Chapter 11. Unrequited

7K 428 40
                                    

"Anong kailangan mo Z-zilla?" taka kong tanong. Labis ang pagtataka ko kung bakit bigla na namang nagpakita si Zilla. 

Wait, am I in trouble? Bigla kong natanong ang sarili dahilan para kumunot ang noo ko kung may nakaambang panganib. 

Sa pagkakatanda ko, simula nang kupkopin ako ni Dr. Roberts nagsimula ang pagpapakita ni Zilla. Una niya akong iniligtas noong kamuntikan na akong malunod sa dagat. Kasunod no'n ay nang ma-stuck ako sa elevator ng school noong nasa fifth grade ako. Nasundan pa iyon ng ilang mga aksidente at biglaang pagsulpot ng 11th sa tuwing nanganganib ang buhay ko.

Ipinagpalagay kong ang pagliligtas nito saakin ay bahagi ng misyong nakaukit sa hawak niyang crown at kaya nandito ito ngayon ay dahil may nakaambang panganib. Nanatiling nakatitig ito saakin habang ako nama'y nakatingin lang din sa kanya. Halos hindi marinig ang paghakbang niya nang lapitan ako't ilatag paharap ang kanyang palad. "Kiera, give me the ruby crown," mahina nitong sabi. Sa tono ng pananalita nito, batid ko ang pagmamadali niyang makita ang korona.

Nagdalawang isip ako. Mahigpit na ipinagbabawal ng code of light ng LOU ang ipakita ang mga nakaukit na salita sa korona. Pero si Zilla mismo ang humihinga ng ruby crown, ang taong nagligtas sa buhay ko ng maraming beses. Naisip kong baka bahagi ng misyon niyang alamin ang mga nasa listahan ng hawak kong korona para masiguro niyang ligtas ako at malaman niya ang mga lakad ko.

"Are you sure Zilla?" taka ko paring tanong dito. Pero bago ko pa man tanungin 'yon, nakapagdesisyon na akong ibigay sa kanya ang korona. I had a few trusted urion in LOU -Zilla is one of them. Alam kong dapat ko siyang pagkatiwalaan.

Tumango ito. Kahit na mga mata lang niya ang natatanaw ko sa natatakpan niyang mukha, natatanaw ko ang katapatan nito.

Ipinatong ko ang maliit na korona sa kanyang palad. Bahagya niyang pinihit ang bilugang metal na tinadtad sa batong ruby upang matanaw ang mga salitang nakaukit doon. Ilang segundo lang niyang pinasadahan ang likurang bahagi ng ruby crown saka niya maingat na ibinalik saakin.

Biglang bumukas ang pintuan dahilan para maalarma ako. Nang tanawin ko si Zilla ay wala na ito sa harap ko. Ganoon siya kabilis. Mas malala pa sa naglalahong parang bula kaya tinawag siyang The Shadow.

Mabuti na lang, naisaloob ko.

Si Friedan ang dumating. Pumasok ito na may hawak na mga papeles. Seryoso parin ang tingin nito. Wala naman talagang magbabago sa itsura niya. Madalang itong ngumiti at bibihirang nakitang tumawa. Ayon nga kay Ara, mataas ang presyo ng ngiti ng isang Friedan Roberts. I couldn't agree more.

"You're ready for discharge," sambit nito habang inaayos ang mga hawak na papel sa kanyang suitcase, "the car will be here in a few minutes kaya kailangan mo nang magbihis."

Bumangon ako sa kama. Dapat nga eh kanina pa ako dinischarge dahil wala naman akong nararamdamang sakit. Parang nagising lang ako sa isang malalim na tulog. Hindi ko alam kung paano nalusutan ni Friedan ang mga doktor sa maaaring matuklasan ng mga ito saakin. Marahil ay isa na namang crowned ang naging katuwang ng lalaki para maitago ang diagnosis na hindi maaaring malaman ng mga pangkaraniwang tao kung sakali mang dumaan ako sa check up.

"Kiera? Hindi ka ba magbibihis?" nakataas na ang isang kilay ng lalaki nang balikan ako at makitang nakatunganga lang habang nakaupo sa gilid ng kama.

Umiwas ako ng tingin. I just couldn't stare at him straight lalo na't pinagbibihis niya ako habang nasa loob siya ng silid. For almost twelve years na magkasama kami sa iisang bubong, hindi ko siya hinayaang pumasok sa kwarto ko at ganoon din siya even when I was little. Matagal na kaming may ilangan kahit na sa mata ng iba lalo na kay Doctor Roberts ay magkapatid kami. We never treated each other as siblings. We were strangers. 

CrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon