Chapter 5: Mosaic Broken Hearts

102 7 1
                                    

"Bliss! Huy. Gising na, anak!"

"Saglet lang, ma. Five minutes babangon na ako."

"Wag mong sabihin yang litanya mong 'yan sakin dahil wala kang pasok ngayon, tanga."

Minulat ko ang mga mata ko at ang sarap nga naman sa pakiramdam na gumising at alam mong 'di ka magmamadali dahil baka warlahin ka ng teacher mong terror 'pag na-late ka.

I went downstairs para kumain ng agahan. Wala ng hilamos. Kahit na may muta pa, e kaming pamilya lang naman ang nandito. Umupo na ako at nagsimulang kumain. I'm still feeling a tad bit sleepy and I feel quite dreary.

"Anak! Pumunta ka nga dito! Ang tagal mo naman kumain." Mama shouted from the living room.

"Bakit po ba, ma!?"

"Pumunta ka na lang dito at bilisan mo ang pag-kain!"

Wala naman akong nagawa at binilisan ko na lang ang pag-kain. I headed at our living room at natanggal ata yung muta ko sa pagka-gulat sa nakita ko.

"Good morning, Bliss!" Bati ni Brandon.

'Tungunu, kaka-almusal ko lang, may bago nanamang biyaya!?' I thought.

"Osige, nak. Iwan ko muna kayo dito at mamamalengke pa ang maganda mong ina." Mama said.

Umalis na si Mama at naiwan kaming dalawa ni Brandon. Si kuya at papa kasi ay nasa trabaho na. As usual, Brandon busted the awkward atmosphere that is slowly rising between us. Pano ba naman kasi, 'di ko alam ang sasabihin ko sa kanya. 'Di ko naman kasi alam kung anong trip niya sa buhay besides basketball.

"Uhm, Hi. Kumain ka na ba?" Brad asked.

"Ah, oo. Kakatapos lang. Ikaw, nag-almusal ka na ba?"

"Uhm, oo. Bliss, wala naman ata tayong gagawin dito. Pwede bang samahan mo ako?"

"Saan tayo pupunta?"

"Kahit saan. Kung okay lang sa'yo?"

"Ay, ano 'to? Date? Bet mo na siguro ako." I kidded.

"Bet kita?"

"Malamang. Oh bakit, hindi?"

"Tigilan mo nga ako, Bliss."

"Sus. Mapapaamin na ba kita? Konting utot na lang ba?"

"Oo. Konting utot na lang." Brad said. "Oh ano, natahimik ka. Baka ako nga yung bet mo e!"

"Oy, wag kang mahangin!" Sabi ko at hinampas pa siya. It's actually funny how fast we became close to each other.

Nagpaalam ako para magpalit ng damit. Pagkatapos ko ay umalis na kami at sumakay na kami sa kotse niya. In fairness, Ritskid.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" I asked.

"Kahit saan."

"Tangina, baka mapunta tayong purgatoryo niyan!"

"Palamura naman, puta!" Sigaw ni Brad.

"Wag mo akong sigawan!"

"E ikaw 'tong sumisigaw e!"

"Malakas lang talaga boses ko!!"

"Oh, edi wow!"

"SAAN NGA KASI TAYO PUPUNTA?!"

"Picnic tayo sa sementeryo kung gusto mo!"

"Wag mo akong okrayin, Brad! Ibabaon kita sa lupa, gagawin kitang fertilizer."

"Ang pogi ko namang fertilizer."

"Pakyu."

"I love you too." Sabi niya at hinimas pa ang pisngi ko. Agad ko namang pinalo ang kamay niya at natahimik na lang sa kinauupuan ko.

Mukang matagal ang biyahe kaya I started to feel drowsy. Ewan ko ba, antukin talaga ako.

"Brad, saan ba talaga tayo pupunta? Bakit parang ang layo na ng narating natin? Teka.. Kidnapper ka ba? Jusko maawa ka sa akin! Wag mong kukunin ang puri ko! Bata pa ako!"

"Sayong-sayo na yang puri mo." He laughingly said. "Uy, inaantok ka na noh? Sige matulog ka muna, Bliss. And don't worry, nagpaalam ako sa mama mo. Kaya nga ang aga kong pumunta sa bahay niyo e."

"Pero saan nga tayo pupunta?"

"Basta, matulog ka na muna. I'll wake you up when we get there." Sabi niya at nginitian ako.

Napatitig ako sa kanya. Ang ganda naman kasi ng ngiti niya. Sa una pa lang, 'yun na talaga ang nagustuhan ko sa kanya. Tapos ang puti ng mga ipin niya. Tas yung dimple niya na sobrang lalim. Tas ang-

"HUY! Bakit ka nakatitig sakin!? Hala! Nafo-fall ka na ba?"

"Ano? Ang kapal naman ng muka mo."

"Haay. Ang bagsik talaga ng kapogian ko. Sige na, matulog ka na diyan."

I just did what he said and I easily fell asleep. I fell into a deep sleep and scenes started showing in my mind.

"Bliss, I'm so sorry. Please stop crying. This is not your fault."

Familiar voice. A very familiar voice.

"No! This is all my fault! Kasi tanga ako masyado. Binigay ko ang lahat sayo. And you know all I ask in return is your love and loyalty! Bakit? Bakit, Marcus? Answer me!"

"Bliss.. I'm so sorry. Please. It wasn't my intention. Bliss.."

"Marcus.. How could you do this to me..."

I fell into my knees as tears started to flow heavily from my eyes. Ang sakit. Sobrang sakit. I was sure that it was him.

"Bliss, nagkamali ako. And I'm very very sorry. Please. Please forgive me."

"Anong magagawa ng sorry mo? At anong mangyayari pag pinatawad kita? Mawawala ba yung sakit? Will I forget seeing you kissing someone so passionately? Hah, Marcus?" I was crying too hard that I hate it. I want to look strong in front of him but I felt too deprived.

"Marcus, sagutin mo ako! Why are you having an intimacy with Demmy!?"

"Masyado ka lang kasing tanga, Bliss. It just shows na you aren't good enough for him to keep you. Halika na nga, Marc. Iwan mo na yang basurang 'yan." Demmy said.

"Teka. Ikaw, Demmy. Kung matinong tao ka, hindi ka papatol sa boyfriend ko! Ganyan ka na ba ka-tigang!?"

"Demmy, mauna ka na. May pag-uusapan pa kami ni Bliss."

"No. Wala na tayong pag-uusapan. All I can say is, Thank you for wasting our 2-year long relationship." I sarcastically said.

'Di ako makapaniwala na gagawin ni Marcus sakin 'to. Sa kanya ko ipinagkatiwala ang puso ko. I thought he would be the one to keep my heart whole but I never once imagined that he would be the one to break it.

"Bliss!? Bliss, wake up! Nananaginip ka!"

Napanaginipan ko nanaman. Bumangon ako at naramdaman ko nanaman ang lahat ng sakit. And there, I broke into tears. I couldn't help it. It isn't easy to fix what has been broken.

"Bliss.. Wag ka na umiyak." Brandon said as he wiped my tears with his finger. "Halika nga dito."

Lumapit ako sa kanya at niyakap niya ako. This is the second time I've hugged him. Yung una, masyadong suspense kasi nga muntik na akong ma-aksidente. But this time, it felt like heaven. It was a solid moment. All the pain flushed away and all I can feel is consolation.

"I know how it feels." He whispered at the top of my head.

"What do you mean?"

"I know how it feels like. I know how hard it is to move forward without looking back. But you know what, Bliss? Even though your heart is broken into pieces, you can make a mosaic out of those pieces and create something much better. That's what I did when I met you. I created something out of the broken pieces of my heart and it turns out that you are the center of it."

A/N:
I hope you enjoyed it. ❤ xx

Tangled Strings (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon