Chapter 15: Fatal

59 5 1
                                    

"Sa-saakin? Wait, Bliss. Does that mean what I actually think it means?" Brad gleefully said and I nodded at him as a response to his question.

Though he covered his face, I'm still able to see the redness gushing through his cheeks.

"Masyado ka namang kinilig. Parang eto yung unang beses na sinagot kita ah."

"I'm just so happy. I can't even explain how it feels." Sabi niya habang nakatakip pa rin ang muka niya. Natawa naman ako because of his overflowing cuteness. "Bliss, halika na, uwi na tayo. Dali, I can't wait to tell-"

"Teka nga, Brad. Chill ka nga muna. Sige, uwi na tayo." I said as I dragged him outside.

'Di ko na lang maiwasang mapa-ngiti because it feels like as if millions of thorns around me has been removed. Pero wala na atang mas sasaya pa kesa kay Brandon sa ngayon.

Dumiretso kami ni Brad sa bahay namin. At nang makarating na kami, he instantly approached Kuya Brian to tell the news.

"Kuya!" Sigaw ni Brad.

"Brandon!" Sigaw pabalik ni Kuya. "Oh anong pinuputok ng buchi ng bird mo?"

"Kuya, ako pinili niya!" Brad exclaimed habang pinapalo-palo niya si Kuya.

"I-relax mo nga yang pagkalalaki mo! At buti naman, Bliss."

"Anong buti naman, Kuya?"

"Buti naman 'di ka na tanga." Sabi niya at binato ko naman siya ng unan.

Maya-maya ay naisipan ni Brad na bumili ng Ice Cream at Cake para daw mag-celebrate. Si Kuya naman, pabor na pabor.

"Teka, iiwan niyo ako dito?"

"Gusto mo sumama?" Tanong ni Brad.

"Ay, sige wag na. Dito na lang ako. Walang magbabantay sa bahay pag sumama pa ako sa inyo."

"Oo nga. Baka bambuhin nanaman tayo nila Mama pag-uwi nila tas walang tao dito. Dun ka muna sa kwarto ko habang wala kami. Maglaro ka na lang muna ng-"

"Ew! Ayoko nga sa kwarto mo! Mamaya makakita pa ako dun ng mga magasin ng kahiwagaan ng mga lalaki-"

"Oy! Wala akong ganun! Halika na nga, tol. Naiimbyerna ako dito sa pangit na 'to." Sabi ni Kuya nang kaladkarin niya palabas si Brad.

"Che, guilty ka lang e!" Pahabol ko.

Papanik na sana ako sa taas nang pumasok ulit si Kuya sa bahay.

"Oh, kala ko ba aalis na kayo? Wala ng Ice Cream? Cake? Ano ba 'yan."

"Hindi yun. Pangit, wag ka na nga pumasok sa kwarto ko bwiset ka." Sabi ni Kuya at tuluyan na siyang lumabas.

Papanik na sana ako kaya lang napansin kong parang may tao sa labas.

"Ms. Bliss Merith Gregorio? Tao po?" Sabi ng isang lalaki and I hastily checked who is it.

"Ay, hello po, manong." I greeted as I saw the same man who sends me the bouquet of roses from Marcus.

"Galing po kay Mr. Marcus Rupert-"

"Oo, manong. Kilala ko na kung kanino galing. At buong pangalan talaga ang peg mo, manong ah." I kidded and he just laughed.

"Mahal na mahal ka ng lalaking 'to eh noh? Ang mahal kaya nitong mga rosas na 'to." He said as he chuckled at napatahimik naman ako. "Sige mauna na ako, Ms. Gregorio."

"S-sige po, ingat po kayo." Sabi ko at pumasok na ako sa loob.

Pumanik na ako sa kwarto ko and as I sat at the side of my bed, I can't help but stare at the roses that I'm holding.

Tangled Strings (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon