SIGN NG INLOVE:
Sa paggising mo sa umaga, mas uunahin mo pang isipin siya kaysa mag-alis ng muta.
Pagpasok mo sa school mas gaganahan ka kasi makikita mo nanaman siya.
Pag hindi mo siya nakita withn 2 hours eh magiging matamlay ka tapos lahat na ng ginagawa mo nagiging walang kwenta.
At ipinagdadasal mo na sana e makita mo siya o makasalubong man lang sa daan.
Na halos kakilala niyong dalawa tinatanungan mo kong nakita ba nila siya para makasiguro kang safe o pumasok siya para hindi masayang ang effort na inalaan mo ng araw na iyon.
Tapos gusto mo siyang itext, kong asan siya banda o magtatanong ka ng mga topic na kahit alam mo e tatanungin mo dahil feel mo.
Tapos pag nagreply tuwang tuwa ka naman na para kang pinatay at dumiretso sa heaven.
Pero pag hindi para kang binagsakan ng libo libong utang ng pilipinas.
Hindi ka nagkuntento, lagi mo na siyang binabanggit at binibida sa barkada.
At pagnakita mo na siya, para kang tanga na hindi alam ang gagawin. Either magpapansin o ano, basta feel mo siyang titigan at magdaydreaming na siya ang kaharap mo. Gusto mo siyang hawakan, o gumawa ng paraan para makausap mo man siya. At kahit piso na nahulog sa bulsa niya o candy wrapper e kinukuha mo at tinago mo. Mas malalayo yung pisong binigay niya sayo. Tapos kulang ng piso yung binili mo eh hindi mo pa kayang ibigay sa tindera.
Makikipagtawanan ka kahit korney ang sasabihin o joke niya. Makikipagtitigan ka na kunwari ay sasabihin mo, "ang unang pipikit talo." Kapag may assignment ka at minsan quiz eh pinakakopya mo siya matulungan mo lang siya. At what worst the most is kong anong kinakasaya niya sa buhay ay ibinibigay mo. Tulad ng "Kunin mo nga ng picture yung crush ko, ikaw naman close niya e. nahihiya kasi ako."Nagpapakatanga ka, nagpapamanhid. Ginagawa mo siyang mundo mo, kasi doon ka masaya. Doon ka sasaya. At pagtulog mo sa gabi, lagi mo siyang sinasama sa dasal mo na sana isa siya sa taong makakasama at mamahalin mo at mamahalin ka balang araw.
* * *
NAGAWA KO ITO DAHIL INLOVE AKO. SA TAONG INLOVE SA IBA.
BINABASA MO ANG
Malambot na Haliparot
Fiction générale"MAGSULAT KA AYON SA GUSTO MONG IPARATING, HINDI DAHIL SA KATANYAGANG GUSTO MONG MARATING"