Perv Bro 16

9.5K 240 98
                                        

Adelaine's POV

"Wohoo! Ang galing namin!" pasigaw ngunit masayang sabi ni Kuya Angelo.

"As expected." sabi naman ni Kuya Gabriel at ngumiti.

"Come on, Look at this medal!" pagmamayabang naman ni Kuya Angelo na parang bata na nanalo ng first place sa Quiz Bee.

Nanalo kasi ang team ni Kuya sa game kanina kaya ayan abot hanggang langit ang tawa at saya. Sa sobrang lakas yata ng tawa baka nabingi na yung mga anghel sa langit.

Sa sobrang saya nya halos mabuwal na ko sa kakayugyog nya sa akin kanina dun sa place kung san ginanap yung game.

Pero, what suprised me was Rhina's presence in the game. So, yung game pala kanina yung tinutukoy nya na game na panunuorin nya. Buti na lang talaga di nya ko napansin kanina. Na sobrahan sa focus dun sa game tsaka sa pag-cheer kay Kuya Angelo. Fan kaya sya ni Kuya Angelo? O di kaya baka may gus-

"HUY!" sigaw ng triplets sabay hampas sa likod ko.

"Earth to Addie, are you there? Are you there?" sabi ni Kuya Lazaro na akala mo nasa headquarters ng NASA.

=_=...

"Opo.. Lumilipad lang ang isip.." sagot ko naman. Note the sarcasm na di naman needed. " Aakyat na po muna ako." paalam ko in a low tired voice.

To be honest, the game was really amazing. Wala naman akong kaalam-alam tungkol sa basketball at yung game kanina, yun yung first time ko makapanuod ng basketball game na live. Mararamdaman mo talaga ang intensity at competetiveness ng bawat players. Lalo na si Kuya Angelo. You can tell that he loves the game very much, that he values it.. Magaling syang magdala ng team at mag lead nito. Hindi mo aakalain na ang isang mapang-asar, easy going at ang pasaway na si Kuya Angelo ay may itinatagong talent pagdating sa basketball.


Napa-sabunot ako ng buhok habang pilit na iniintindi ang notes ko. Bukod sa tila kinahig ng manok ang sulat ko hindi ko din maintindihan kung anong che che bureche itong pinagsusulat ko. Lalo na sa Math. Ako yung klase ng estudyante na magegets ko kung pano isosolve to tapos kinabukasan makakalimutan ko na.

Tapos yung mga malulupet na questions sa Math.

For example:

"Pedro ate 9 egg roles and Juan had 17 candies. Find the angle of elevation. Find x and y."

O diba? Ang gulo. Tapos di pa maka move on. Palaging hinahanap si x at laging tinatong yung dahilan. =_=

Bakit ba kasi nagpapakahirap ako mag review? E yung mga nirereview ko naman hindi lumalabas sa exam. Haayy... bahala na si batman, kaya na nya yan.


~After 1 Hour~


Matapos ang mahigit na isang oras na pagsagot sa Math quiz ay nakaraos din ako sa matinding bakbakan. Buti naka survive ako ng hindi dumudugo ang ilong. Kuntento na din ako sa result na nakuha ko kahit average lang ito. At least hindi ako nandaya at sariling sikap ko nakuha itong score na ito. Yung iba kasi gagawin ang kahit ano makapasa lang, kaya sa tingin ko talaga hindi na pumapasok ang mga estudyante dito para mag-aral at matuto. Pumapasok na lang sila para makapasa.

Napatingin ako kay Darren na nakaupo sa harapan sa may gawing kanan malapit sa bintana at napaisip ako. Ano kaya ang nakain nito at dito nag-aral sa regular private school na ito? Napaka yaman ng pamilya ng mga Hyung at kilala sila na isa sa pinaka mayaman at makapangyarihan sa mundo ng business. Well, si Kuya Claude dito nag-aral kasi na-drop sya dun sa una nyang pinasukan dahil binugbog nya yung isa sa mga estudyante duon. Pero itong si Darren kaya? Pwedeng-pwede naman sya mag-aral dun sa mga exclusive schools or sa mga international schools pero dito nya naisipan na pumasok. Bakit kaya?

My 6 Pervert Brothers and IMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon