ANG BORING, WRITER’S BLOCK NGA BA? O WALA LANG TALAGANG INSPIRASYON?
Naisip niyo na ba minsan na mas maganda iyong mga story niyo noon, kaysa sa ongoing na story niyo ngayon? na mas malaman iyong dati at talagang hindi niyo napagtanto kong saan, papaano kayo naging ganoon? Ako, nararanasan ko iyan ngayon.
Dahil sa putek na internet dahil wala, hindi ko talaga alam kong paaano ko iiispend itong gabing ito na hindi ko man lang nakikita si Google Chrome. Kaya naman nagbukas nalang ako ng mga ibang files na noon pa nabubulok dito sa computer ko. So ayon, browse browse. Hanggang sa nakita ko yong mga nakaraan kong sulat. Mula sa the 49th day hanggang sa ginawa kong 10 rules in saving your heart. Napapanganga ako bigla.
May mga story kasi doon at linyang hindi ko maalala at bigla ko nalang nabasa at napagtanto kong, AH? GAWA KO PALA TO? ang labo no. Pero parang ibang tao kasi iyong gumawa. Parang hindi ako ang gumawa.
Browse, browse ule. Nakita ko iyong mga story na hindi ko napublish at nakatambak lang sa isang folder na hindi ko naman alam kong ipagpapatuloy ko pa. Iyong kay Kenneth Lee na nasa series kong Boyzone, binasa ko iyon. At hanep! Akala ko dati kasi parang ang sabaw noong mga ginagawa ko doon pero hindi pala. Ngayon ko lang napagtantong may sense pala. Hindi iyon sabaw! Nasayangan ako’t hindi ko napublish.
So ayon, natapos na ang pagbrobrowse ko wala talaga. Bored na bored na talaga ako at gusto ko ng ipasok ang buhay ko sa computer ko para ako nalang ang magprogram ng kusa. Nagbukas ako ng NEW DOCUMENT sa MS WORD. Umaasa ako na makakagawa ako ng mga hanep na kwento na tulad sa mga binasa kong akda na nagawa ko noon. Pero wdapak. Wala akong masimulan!
Ito na ang problema. Minsan, nararanasan natin ang WRITER’S BLOCK. Mapawriter ka man, composer o painter mararanasan mo iyan. Dahil nga wala kang masulat at nagtititigan lang kayo ng blink cursor o whatsoever na tawag doon.
Iyon yong oras na kahit anong gusto mong sabihin sa kwento, sabaw. Walang sense para sayo. Paulit ulit iyong mga words at ginagawa mong tanga ang sarili mo. Para kang nagtimpla ng kape tapos itatapon mo rin lang dahil hindi mo feel ang lasa. Useless, worthless.
Para saakin, ang writer’s block ay sakit talaga. Ito iyong ginagawa kang tamad dahil tamad ka. Minsan nararanasan ko talaga ang writer’s block sa maraming paraan. Tulad ng hindi ako inspired. Nakakagawa lang talaga ako ng story o article na inspired dapat ako sa plot o sa mismong story. Mararamdaman niyo iyon kapag super proud ako sa isang story ko.
Minsan naman, dahil distracted ako kaya ako walang masulat. At ito pa, mas nakakasulat ako pag gutom. Siguro dahil nagdidigest ang tiyan ko kapag busog at hindi kayang sumabay ng aking utak.
Ngayon, habang tinatype ko ito, nakakaranas ako ng WRITER’S BLOCK sa aking story. Nasasabawan ako habang tinatype ko iyong mga eksena. At kasalukuyan kong hinahanap ang solusyon. Ayokong madagdagan ang mga files ko sa tambakan. Ayokong may mabulok nanamang alaala.
BINABASA MO ANG
Malambot na Haliparot
General Fiction"MAGSULAT KA AYON SA GUSTO MONG IPARATING, HINDI DAHIL SA KATANYAGANG GUSTO MONG MARATING"