Adelaine's POV
Namumugto na ang mga mata ni Kuya Gabriel dahil sa kakaiyak. He was forced to remember the things that happend in his past. Pinagmasdan ko lang sya habang natutulog sya. Masasabi kong mahal na mahal pa rin nya si Hanna hanggang sa ngayon. Kasi di naman iiyakan ng isang lalaki ang isang babae kung hindi nya minahal ito. And as for Hanna naman, wala pa akong balita patungkol sa kanya. Ang huling balita ko sa kanya ay yung nanggaling kay Darren.
Sabi ni Darren, habang tulog pa si Hanna ay nababangit nya ang pangalan ni Kuya. Kaya humingi ako ng pabor sa kanya. Akala ko di papayag si Darren nung una kase wala naman syang kinalaman dun pero nagkamali pala ako ng akala. Pumayag sya na tulungan ako.
Pumasok muna ako sa eskwelahan syempre para mag-aral at ngayon pa ako mag rereport sa subject namin sa Science. Syempre dahil chuchal ang titser namin kelangan lahat ng pinarereport nya naka PowerPoint. Provide namin yung laptop tapos kay Ma'am yung projector. At dahil wala rin akong sariling laptop hiniram ko muna yung kay Kuya Angelo, pero hindi magpapahiram yun ng walang kapalit. Okay lang naman kasi keri ko yung kondisyon na sinabi nya para ipahiram lang sa akin itong laptop nya. Sabi naman nya umattend at panuorin ko daw ang basketball game nya sa darating na Sabado, 7:00 PM pa ng gabi ang start kaya okay lang. Yun din ang araw para sa napagkasunduan naming dalawa ni Darren.
Sakto at nagbell na para sa break namin buti na lang ay hindi nauwe sa wala yung report ko kanina. Pinaghirapan ko ng 2 araw yun, pinagpuyatan ko rin hahaha. Buti na lang at nagustuhan ni Ma'am yun kahit mukha akong ewan kung mag explain sa harap. Pumunta ako sa canteen para kumain dahil kanina pa ako binubulungan ng tiyan ko para kumain. Umorder ako ng Cheese burger, fries at Coke Sakto na may nakalagay pang "Merry Christmas". Naghanap naman ako ng mauupuan kaso tinakbuhan ako ng swerte. Why? Dahil, PUNO ANG CANTEEN!!!!!!!!!!!!!!!!! WAAAAAAAAAHHHHHH!!! TAT Kung mamalasin ka naman oh! Occupied lahat ng mga upuan dito tsk...
Nilibot ko ang buong canteen and sadly wala ta-- Teka ayun! Sa may dulo. Phew buti na lang at may bakante pa.. Thank you Lord~! Pero di sya completely vacant dahil may nakaupo na babae. At kilala ko sya. Kaklase ko sya. Rhina Yu. Yun ang pangalan nya. Ang dakilang julalay ng mga estudyante sa eskwelahan na ito. Matalino ngunit tahimik. Palaging nabubully. Mabait sya. SOBRANG mabait. Kaya nga sinasamantala ito ng mga ka eskwela ko. Sa kanya sila magpapagawa ng assignment kung minsan kung hindi nadala ay umuutang sila dito o sapilitang kinukuha ang pera nya. Kadalasang yung mga siraulong lalaki ang gumagawa nito. Yung pera ni Rhina ginagamit nila para sumugal o di kaya'y panggastos sa Arcade. Di naman kasi makapalag si Rhina kaya nawiwili silang gawin yun sa kanya..
Nilapitan ko sya. Nag-iisang syang kumain. "Hi!" Bati ko sa kanya. Tumingin sya sa akin. At akala mo nakakita ng multo dahil hindi mo maipinta yung ekspresyon nya sa mukha.
"H-Hi" Bati nya pabalik sa akin
"Pwedeng makiupo?" tanong ko. No choice eh. Punuan ang canteen.
"S-Sure.." reply naman nya
Since hindi naman ako sanay sa nakakabinging katahimikan at halos 5 minutes na kami hindi nagkikibuan ay napagdesisyunan ko ng basagin ang katahimikan..
"U-Uhh... A-Ano.. Mahilig ka sa Basketball..?" Tanong ko. at tila naman nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nya.. Pucha, at yun pa talaga ang napili kong itanong?
"A-Ah.. Oo eh." reply nya. Nauutal pa rin sya. Likas ba talaga sa kanya ang pagiging mahiyain..? "I-Ikaw, mahilig ka rin ba duon?" tanong nya pabalik sa akin.
"Medyo." Hindi naman talga eh ==;;
"S-Sa katunayan nga eh.. Manunuod ako ng basketball game." sabi nya
At bago pa man ako makapag reply sa kanya ay nag ring na ang bell indicating na tapos na ang break. Nilingon ko sya ulit at parang bula na bigla na lang nawala.. Hindi ko ba alam kung may super powers syang mag teleport o sadyang napaka studious nya at parang ikamamatay nya kung malate man sya nang isang minuto sa klase.
BINABASA MO ANG
My 6 Pervert Brothers and I
HumorAdelaine or simply "Addie" is just a simple girl with simple problems.. and one of them is her androphobia.. Its the fear of men. She hates men all her life and the root cause of it is her father who left both her and her mom. Her mother died recent...
