NA NGA SA PAGMAMANEHO PARA KAMI NA LANG NGA ANG MAGHATID SAYO PERO ANG TIGAS NG BUNGO MO. ANO, GUSTO MO NA BA TALAGANG MAGPAKAMATAY HA?!" napatakip na ako ng tenga sa lakas ng boses niya!
"BAKIT KA BA SUMISIGAW!" sigaw ko rin pabalik habang nakatakip ang kamay ko sa magkabilang tenga. Para na kaming mga tanga na nagsisigawan dito sa loob ng kotse. Umiling na lang siya at nababadtrip na binalik sa harapan ang tingin.
BINABASA MO ANG
Untamable Badass Queen
ActionShe's the woman you've never wanted to encounter with. She's a badass, and she don't give an F to those people who always talk about how cruel she is.