Chapter 45. Final Throw

1.3K 115 19
                                    

Halos kalahating kilometro pa lang ang nilalakbay namin ni Phelan papasok sa kagubatan nang makarinig kami ng malakas na pagsabog mula sa kabilang kabundukan kung saan nakita kong nagtungo si Friedan. Hinuha ko'y sinundan nito si Capella at marahil ay naglalaban na ang mga ito. Nasundan ng dalawa pang pagsabog mula sa iisang lokasyon. 

Natigilan ako at napalingon sa pinagmulan ng agsabog. Nagsimula nang umusbong ang mga usok mula sa pinagmulan ng sunod-sunod na pagsabog. May bumubulong sa utak ko na tunguhin ang kinaroroonan ng posibleng sagupaan pero bigla kong naramdaman ang mainit na palad ni Phelan sa aking kaliwang braso. 

"He'll be fine, Kiera. He's Astrid... the fourth pillar," seryosong tugon ni Phelan. Bahagaynag tumango ang mapangang mukha nito.

I heaved deeply. My chest was eased up a bit. "I don't know, Phelan. Masyado lang akong tensyonado dahil sa mga nangyayari. The urions, they're everywhere. Dahil sa mga nangyari, hindi ko na alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan."

"I totally understand." Yumuko ito saka nagsimula nang maglakad uli nang mapansin ang paghakbang ko. "It takes years to build trust, then it can easily get broken in seconds, and forever to repair."

Ramdam ko ang himutok ni Phelan. Mabilis kong pinasadahan ang maliit na mapang nagmula sa red cork saka muling bumaling sa seryosong titig ng lalaki. Phelan had been betrayed by some people he trusted for so long. Ju st like I was, his identity had been kept from him. That's one thing that connected us. That is why despite the rocky start we both shared, here we are sharing the same aim and risking both our lives for a mission that was almost a dead ringer.

Muli akong bumuntong hininga. Tanging ang tunog ng inapakang tuyong sanga at dahon na sumasaliw sa kanta ng mga kulisap at ibon ang naririnig. Isa iyong panandaling katahimikang nagdulot saamin ng pansamantalang kapayapaa sa dibdib.

Phelan cleared his throat. Then he said, "I hope I am one of those you consider deserving of your trust, Kiera."

"Ofcourse, you've proven so much. You even risked your life just to be here."

Namula ang pisngi ng lalaki. Umiwas ito ng tingin at nagkunwaring nakatuon sa matarik na dalisdis paakyat ng kagubatan. Binagalan nito ang paglakakad at hinayaang mauna ako sa pag-akyat. Muling naging tahimik ang aming paglalakbay.

Inabala ng mga mata ko ang mala-paraisong paysahe paakyat ng kagubatan.

The canopy of the forest had giant trees the sunlight from reaching the ground. There were thick, woody vines climb trees in the canopy to reach for sunlight. There were understory of vines, smaller trees, ferns, and palms. My feet savor the ground covering with wet leaves and leaf litter.

I scan the entire landscape. Like the usual, I planned everything in my head if ever an attacker comes. Phelan was doing the same. Tahimik pa rin ito habang binabaybay namin ang kagubatan.

Tirik na tirik na ang araw nang mapansin ko ang mabilis na pagdaan ng ilang mga anino sa liwanag ng araw. Dinig ko rin ang sunod-sunod na paglipad ng mga ibon mula sa punong-kahoy na tila naabala ang katahikan.

Biglang tumahimik ang paligid. Walang huni ng mga kulisap at ibon. Pati ang mga mailap na hayop sa kagubatan ay minsanang natahimik.

Sumenyas si Phelan na tumigil pansamantala sa paggalaw. Dahan-dahan kaming nagkubli sa makakapal na kumpol ng giant alocasia at ferns na napapaligiran ng samot-saring mga halaman.

"I can sense five ourcross, Kiera. They're the highest rank outcross. Legends," nagimbal na bulong ni Phelan sa aking habang pinapakiramdaman ang walang humpay na patalon ng mga ito mula sa mga sanga ng punongkahoy.

"Papaano nila tayo natunton?" tanong ko.

"These legends have lived for so many decades. Marahil ay matagal na nilang alam kung nasaan ang mga chambers. Kung saan ang dulo ng bawat sikretong lagusan. These legendary outcrosses are as strong as the pillars. We have to be careful."

"They're definitely here to stop me from assembling the final artifact, Phelan!"

"I know. That is why we have to conceal our presence by transforming into hybrids. Sa ganoong paraan, hindi nila tayo masyadong maramdaman kung nasaan tayo." mahinang sambit ni Phelan.

Ilag saglit pa ay nagsimula na itong magpalit ng anyo. He had mastered Pygmalion's take-over. Hinayaan ko namang muling sakupin ni Galatea ang buo kong sistema. Muli kong naramdaman ang hindi maipaliwanag na lakas nito sa aking katawan.

"I can't hurt the outcross, Kiera. But if gets to a point of choosing between you and them, I would choose you." Mahigpit na hinawakan ni Phelan ang kanang braso ko.

"I hope we don't get to that point," I gently nodded as I prepared my legs for a fast escape. "I'm ready."

"Let's go," kalmadong usal ng lalaki.

Pagkatapos no'n ay naramdaman ko paghila nito. Alerto akong lumundag palayo sa pinagtataguan namin hanggang sa namalayan kong matulin nang tumatakbo ang aking mga paa patungo sa direksyon kung saan nakaukit ang sa mapa ang kinaroroonan ng final artifact.

Kasabay ng mabilis naming pagtakbo ni Phelan ay ang pagsunod ng limang outcross na kanina pa umaaligid. Ilang kilometro ang nagawa naming takbuhin bago nakaramdam ang mga ito. Muling nagpalundag-lundag sa sanga ng mga puno ang limang legendary outcross.

"Just past this mountain ang we're almost there!" aligagang untag ni Phelan na hindi pa rin magawang bitiwan ang aking braso.

Mabibilis ang mga outcross na humahabol saamin. Nagawa nilang liitan ang kanina'y kilometrong distansya namin mula sa kanila. Wala namang humpay sa pagtakbo ang ginawa namin ni Phelan hanggang sa marating namin ang ituktok ng kabundukan.

Mabilis kong hinagilap ang tanawin at kung saan posibleng nakatago ang final artifact. Malapit na ang mga kalaban.

"Kiera, they're almost here!" untag ng lalaki.

Muli kong pinasadahan ang paligid. Nagririgodon ang aking dibdib. Umihip ang malakas na hangin dahilan para sumilip ang isang misteryosong yungib ng kweba na sakto sa distansya at lokasyong nakaguhit sa mapa.

"It's there!" mabilis kong itinuro ang kwebang iyon.

"Okay! You have to get there."

"What do you mean, I have to get there?"

"Basta! Trust me."

Hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa ng lalaki. Mahigpit nitong hinawakan ang aking braso. Lumundag ito ng malakas kasabay ng pagbukadkad ng mga pakpak nito sa likuran. Naramdaman ko ang malakas na paghila ng dalawang braso nito pataas.

Nanlaki ang mga mata ko nang ilang beses ako nitong iwasiwas paikot saka sinabi, "Ako na ang bahala sa kanila. Promise me you'll find the artifact and don't hesitate to destroy it."

"Phelan," tanging sambit ng bibig ko habang nakatitig sa mukha ng lalaki.

Malakas ang naging sigaw nito na tila inilaan na ang buong pwersa bago ako inihagis patungo sa direksyon ng yungib ng kweba. Bumitaw ang lalaki. Naramdaman ko ang malamig na halik ng hangin sa aking balat.

"Phelan! No!" sigaw ko nang mamataang sabay-sabay na lumundag patungo sa direksyon ng lalaki ang limang legandary outcross.

Kusang tumulo ang masaganang luha mula sa aking mga mata.

"Kiera, get the artifact!" sigaw ng lalaki habang nakikipagbuno sa limang kalaban.

Wala akong nagawa kundi ibaling ang direksyon ng aking paningin sa yungib kong saan posibleng naroon ang huling bahagi ng aking misyon. Kusang kumawala ang malakas na sigaw sa aking bibig hanggang sa makita ko ang babagsakang yungib ng kweba.

Pinaigting ko ang bawat kalamnan sa aking sistema habang ramdam ko ang papalakas na hila ng lupa. Inihanda ko ang aking katawan. Padausdos kong hinarap ang naghihintay na yungib ng kweba.

"Phelan... Friedan... Zilla," nagawa kong sambiti bago tuluyang naramdaman ng mga paa ko ang malakas na sagupaan nito mabatong lupa. 

### 

CrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon