Marahil kung bibigyan ako ng pagkakataon na magsurvey sa buong Pilipinas ay magkakaroon ako ng sapat na ebidensya kapag sinabi kong ang Pilipino ang pinakamadaldal na mga mamayanan sa Asya. Sa anong paraan? Siguro, kung bibigyan rin ako ulit ng pagkakataon para sabihin iyon isasaad ko na ito ay sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng kanilang damdamin, hindi lamang sa salita kundi sa mga nakaimprintang mga letra na nakikita ng ating mga mata. Freedom of Expression o mas kilala rin sa Freedom of Speech. Isa ito sa mga karapatang nakalapat sa saligang batas na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga tao na magbigay ng kanilang kuro-kuro, opinyon at pagpapahayag ng kanilang damdamin ng walang humahadlang o walang nasasagasaang iba.
Walang humahadlang? Gusto kong ulitin ang mga salitang iyon na aking nilagay sa artikulong ito matapos akong gumawi sa isang social media site na kung saan nakakita ako ng libo-libong letra, salita at opinyon ng iba't ibang tao dito sa bansa na sa tingin ko ay hindi sumasang-ayon sa nakaraan kong sinabi.
Nakita ko kung papaano humadlang ang isa, dedepensa ang isa, hahadlang ule, hanggang sa hindi na matapos tapos ang usapan. Ang malala, mas lalo pa itong lumala.
Saan nga ba nagagamit ang batas na ito? Sa vandal na makikita sa pintuan ng CR o minsan sa likuran ng mga upuan ng bus? Sa mga drawing na nakabalahadra sa waiting sheds? Sa mga nakakatawa at minsan out of topic na mga komento ng mga Pinoy? O sa mga naglalakihang mantel na binabalahadra sa kahabaan ng kalsadang may kasama pang sigaw? Saan? Saan nga ba nagagamit ang karapatan na ito? Kalayaang hindi ko alam kong bakit minsan ginagamit ng mga politikong hindi naman marunong tumupad ng pangako.
Pero teka, gusto ko bigyan niyo ako ulit ng pangalawang pagkakataon para baguhin ang depinisyon ng FREEDOM OF EXPRESSION na nasa saligang batas, siguro ay ilalagay kong mga salita roon ay, GASGAS, MAKALUMA, NAAABUSO. Bakit? Dahil minsan hindi natin alam kong ano nga ba ang ibig sabihin nito. At marahil ginagamit na lang natin itong dahilan para lang magkaroon tayo ng isang matalinong pahayag at manalo sa isang talastasan.
Bago ang lahat atin munang balikan kung saan nga ba ito makikita. Nakalagay ito sa 1987 Philippine Constitution, nakasaad sa seksyon kwarto artikulo kwatro ''No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.'' na ang ibig sabihin ay walang batas ang makakapaghadlang sa kalayaang magpahayag, maglahad ng saloobin at pigilan ang sinomang maglahad ng katotohanan o opinyon o nais masaad sa isang pangyayari.
Sige, sabihin na nating na-iintindihan natin ang tekstong ito, pero nagagawa ba natin ng naayon sa ating mga kilos? Sa tingin kong sagot ay hindi. Bakit?Dahil kaliwa't kanan pa rin ang mga Pinoy na tumatuligsa sa kapwa nila Pinoy. Makikita mo pa rin hindi lamang sa mga nakaimprintang letra na karaniwang nakalathala sa makabagong teknolohiya kundi maging sa kapitbahay mong gusto lang magpapansin sa buong compound niyo at kanina pa talak ng talak. Hindi pa rin mawawala ang mga komentong negatibo sapagkat meron nga tayong batas na ganito. At meron pa ring mga taong handang ibuwis ang buhay para lang sa mga letra at salitang pinaramdam mo. Pero teka, Freedom of expression nga di ba? Ibig sabihin nito, karapatan.
Pero laging sinasabi sa akin ng isa kong guro sa Araling Panlipunan kung saan ang aralin ay tungkol sa mga batas ay, Lahat tayo ay may karapatan, karapatang magsalita, karapatang mag-aral, karapatang mamuhay ngunit lahat ng karapatan mo ay magtatapos o mawawala kapag nagsimula na ang karapatan ng iba. Halos gusto ko na siyang sambahin ng mga panahong iyon sa sinabi niya, papaano naman kasi, may punto siya.
Oo, lahat tayo binigyan ng karapatan na gawin ang gusto natin gawin tulad ng magselfie tuwing baha, maghashtag ng kong anu-ano, at mag-opinyon sa usapin, pero hindi ibig sabihin noon, aabusuhin na natin.
Sa makabagong henerasyon, makikita na maraming mga tao ang hindi na alam ang ibig sabihin ng batas na ito. Bira lang ng bira. At kapag napuna laging isusunod ang mga linyang Freedom of Expression to‼ Wala kang paki.
O sige, galing din ako sa mundo ng media at mas kaklaruhin ko, print media na kung saan mas lalo naming nagagamit ang karapatan na ito. Pero ni minsan hindi ko ginamit ang karapatan na ito para samantalahin ang iba. Magpapahayag ako ng ulat ng walang pinapanigang ninuman. Maglalathala ako ng letra sa 'king pahayag na sa huli ay may kaakibat na paghingi ng paumahin sa lahat ng aking masasagasahan. Makatanggap man ako ng kritisismong maganda o hindi, hindi ko na kailangang pang palalahin. Dahil hindi ako tinuruan ng publikasyon na ito para lumaban, tinuruan ako nito para magpahayag ng tama at wasto. Lahat ng bagay ay may limitasyon.
Ang kalayaang magpahayag ng damdamin ay ang kalayaang makamit ang demokrasya ng bansa. Tama, merong punto ang naturang pahayag na iyon ngunit hindi ba tayo aware na ang kalayaang nais nating makamit at ang demokrasyang binubuo natin ay hindi natin makamit dahil sa hindi natin pagkakaroon ng pagkakaintindihan?
Ang minsan ay sapat na. Kapag nasabi mo ang saloobin mo tama na. Kung alam mong may punto siya, respetuhin mo naman. Huwag kang magsasabi ng hindi naman angkop sa talakayan alam mong makakasira ka lang ng samahan. Oo may karapatan ka para magsalita dahil kung sa pilosopong ideya ng pangangatwiran mo ay may bibig ka, matuto ka pa ring tumikom kapag alam mong sobra na. Alam mong nakakaapak ka na ng iba.
At ang karapatang ito'y gawin mong isang basehan hindi para umabuso kundi para sumunod. Sabi nga ng aking idolo na si Lourd de Veyra, bago muna natin basagin ang batas, dapat alamin muna natin ang ating binabasag. Nang sa ganoon hindi tayo makulong sa ating mga pinausong kabalbalan na pwedeng makasira sa ating samahang mga Pilipino.
BINABASA MO ANG
Malambot na Haliparot
General Fiction"MAGSULAT KA AYON SA GUSTO MONG IPARATING, HINDI DAHIL SA KATANYAGANG GUSTO MONG MARATING"