Adelaine's POV
"Magmula ngayon girlfriend na kita." nakangising si Kuya Angelo habang hawak ang magkabilang balikat ni Rhina.
Nakanganga si Rhina sa gulat.
Nakanganga rin ako sa gulat.
Namula ng sobra sobra ang mukha ni Rhina at konti na lang baka may lumabas na na usok sa tenga nito. Grabe, nagmala kamatis talaga sya sa sobrang pula. Napaatras sya at akmang mahuhulog na yata sa sobra embarassment at kilig. Bakit, san ka ba naman makakakita ng isang lalaking shorts lang ang suot at bigla ka na lang sasabihan na Girlfriend ka na nya agad? Ni walang ligawan sessions or getting to know each other stage eh. And to top it all of ngayon lang nya nakita si Rhina, ni hindi pa nga nya alam ang pangalan nito eh!
Inalalayan ko si Rhina mula sa likod para hindi ito mahulog o di kaya'y mag-collapse dito.
"What the heck was that all about?!" sigaw ko sa kanya. Tumawa lang sya.
Kilala ko to si Kuya Angelo eh. Sa aming magkakapatid sya talaga ang pinakamalakas mang asar. Sya rin ang tinaguriang the King of Pranks di lang sa University na pinapasukan nya kundi pati dito sa bahay namin -_-. Kaya nga parati syang pinapangaralan ni Kuya France.
"Is this another one of your pranks Kuya? Di kaya nakakatuwa!" sigaw ko ulit sa kanya.
'Well, oo at hindi." sagot naman nya. Wow, napaka ispecific ng sagot. Naliwanagan ako Kuya. -_-
"Kung sasagot ka gawing mong ispecific uy! At kung may explanation ka para dun sa ginawa mo kay Rhina paki-explain." sabi ko tapos inalalayan ko si Rhina dun sa sofa para maka-upo at maka recover.
"Sige. Pero iyak ka muna hahahahaha!" halakhak nya
"Heh! Ewan ko sayo!" sagot ko sa kanya.
"Mag-please ka na lang na may kasamang puppy eyes." pang-aasar nya.
"K. Please?" Para tumigil na sa pang-aasar nya ginawa ko na yung gusto ni Kuya. A "Please"with matching (pilit ngunit pang best actress) na puppy eyes.
"Yown! Napaka masunurin talaga ng flat kong kapatid hahahaha! Kahit yung ekspresyon mo parang asong may rabies sige pagbibigyan kita." asar nya sabay tawa.
"Aba't!" hinampas ko sya ng pagkalakas lakas sa dibdib sa sobrang inis.
"Oo na! Eto na, sasabihin ko na po! Wag mo na lang po ilabas ang pagka amazona sa akin." sabi nya ng maluha luha pa. Kunwari malungkot. Kitams? Sabi ko sa inyo ang lakas mang-asar nyan. Pero mas malakas pa rin yung amats nyan sa utak.
"Sus, ang dami mo pang daldal. Pa suspense ka rin eh no? Sabihin mo na kasi." inis na sabi ko sa kanya.
Umupo ako sa sofa katabi si Rhina at inalalayan ko ang ulo nya at hiniga sa balikat ko. Mukhang malubha ang tama nito sa sinabi ni Kuya ah.At eto namang si Kuya ay sumunod at umupo rin sa tabi ni Rhina.
"Hep! Dito ka sa side ko umupo. Wala kang permiso umupo dyan!" pagpipigil ko sa kanya
"Bakit wala akong permiso umupo rito? For sitting purposes naman tong sofa na to ah. And besides, dyan nakaupo ang gf ko kaya gusto kong umupo rin sa tabi nya." pag-eexplain nito kuya.
"What the fact, di pa kayo official!" sabi ko sa kanya sabay pamaywang ko.
"Sino nagsabi?" reply naman ni Kuya
"Ako! Kakasabi ko nga lang di ba?"
"O Edi wow."
"Oh, okay na? Wala ng lokohan o asaran. Just tell us kung bakit biglaan ka na lang nag decide na maging girlfriend si Rhina."
BINABASA MO ANG
My 6 Pervert Brothers and I
HumorAdelaine or simply "Addie" is just a simple girl with simple problems.. and one of them is her androphobia.. Its the fear of men. She hates men all her life and the root cause of it is her father who left both her and her mom. Her mother died recent...