Chapter 4: Blunt

94 8 1
                                    

Natapos ang klase at umuwi na kami ni Mish. Habang pauwi, 'di ako masyadong umiimik while Mish is being talkative as usual.

"Lis? Kanina pa ako kuda ng kuda dito, 'di ka naman pala nakikinig? Aba, sayang laway ah! Hey, is there anything wrong?"

"Oo. Sinampal mo nanaman ako ng realidad."

"Ganun talaga. Mabuti na yung nasasampal ka ng realidad kesa sa malunod ka sa pantasya mo."

Ayan. 'Sinampal' niya nanaman ako. Natahimik naman ako at napaisip. Was I drowning in my fantasies? Did I hide too much from reality because I was too affected by Marcus?

"Yan, nakatulala ka nanaman. Alam mo, Lis, it saddens me na ganyan ang naging epekto ng paghihiwalay niyo ni Marcus. I mean, that's months ago pero the impact is still big to you. You became stronger in a negative way."

"How do you say so? Mish, I'm fine."

"I'm fine mo yung mukha mo. At paano ko nasabi? Kasi sabi mo, hindi ka na ulit magjo-jowa kasi masasaktan ka lang sa huli. Siniksik mo yung sarili mo sa desisyon mo na 'yan at tinatak mo na sa isip mo na sasaya ka diyan. Love has its good and bad consequences. Bakit puro yung bad consequences lang nakikita mo? Kasi ampalaya ka, bhe."

"You always make my mind blown, Mish. Lahat ng sinabi mo seems right pero why does it feel wrong to me?"

"Kasi 'di mo pa binubuksan ang puso mo. Bye na, Lis. Lapit na ng bahay namin. Hey, think about it, okay?" Michelle said before she waved goodbye to me.

Nakauwi na ako samin. At pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula kay kuya.

"Hi, bunso! Tangina, amoy masamang espiritu ka naman. Maligo ka nga muna, Bliss. Nakakasira ng mood ah." Sabi ni Kuya at nagtakip pa ng ilong.

Inamoy ko ang polo ko at nagsisi ako sa ginawa ko. Naawa na din ako sa ilong ko at sa ibang tao sa bahay kaya naligo muna ako at pansamantalang tinaboy lahat ng iniisip ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis, agad akong hinatak ni kuya palabas sa banyo.

"Aray naman, Kuya Brian! Ano ba 'yun?"

"Magpalit ka, muka kang basahan."

"Nasa bahay lang naman ako, kuya. Gusto mo ba mag-baro't saya pa ako, ganun?"

"Basta magpalit ka. Pupunta tayong mall. Oh ano, aayaw pa?"

"Oo. Gagawa pa ako ng assignments syaka pagod ako, kuya."

"Sayang. Sweldo ko pa naman."

"Saan nga ba ulit tayo pupunta? Eto na, magbibihis na. Gusto mo mag-dress pa ako?"

"E, basta bilisan mo. Kakain tayo." Sabi ni kuya at pinalo pa ako sa pwet right when he stepped out of my room.

Si Kuya, parang bestfriend ko na rin 'yan. He knows every path that I've crossed in my life. He's always beside me kaya kahit lagi kaming nag-aaway, nothing or no one can break our bond.

Nakarating na kami sa Mall at dumiretso kami sa KFC. Um-order kami ng sabay kasi wala pa kaming maupuan. When we finished ordering, jusme, wala pa ding maupuan.

"Ano ba naman 'tong mga taong bato na 'to. Ang babagal kumain!" I blurted.

Napatingin sa direksyon namin ang mga tao. At nakaramdam ako ng pagka-hiya. Ganun kasi talaga ako. Straight forward and I have a very transparent face. Laging lumalabas sa itsura ko kung ano ang nararamdaman ko.

Ang daming naka-tingin samin. Pero one person caught my attention. Si Kuyang Rapsa ba 'yun?

"Bliss! Halika, dito na kayo umupo!" Brandon said with glee. Napaka-masiyahing tao naman nito.

Tangled Strings (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon