Nakalathala dito ang mga tips kong papaano ba maging isang mahusay na writer at kong papaano mapapabuti ang pagsusulat.
Sa ikaunang bahagi, isa sa mga ibibigay ng may-akda ay tungkol sa buhay ng isang manunulat sa tinta ng bolpen at papel.
Matinding suporta ang kailangan.
------------------------------------------------------------------------------------------------
You write everything in a piece of paper, type a word until you tell a story in a blank MS word, you post, you vote.
Pero hanggang doon nalang ba ang buhay mo bilang isang writer? Alam mo ba ang kahalagahan ng ginagawa mo?
Alam mo ba sa sarili mo na isa kang Good Writer?
Natanong mo na ba kong isa ka sa mga taong dapat pakinggan dahil sa mga sulat mo?
Well, ako? hindi ko din alam kong bakit ko isinulat ito pero alam ko ang layunin kong bakit nabuo ang mga salitang binabasa mo ngayon.
Confuse ka? Sige magbasa ka lang, baka matutulungan kita. Hindi masamang magbahagi ng kumento. Puro mga opinyon at aral lamang ang mga narito na natutunan ko noong seminar and workshop namin. Sana, sa kunting mapamahagi ko sa inyo, makatulong ako sa pagsusulat ninyo.
Be ready to mingle with me! Dahil ishashare ko sa inyo ang mga paraan kong papaano pa mahahasa ang inyong pagsusulat.
Paalala: Lahat ng nandito ay nakuha ko lamang sa workshop at seminar na inattend ko para sa press conference ng aming beloved school press org. Nawa'y walang disclaimers na lumitaw.
First of all, I wanna share with you some of tips in how to become a Good Writer.
Maybe, it's always up to you kong susundin mo itong tip na ito.
Sa larangan ng sining ng pagsusulat. Ang isang Good story na nagmula sa isang Good writer ay kinagigiliwan, maraming napupulot na aral, may point at higit sa lahat nagkwekwento ng bagay na related sa buhay. Pero paano ba mapabilang sa mga ganitong aspekto para masabi lamang na Good Writer ka?
Well, para saakin. Ang good writer kahit hindi niya proffesion ang writing, I mean hindi siya nakakuha ng writing seminars o writing subjects basta makabuluhan iyong mga pinagsasabi niya, okay na roon! Swak na! Pero syempre, hindi pwepwedeng hindi hasain ang kagalingan na iyon. Dahil tulad ng isang knife kapag lagi mo itong ginagamit in a same way maaaring magiging mapurol agad ito. So heto, maging ako hindi ko alam ang pinagsasabi ko kaya nawa'y may naintindihan kayo.
Tekaa. Girahin niyo na nga ako, kanina pa ako dada ng dada. Eto naaa. Eto na nga. Mga tips kong papaano maging isang Good Writer.
Una, Write to be understood.
Ang mga Good writers gumagawa iyan ng mga tula, nobela, artikulo at iba pang susulatin na in such way na kayang intindihin noong mambabasa nais nitong iparating na lesson o mensahe sa mambabasa. Ito iyong tipong may sense iyong sinasabi sa sulat, may nararating iyong kwenekwento. Mapamalaking words, mapamaliit, o mahabang sentence basta naroon iyong puso na nais iparating ng writer. Madaling intindihin kumbaga. Doon nagsisimula iyong Good writer ika nga. Hindi iyong pinapakumplikado pa iyong pangyayari ngayong hindi naman na maganda iyong nais niyang iparating.
Pangalawa, Write in your own voice. Remember gawa mo iyon, walang makakapagpredict o walang makakapag-utos kong ano ang isusulat mo. Tanging ikaw lang at ang ballpen mo ang dapat mong makasundo. Tulad ng sabi sa pangalawang aspekto na ang isang Good writer ay may sariling boses sa pagsusulat, hindi nagpapadikta sa nino man. Kundi siya ang dumidikta sa mga mambabasa ng nais at layunin niya para sa kanyang kwento.
Pangatlo, Embrace flaws and weaknesses. Lahat ng writers may kahinaan. Excuse me, writer is still a human. May times na may mga pangyayari sa kanilang kwento na hindi nila kayang iexpress ang kanilang sasabihin doon dahil mahina sila sa ganoong bagay. Gets niyo? Haha. Kunwari, si Mr. D mahina sa Romance, eh nagkataong may romance sa sinusulat niya kaya mapapaisip siya. Should I continue writing this one? Diyan na mag-aaribang tahakin ng weakness ang kanyang kalooban. Sa gusto niyang magkaroon ng Romance sa kwento niya pero hindi niya magawa kasi hindi naman niya alam kong saan sisimulan. Kong katulad ka niya. Simple lang, yakapin mo ang kahinaan mo. Kahit hindi ka magaling sa romance magsulat ka! Who cares? Sa larangan na pinili mo walang arte arte, hindi ka mamatay kong hindi ka marunong malagay ng kahinaan mong genre. Kong gusto mo talaga do for it. Pero kong hindi, edi hindi. Pero may mga writers kasi na, sumusuko na agad dahil nga sa tinupok sila ng kahinaan ng loob. Advice ko lang sa mga ganong writer, trust your self! Embrace your weaknesses and you will see yourself fighting your own fear.
Pang-apat, Write like you stole something. Ang labo no? Magsulat ka daw na parang may ninanakaw ka. Pero literally, the message said is magsulat ka ng mga kwentong hindi pa nakwekwento ng iba. Magsulat ka ng mga kwentong sa inaakala mo eh hindi naman aangat. Do not flow with famous persons! Ene. Ang pagsusulat hindi iyan pasikatan. Ang Good writer hindi iyan nasa popularity ng sinusulat. Hindi porket nauso si Pongpagong at nagtrend sa twitter, at wattpad e makikisulat ka narin tulad ng kwento na similar sa kwento ni Pongpagong. Asan doon iyong tinatawag na ENIQUENESS mo? Asan iyong tinatawag mong write in your own voice. Wag kang makitrend. Umisip ka ng bagay na alam mong hindi pa nakwekwento ng iba. Isulat mo lang sila, huwag kang manghinaan ng loob. Para saan pa ang EDITING na tinatawag kong takot kang magsimula sa magulong kwento? And take this advice, A writer is a thief. :)
Panglima, Always motivate your self. Keep inspired!
Iyan lamang iyong ilan sa mga tips kong paaano ka magiging Good Writer, pero lagi mong tatandaan, hindi mo makakamit ang mga iyan kong wala kang dedikasyon sa ginagawa mo. Kapag nagsulat ka, you always keep in mind that you love what you are doing. It's not all about the POPULARITY. It's all about deserving rank of your story.
BINABASA MO ANG
Malambot na Haliparot
General Fiction"MAGSULAT KA AYON SA GUSTO MONG IPARATING, HINDI DAHIL SA KATANYAGANG GUSTO MONG MARATING"