Chapter 33. Pygmalion and Galatea

2.3K 198 23
                                    

His pain, as if ripping his muscles into shreds, grew as his eyes peer at me, pleading. Nagpaikot-ikot ito sa damuhan habang hawak ang sikmura. Ang mga litid nito sa mukha, leeg, braso, at binti ay tila puputok na. 

I saw his veins growing into hues of blues, purples, and greens all at one as his eyes slowly transform into darkness. 

Tama si Roen. All hybrids had their demons. And the demon inside Phelan's was one of those that he feared. I wonder why? Siguro'y sobrang lakas nito.

Nadoble ang kaba sa dibdib ko.

My entire body was shaking. Hindi ko na alam ang gagawin habang sinusubukang saklolohan ang lalaki. Walang salitang lumalabas sa bibig ko kahit na gustuhin kong pakalmahin ito.

Sinisigaw nito ang pangalan ko habang namimilipit sa sakit, "Kiera! Save our human friends! T--this demon is taking over my b--body. I will be fine. Save them!"

Tila isang makapangyarihang utos ang boses ni Phelan na umukilkil sa utak ko ng paulit-ulit. Pakiramdam ko'y narinig ng nilalang sa loob ko ang hinaing ng lalaki. Nagsimulang lumakas ang kabog ng dibdib ko hanggang sa mabingi ako sa sariling kabog nito.

Wala akong ibang marinig kundi ang nagririgodon kong dibdib. Napaatras ako mula kay Phelan. The demon inside me was trying to take over. But I feel no pain just like what Phelan's going through. I only felt a strong force coming from my heart beginning to spread and entangle every nerve in my body.

My senses heightened again. My muscles were becoming agile. My strength was getting enormous. The power in my gut was like a burning fire, ready to spread flames.

Isang malakas na tili mula kay Betsy na sinundan ng sigaw at hiyaw mula sa iba pang campers ang nakapagpanumbalik saakin sa kasalukuyan.

Ramdam na ramdam ko ang takot sa dibdib nito na nagsimula nang magkumpulan sa iisang sulok dahil sa nakita. Hindi ko inakalang pati sensasyon ng bawat pusong naroon ay mararamdaman at maririnig ko. The demon inside me never failed to impress me.

Inabot ko ang makapal na balabal mula sa aking mga gamit. Ipinantakip ko iyon sa aking mukha at pang-itaas na bahagi ng aking katawan saka mabilis na kumilos patungo sa mga kaibigan naming tao. Awtomatikong lumundag ang dalawa kong paa patungo sa harap ng mga nagkumpulang campers.

I was like a falling rocket landing smoothly in front of our human friends.

Madilim na ang paligid. Lihim akong nanalangin na sana ay hindi ako mamukhaan ng mga ito.

"Run!" malakas kong sigaw sa mga tao habang mabilis ang aking pagsulyap sa aking likuran.

Mula sa ilalim ng lupa ay nagsimulang magsitubong parang mga halaman ang mga itim na halimaw na may iba't ibang itsura. There were features common about them, their non-human teeth, which were very sharp, and commonly protrudes a long tongue from its mouth and dark shiny skin covered with a slimy liquid that resembled that of a newborn mammal. Their size was larger than the human form which imitated those of the insects.

This was how transformed outcross looked like. Gross. Mga anak nga talaga sila ng dilim!

The first two monsters which I suspected to be outcross growled like a cricket gifted with a deep low tone. Lumabas mula sa bibig nito ang madulas na laway na tila sumisimbulo ng labis na pagkagutom.

Muling sumulpot mula sa ilalim ng lupa ang lima pang halimaw. Dalawa sa aking kaliwa at dalawa sa aking likuran at isa sa kanan.

I hoped Phelan's done with his take over or transformation or however he deals with his demon before these seven outcrosses devoured me. Wala akong hawak na sandata kaya mas mahihirapan akong puksain ang mga halimaw na ito. Napalunok ako. Wala akong mahagilap na matulis na bato sa paligid.

CrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon