Chapter 14: The Agreement

61 7 0
                                    

It's been a while since Brad and Marcus made that accordance.

'May the best man win.' Ilang beses ko na bang narinig 'yan. Pero 'di man lang sumagi sa isip ko na mangyayari 'yun sakin.

Maybe others think that I probably feel like a very precious person because two men wants to be my lover. And they even agreed to show off their best to me so that I can choose one of them.

But no. I felt discomfort due to it. Dahil simpleng babae lang naman ako. I don't see anything special to me. Kaya nga 'di ko maiwasang matanong sa sarili ko na, bakit ako?

--

"Tao po? Bliss?"

"Bliss, may naghahanap sayo!" Sigaw ni Kuya Brian.

"Sino daw, Kuya?"

"Sino ka, hoy!?" Pasigaw na tanong ni Kuya.

"Kuya Brian, si Brandon po 'to."

"Ah ganun ba. Sige pumasok ka na, tol!"

"Naka-lock po pinto niyo."

"Kuya, pagbuksan mo nga muna si Brandon!"

"Bakit 'di mo pagbuksan, e nagluluto ako!"

"E nasa banyo ako e!"

"Anong ginagawa mo diyan? Lumabas ka muna!"

"Ay ewan ko siguro nagrititwal ako dito. Malamang naliligo ako!"

"Magtapis ka muna- ay hindi wag na. Baka maisipan ka pang gawan ng himala nito."

"Teka lang, tapos na ako. Saglit." Sabi ko pero parang hindi naman narinig ni Kuya.

Bumaba ako at nakita ko si Kuya na papunta rin sa pinto na naka-apron at boxer shorts lang. Taong boxer short talaga 'to e.

"Oh, kala ko ba naliligo ka?"

"Malamang tapos na ako. Bakit ba parang ang tanga mo ata ngayon, Kuya?" Ismid ko.

"Bakit ba parang meron ka ata ngayon, Pangit?" He kidded.

Binuksan ni Kuya ang pinto at nang sumilip ako sa labas, wala na dun si Brandon.

"Oh, asan na 'yun?" Tanong ni Kuya.

"Baka umuwi na, natagalan ata."

"Hi, Kuya. Hello, Bliss." Napatalikod naman kami kung saan nanggaling yung boses.

"Brad?"

"Pano ka nakapasok, tol? Kala ko ba naka-lock yung pinto?"

"Ah hindi, pinagtri-tripan ko lang kayo."

"Tanginanto, naudlot pa man din yung pagluluto ko. Pinaghihirapan ko pa man din yun. Feel na feel ko na yung niluluto-"

"Ang dami mo namang kuda! Ano ba yung niluluto mo, hah!?" I exclaimed.

"Itlog." Sambit niya at binatukan ko naman siya. "Aray naman! Oh, umupo na nga kayo dun, dadagdagan ko na lang yung niluluto-"

"Ay wag na, Kuya. Kain na lang tayo sa labas. Libre ko po." Brad interrupted.

"Naks naman! 'Yan ang gusto ko sayo Brad e. Teka lang magbibihis ako."

"Sige po, hintayin ka na lang po namin sa labas." Brad politely said before we went outside. "Bliss, pumasok ka na sa kotse. Mainit dito sa labas e."

I did what he said and when I got in, he started the engine and turned on the aircon para daw 'di ako mainitan sa loob while waiting. And I, once again, felt very cherished because of his actions.

Tangled Strings (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon