Pangalawang Bahagi: pagbuo ng isang kwento

1.2K 14 4
                                    

Pagbuo ng magandang Story.

isa sa mga greatest na katanungan ngayon ay kong papaano ba mapapaganda ang story mo. Rerepleka kasi ito kong anong klase kang manunulat. Para saakin, maraming paraan para mapaindak mo ang iyong mambabasa kahit sa simpleng tawa lamang ng iyong character sa istorya. Pero, sa aking pananaliksik. May nalaman ako, na may limang elemento palang bumabahagi sa pagsusulat para ito'y mapaganda.

At ako, bilang isang manunulat. Ay magbabahagi ng ilang tips kong papaano mapaganda ang iyong story.

Paalala: Isa lamang ito sa mga aids, wag niyong masyadong seryosohin.

Unang una sa lahat, bago ka magsulat. Itatak mo sa kukute mo ang bagay na sasabihin at tatanungin ko. Dapat magcopy-paste ito mismo sa iyong neurons.

Kapag nagsusulat ka, kanino mo ba isinusulat iyan? Para kanino? Para ano?

Pagkatapos muna nitong tips na ito, saka mo sagutan iyang mga tanong ko.

But anyways, wala ng patumpik-tumpik pa!

Ito na ang different ways how to improve your writing skills using the power 5 elements. NAKS.

*FADE OUT! LIGHTS ON!*

CHARACTERS

Iyan ang unang importanteng elemento pag bumubuo ng story. Sila iyong tipong magiging building brix ng iyong istorya, pag wala sila. Parang supot na walang laman ang iyong sinusulat. Napakaimportante ng role nila dito. And in making them, seems the most difficult than to write the plot. It's true. Bilang isang manunulat, bago ko ibegin ang isang story ko, nagiging kumplikado ako sa aking mga characters. Una sa pangalan nila, dapat suit kasi sa kanilang ugali. Iyong 'ah, kaya pala incarnasyon ang pangalan niya dahil isa siyang malihim na taong nagkaroon ng mapait na nakaraan' Ito iyong tipong character palang, ay magkakaroon na ng malawakan paghahanap ang mga readers kong sino sila. At bonus point sa iyo, kapag mismong sila magtatanong kong real life ba itong mga characters mo.

SETTING

Ang pangalawang importanteng elemento na haharapin mo ay ang Setting. Ang ibang tawag ng mga scriptwriter dito ay, MILLIEU.

Tumutukoy ang elements na ito sa ENVIRONMENT, ORAS AT LUGAR KONG SAAN GINANAP ANG STORY. Syempre mapapatanong kayo. Bakit kailangan ng Setting? MAski ako, natanong ko narin iyan sa sarili ko noong baguhan pa ako sa pagsusulat. Bakit kailangan ng setting? Hindi ba pwedeng magkwento nalang? Syempre ang isasagot din nila sayo ay, HINDI PWEDE. Hindi mabubuo ang isang story kong walang setting. Sige, imaginin mo ang isang babaeng tumatae. Tapos hindi nasabi doon kong saan siya tumatae. Napaka-awful. Pero basta alam ko nice ang example ko. Papaano makabuo ng magandang setting? Simple. Maglakbay ka. Ang trabaho ng isang writer ay hindi lamang para magsulat, kundi para maglakbay. Magandang habit iyon para sa mga writer na gustong gawing realistic ang mga nobela nila. Dahil kong binubulok mo ang story mo sa imahinasyon lamang, hindi ka papatok.

PLOT

The most versatile elements in a story. Why? Because it is all the structure on how will the story will flow. Series that construct thoughts and Views of the character in a certain setting. English iyan, wag mo na akong pahirapan pang isalin iyan sa tagalog. Pero isa lang naman ang nais kong iparating. Ang plot ang nagsisilbing laman ng story mo. Gaya ng sabi ko, ito ang pumapangalawa sa importante matapos ang pagbuo mo ng karakters. Ito iyong elemento kong saan iikot ang mga scene sa utak ng mambabasa. Obligasyon iyon ng Plot. Papaano ba mapaganda ang plot? more on kapag ako nagsusulat ng story, ang plot ay hinahango ko sa aking experience. Minsan nagkakaroon ako ng mini cinema  viewing saaking kukute. Dito ko din inaaply iyong natutunan ko sa english. Iyong ganitong graphics _/"\_

Tama, ganito iyon kasi, Iyong unang _ ang tawag diyan e beginning. Ito iyong papaano mo uumpisahan ang story mo sa iyong plot. Dapat agad na mukuha na ang attraction ng mga readers sa Opening mo. Dapat mapapa 'Wow' Sila. Papaano ba? Make them wonder something with your beginning. E.Q. Pumasok si Anna sa isang restaurant at doon bumabalik ang mga alaala niya, hindi niya alam pero lubos itong nagiging dahilan ng pagkadugo ng kanyang puso. Ang alaala para sa kanya sa lugar na iyon ay tila isang impyerno. Doon palang sa linyang iyon, mapapaisip ang mga readers. Anong bumabalot sa lugar na iyon kong bakit ganoon nalamang ang nararamdaman ni Anna? Maraming conclusion. Magkakaroon ng iba't ibang haka haka ang mga mambabasa. At magiging interes sila sa sinulat mo.

Ang susunod sa Beginning ay Rising Action(/) ito iyong tipong magdudugdog ng Beginning mo papuntang climax. Sabi nila ito iyong cause kong bakit naging ang story mo ay nagkaproblema. E.Q Namatay ang ama ni Alex, kaya walang wala na si Alex. Napag-isip isip niyang magnakaw. Ngunit alam niyang hindi niya gawain iyon. maraming tukso ang tumusok sa kanya hanggang sa dumating sa point na kailangan niyang gawin ang bagay na iyon.

Dito papasok ang Rising Action, ito iyong maghahatid ng Hope, Consequences At maraming expectation sa main character mo. Kahit anong mangyari, gagawa ka ng problema para sa kanya. Ikaw ang magiging kontrabida sa sarili mong kwento.

Ang susunod pagkatapos mong mabuo ang Rising ay ang pinakamahirap gawin para saakin ha, ang CLIMAX ("). Ang mga ibang writers ang tawag dito ay competition phase. Dahil dito, magkakakumplikado ang lahat. Dito magkakaaway away ang bida at mga extended cast mo. Dito papaiyakin ang mga readers mo, at dito din makakarinig ka ng mura galing sa kanila. Minsan, nagkakaroon din dito ng BELIEVE mula sa kanila. Dahil kapag nabasa nila ang climax mo, kahit imposible iyon sa Reality, para sa kanila posible iyon. Paano ba bumuo ng magandang CLIMAX? Simple. Awayin mo iyong character mo, ikaw ang biggest enemy niya. Pahirapan mo siya sa mga sitwasyon mo. Sakalin, patayin, paiyakin. Lahat! Wahahahhaa. wala akong maisip na tips sa climax, dahil sabi ko nga ito ang pinakamahirap na gawin para saakin.

After ng Climax, Lilipad tayo sa Falling Action(\), with matching swing.

Dito mangyayari kong papaano mo tutulungan ang character mo na iconqure iyong problema niya sa Climax.Papaano mareresolba ang mga confrontation at paghihirap na ginawa mo sa climax. At ito din ang pinaka importante sa plot dahil dito humahawak ang panalig ng mga reader mo kong papaano napapatunayan ang salitang "LIFE GOES ON."

Papaano makakabuo ng Falling action, simple. Makipagbati ka sa Character mo.

And last but not the least. Ang denouement mo. O ang mas popular sa tawag na ENDING!

Natapos na ang pagbabati mo sa character mo. Ngayon naman, iisipin mo, ano ba ang ieend mo sa iyong story? Masaya? Malungkot? may Session 2? Dapat alam mo na agad habang binubuo mo ang Falling action mo. Dapat alam mo na kong papaano mo itatapos ang nasimulan mo. Iyong dapat may maiiwang lesson sa readers hindi iyong, wala lang.

CONFLICT

Naipakilala na ito sa Climax, pero truly bago mo buuin ang story line mo, alamin mo kong papaano mo papahirapan ang

character mo? Dapat malaman mo din kong sino ang magpapahirap sa kanya. Hindi iyong gagawa ka ng conflict na mismong sa sarili niya. Pwede rin pero mahirap iyon. Lagi mong tatandaan YOU is  AFFECTED by ENVIRONMENT. kaya gawin mong realistic ang kwento mo, ang problema ay hanapin mo sa nakapalibot sa kanya.

At Ang pinakahuli sa lahat ay ang THEME,

kung para kanino at para ano ang ginagawa mo.

So tatanungin kita.

Para kanino ba?

Dapat iyan ang isipin mo.

kapag nagsusulat ka, hindi pwede iyong nagsusulat ka lang. Dapat you have the heart and the guts. Hindi puro guts!

Isipin mo, ang sinusulat mo ay para mapasaya ang mga taong nagbabasa ng sulat mo. Iyong mabibigyan sila ng lesson. Hindi puro kalukuhan. Ispirito iyan ng isang manunulat.

Nawa'y marami kayong natutunan!

Dedicated kay, ereeennnnn  isa sa mga hinahangaan kong writer!

Malambot na HaliparotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon