Chapter 44. Capella's Arrow

1.2K 113 14
                                    

Mabilis akong lumundag palapit kay Phelan.

Kumislap ang dulo ng palaso na galing sa crossbow ng kalabang nasa ituktok ng talon. Pamilyar ang tindig ang daloy ng enerhiya nito. Pero hindi ko muna iyon pinansin dahil nanganganib ang buhay ni Phelan. 

Bumulusok ang metal na palaso. 

Tumalon paiwas si Phelan. 

Pero tila nabasa ng kalaban ang galaw ni Phelan at muli itong nagpakawala ng sunod-sunod na palaso muna sa malaking crossbow nito.

Muling lumundag ang lalaki. Nagawa nitong iwasan ang dalawa pa kasabay ng pagtilamsik ng tubig sa ere pero huli na nang mapansin niya ang dalawa pang magkasunod na atake.

Nalito ito sa mga palaso at tumilamsik na tubig sa ere kaya hindi niya kaagad napansin ang pagbulusok ng matulis na bakal. Sakto namang ilang talampakan na lang ang layo ko mula sa lalaki kaya alerto kong nahagip gamit ang kaliwa kong kamay ang rumaragasang palaso na dapat sana'y tatama sa sikmura ni Phelan.

Nakalutang kaming pareho ng lalami sa ere habang nakaabang sa muling pag-ulan ng rumaragasang metal.

Nahawakan ng lalaki ang kanang braso ko. Nahila ako nito sa kanyang pagbagsak bagay na labis kong ikinagulat. Hindi ko pa kailanman nakikitang naging pabaya ito sa pakikipaglaban.

Nang hagilapin ko ang nakamantong kalaban sa ituktok ng talon ay mabilis na itong nakalundag sa pinakamalapit na sanga ng puno. Nawala ito sa kagubatan kasabay ng saktong pagtakip ng makapal na kaulapan sa liwanag ng araw.

Nakatitig saakin ang mata ni Phelan. He grunted. His grip tightened. "Kiera," he said then the searing pain pierced through his face. Napalingon ito sa kanang binti.

Tumambad saakin ang palasong nakatusok sa kanyang binti. Lumusot ang dulo ng bakal sa likod ng kanyang binti.

"Phelan," sabi ko. Natigilan ako sa loob ng ilang segundo.

Pero bago pa man kami bumagsak sa tubig ay kaagad kong naiakbay ang braso nito sa likuran ko. Inalalayan ko sa pagbaba ang lalaki pero.

Napasigaw ito nang tuluyang bumaba ang kanang binti nito sa tubig. Hindi ko maipaliwanag ang kirot na nararamdaman ni Phelan. Halos mamutla ito nang yakapin ako sa sobrang sakit na nararamdaman.

"Can you heal? Can you?" garalgal kong tanong habang lumalangoy patungo sa buhanginan. Nakaalalay parin ako sa halos hindi na makakilos na lalaki.

Hindi ko namalayan kung paano ko nabuhat si Phelan. Marahil ay dulot iyon ng lakas na mula kay Galatea. Isinandal ko ang nanghihinang si Phelan sa isang natumbang puno ng mahogany kung saan nakalubog ang kalahating bahagi nito sa tubig.

"Phelan," kinakabahan kong sambit. "Phelan don't close your eyes. Stay with me!"

"The... the... the... ar... arrow, Kiera. It's making me weak. I don't... don't know... what it is but it's making me weak," nanginginig at nanghihinang sambit ng lalaki.

"It's not a normal arrow then," natarantang sambit ko.

Mabilis kung pinutol ang sanga ng mahogany sa di kalayuan muli kong pinutol ang isa kabilang dulo nito hanggang sa maging isang dangkal na lang.

Phelan grunted in pain again. He was losing a lot of blood.

"Bite this! Bite this!" Inungat ko ang bibig ng lalaki at ipinakagat ang makapal na sanga ng puno.

Nagawa namang pulutin ng lalaki ang piraso ng kahoy na nahulog sa kanyang dibdib. "Whenever you're... you're ready."

"Tatanggalin ko ang bakal mula sa binti mo. Okay?"

CrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon