Chapter 12. Music Book

8.4K 452 28
                                    

Hindi ko na naabutan sa dining room si Friedan. Maaga siguro itong pumasok sa opisina kaya mag-isa na naman akong kumain ng almusal. Hindi naman ito bago. 

Mas madalas ang mag-isa akong kumain at bihira ang makasabay ko siya sa almusal. Inagahan kong bumangon para makausap siya sa maling sinagot ko tungkol sa panliligaw ni Phelan saakin. Magpapaliwanag dapat ako pero parang hindi na ako binigyan ng pagkakataon ng lalaki na sabihin ang totoo dahil simula kahapon ay hindi na ako nito kinausap. Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ko pagkatapos kong kumain at nagdesisyong maagang pumasok sa university kahit na alas diyes pa ang unang subject ko. 

Miyerkules at may usapan kami ng kumag na si Phelan Vargas na magkikita sa gymnasium ng eskwelahan. Tatlumpong minuto akong napaaga ng dating kaya nagdesisyon akong dumiretso na sa tagpuan namin.

Walang tao sa gym. 

Himala dahil kadalasan may mga tumatambay na sa loob kahit alas otso pa lang ng umaga. Napalingon-lingon ako habang naglalakad hanggang sa marating ko ang dulo ng gymnasium kung saan naroon ang stage. Doon madalas ginaganap ang mga seremonyas ng eskwelahan.

Kaagad kong natanaw ang isang Yamaha CP4 wooden key piano na nasa gitna ng stage. May isang makapal na music book na nakapatong sa music rack nito. Nakabuklat pa ang music book na halatang nakalimutang dalhin ng nagmamay-ari no'n. Nasa bandang likuran ang iba pang musical instruments pero tila nakatuon ang mga mata ko sa mismong wooden piano.

Hinila ako ng sarili kong mga paa palapit sa piano. Napahaplos ako sa makinis na fall board nito bago ko inangat upang mausisa ang mga piraso ng keyboard. Napangiti ako ng hindi namamalayan nang biglang sumagi saakin ang alaala ng yumao kong ina. Naroon ang isang imahe ng isang inang kalong ang kanyang batang anak na babae habang sabay na tumutogtog ng 'Winter Sonata'. Hindi ko maaninag ang mukha ng ina pero alam kong ako ang batang babaeng naroon sa larawan.

Hinila ko ang piano bench at nagpakawala ng isang banayad na buntong hininga bago ko kinapa ang tiklado ng piano. Maingat kong itinapat ang mga paa ko sa tapat ng pedal at sinimulang buklatin ang music book. Maraming mga contemporary songs ang nakalagay doon, mga kantang malimit kong marinig sa radyo. Nakailang pahina pa ako hanggang sa mapansin ko ang isang titulo ng kantang tila musika ng buhay ko, "Out Here on My Own" ni Irene Cara.

Napatitig ako sa mga notang nakalapat sa music sheet saka sinimulang kapain ang tamang key.

Tila dinala ako ng magkakasunod na linya ng nota hanggang sa naramdaman ko ang bawat rythm nito. Pakiramdam ko'y gusto kong sabayan ng kanta ang bawat tunog na lumalabas sa soundboard. I cleared my throat and closed my eyes as I tap the first string. Sinabayan ko ang pagtipa ng bawat nota ng kanta. Bawat tunog na lumalabas sa piano at sa bibig ko'y katumbas ng isang marahang haplos sa aking puso.

Nadala ako sa pagtugtog at pagkanta. No one knew I could hit a note when I sing. I had kept this secret for so long... since my parents died.

I felt a pang on my chest and a bit of relief as I ended the song. Napatagal pa ang pagpadyak ko sa pedal para maextend and huling pares ng nota ng kanta. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko habang unti-unting umangat ang mga daliri ko palayo sa keyboard.

Bigla akong natauhan. Mabilis akong napalingat sa paligid. Walang tao. Nakahinga ako ng maluwag. Atleast nananatili paring lihim ang pagkanta ko. Dagli kong tinanggal ang salamin sa mukha ko at mabilis na pinahid ang luha sa mata ko. Kaagad kong hinablot ang bag ko palayo sa piano.

Pasado alas nuebe na at wala pa ang kumag na si Phelan. Paalis na ako sa gym nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Isang text ang natanggap ko mula sa lalaki.

'Work out room. Bilisan mo!' -Phel

Dakilang ulupong ni satanas! Siya na nga itong hindi sumipot, siya pa ang may ganang makapagdemand.

CrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon