Sa panahon ngaun maraming mga tao nang nag tatanong kung bakit? Bakit hindi mo siya kayang bitawan kahit ang sakit sakit na ? At kadalasan sa mga sagot nila. Siyempre mahal ko. Pero anu ba talaga ang dahilan? For me ? Siguro dahil ayaw nila bitawan ang isang bagay hindi dahil mahal nila ito kundi dahil natatakot sila na ang bagay na nakasanayan nila ay unti unti ng mawawala......
"Hoy!" Napahawak ako sa dibdib ko ng magulat ako sa sigaw ni Angela.
" Bakit ka ba nasigaw ?" Umayus ito ng upo paharap saakin at tinitigan ako ng malalim. Anu nanaman problema ng babaeng to ?.
" Kanina pa kita kinakausap jan pero parang hangin lang ang kausap ko. Anu ba yang iniisip mo?" Umiling ako at ngumiti sakaniya sabay kuha ng lapis at nag simula ng mag drawing sa papel.
" Wala iniisip ko lang kung saan tayu kakain mamaya. " Napatigil ako sa pag susulat ng bigla niya ako hawakan sa balikat at pinaharap sakaniya.
" Ung totoo? Kilala kita cas alam ko kung may problema ka o wala.. Alam ko kung talagang nakatulala ka lang o nakatulala dahil sa iniisip. So anu na problema?" Bumuntong hininga ako at kinagat ang mga labi upang pigilan ang aking mga luha. Ngunit kahit anung pigil ko ay sadyang trydor ang mga mata ko.. Humikbi ako at agad na niyakap si Angela. Hinagod naman nito ang likod ko at hinimas himas..
"Tahan na.. About nanaman ba ito kay Robin ?" Tumango ako habang nakayakap parin sakaniya at humikbi pa muli.
" Hindi ko na alam gagawin ko.. Nalilito na ako mahal ko so Robin pero..... Pero...."
" Naiintindihan kita cas.. Pero ano pa ba magagawa natin kung choice mo naman yan simula ng una.. Akala ko ba kaya mo ?" Kumalas ako sa pag kakayakap sakaniya at pinunasan ang sarili at humarap sakaniya sabay ngiti.
" Oo nga nu.. Desisyon ko pala to bakit ko ba naklimutan ?" Tumawa ako dito ng kinailing nalang niya tinap nito ang likod ko at pinag patuloy na ang kaniyang ginagawa.
" Wag mo na un isipin ang importante 1 week na kayong ok ni Robin diba un naman ang hinihiling mo ?" Tumango ako dito at ngumiti ng peke at pinag patuloy na din ang pag guguhit sa papel.. Sa totoo lang hindi ko alam kung ok pa kami or hindi na.
" Oh meryenda muna kayu oh ? Bakit mukhang namamaga ata ang mata mo ?" Napalingon ako sa pinto at ngumit bago tumayu upang kunin ang pagkain kay ate at hinalikan ito sa pisngi na kina inis naman niya.
" Trixie ang laway mo!" Pinunas naman nito ang kaniyang pisngi at ako naman ay tinawanan ito.
" Masyado kasing mahirap ang pinapagawang project ni ma'am kaya naiyak ako. "
"Tsk sa dami kasi ng madaling kurso bakit ang pagiging nurse pa ang pinili mo." Ngumiti ako dito at nag kibit balikat nalang bago bumalik sa tabi ni Angela.
" O siya maiwan ko muna kayu." Sabi nito sabay paalam saamin. Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag ayos dahil aattend kami sa birthday ni kuya Mike sa restaurant ito gagawin kaya naman kahapon ay nag hanap kami ng masusuot ni Angela.
Pag labas ko sa banyo ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext si RobinTo: Robin
Asan ka na ? Punta ka ha aantayin kita.Pag katapos ko ito i text ay napabuntong hininga ako at umupo sa kama.. Simula pa kahapon hindi nag ttext un ah ? Umiling nalang ako at hindi na siya inisip at nag simula na mag ayos sa sarili.
" Cas!! " lumingon ako sa tumawag saakin at ngumiti kay Angela.
" Hi ate kunin ko po muna si Trixie ahh." Sabi nito pag ka dating samin. Agad naman inalis ni ate ang kamay niya sa braso ko at tinulak ako ng mahina.
" Sige walang problema kunin mo na yan kanina pa yan nasunod sa pwet ko." Pinanlakihan ko ito ng mata at sasagot na sana ng bigla na ako nahila ni Angela..
" Langya talaga si ate.. Anu akala niya saakin aso? Duh siya kaya panay kapit sakin. " Sinamaan kong tingin si Angela ng tumawa ito sabay gulo ng buhok ko.
" Hayaan mo na iyon hindi ka pa nasanay.. Tara doon tayu sa dulo upo para makainom ng alam mo na. "Ngumiti naman ako ng nakakaloko dito at ako na mismo humila sakaniya.. Ito amg gusto ko sakaniya.. Pareho kami ng gusto..
"Good evening ladies and gentle men Thankyou for coming here tonight... And thankyou for the gift and notes na binigay niyo I really appreciate it.. Please enjoy your food and enjoy.. " Nag sipalakpakan kami after sabihin ni kuya ito at pinag patuloy na ang pag kain katabi ko sa kaliwa si Angela at si Robin naman ay nasa kanan ko at tahimik na kumakain. Kanina ko pa siya tinitignan at tinatanong kung ayos lang siya ngunit hindi ako nito pinapansin.. Napabuntong hininga naman ako at napatingin sa kabilang lamesa kung saan naman nakaupo si Havier kasama ang ex nito at masayang nag uusap... Napangiti ako ng peke ngunit napalitan ng gulat ng biglang tumingin sa dereksyon ko si Havier. Dali dali naman akong umiwas ng tingin at napainom ng marami sa wine... Omygod trixie nakakahiya ka..
" Cr lang ako." Napatingin ako kay Robin ng bigla itong tumayo at dali daling umalis sa tabi ko. Hayysss hindi man lang ako tinignan. Umiling iling ako at pinagpatuloy ang pag iinom ng maisipan kung sundan si Robin upang kausapin ngunit laking gulat ko ng wala siya sa cr.
"Asan naman nag punta un ?" Nag simula ako mag lakad at inilibot ang buong restaurant ngunit hindi ko parin ito mahanap hanggang sa napadpad na ako sa parking lot.. Napatigil ako at napalingon lingon sa paligid mukhang wala siya dito. Napabuntong hininga ako at napag desisiyon ng bumalik sa loob ng may narinig akong ingay banda sa likuran ng kotseng kaharap ko. At dahil nag babakasakaling si Robin ito ay lumapit ako upang sumilip.
"Robin ikaw ba yan ?" Bulong ko at nag patuloy sa pag lalakad ngunit agad din tumigil ng makita ko kung sino ang nasa likuran ng kotse. Halos hindi na ako makahinga naninikip din ang aking dibdib at tila nakakita ako ng multo sa sobrang lamig na nararamdaman ko sa aking katawan. At dahil sa panghihina ay muntikan pa ako matumba ngunit isang kamay ang humawak saaking bewang at pinaharap ako nito sakaniya... Tumingala naman ako at ng makita ko siya ay agarang lumabas ang aking mga luha at tahimik na napahikbi. Niyakap naman ako nito at ramdam ko ang paninigas ng kaniyang katawan na tila ba nagpipigil ng galit.
" T-trixie.." Lilingon na sana ako ng mag salita si Robin ngunit mas hinigpitan niya ang yakap saakin..
" Kapatid kita pero oras na lapitan at hawakan mo siya ako makakalaban mo." -Havier.
Tumingala ako upang makita ang itsura ni Havier at laking gulat ko nalang na wala itong emotiong nakaharap kay Robin at sa babaeng kasama nito na kaninang kahalikan niya.
" Bro she's my girl--"
"Not anymore." Kumalas ito sa pag kakayakap niya saakin at hinawakan ang kamay ko bago tumingin saakin.
" Because this girl is now belongs to me. I think you ok with that huh.. You have your new girl why not give her to me." Sa sinabi niyang un ay tila nakalimutan ko na ang sakit na naramdaman ko kanina at napalitan ito ng gulat habang nakatingin sakaniya. Kinindatan naman ako nito at tumingin kila Robin.
" What the fuck are you saying man ? Trixie let me explain please." Humarap ako dito at tinitigan lang ito ng masama.. Napaka hayup niya bakit niya nagawa to saakin. Minahal ko naman siya ng totoo pero panu niya ako nagawang lokohin.
"Please trixie its not what you think." Lumapit ito saakin at hahawakan na sana ako nito ng bigla akong hilain ni Havier sakaniya at inilagay sakaniyang likuran.
" Will you excuse us. Kailangan na namin pumasok sa loob dahil hinahanap na din siya ng pinsan niyang si Mike. " Pag kasabi niyang un ay nag lakad na ito at hinila na ako palayu kila Robin na ngaun ay nakatulala sa kawalan.. Tumigil ako sa pag lalakad ng makita kong malapit na kami sa venue at humarap sakaniya na ngaun ay napatigil din sa pag lalakad.
"Bakit mo ginawa un ung mga sinabi mo?" Ngumiti ito saakin at umayos ng tayu bago mas lumapit saakin.
" Diba dapat thankyou ang sinasabi pag nililigtas ng isang prince charming ?" Tinarayan ko ito ng ikinatuwa niya at ginulo ang aking buhok.
" Ayokong nakikita kang umiiyak."Seryosong sabi nito at ngumiti bago ito nauna sa loob habang ako naman ay naiwang tulala habang nakatingin sa papalayo niyang likod. Bakit ganun un umasta? Dahan dahan kong itinaas ang aking kamay at hinawakan ang dibdib. Bigla naman ako napapikit at umiling iling bago sumunod sa loob.
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede
Teen Fiction"Minsan talaga may minahal tayong tao na kahit masakit ay hindi mo parin ito magawang iwan kahit na alam mo na ikaw nalang ang nag mamahal. And even if Im far away he is always in my heart no matter what and the only way I can do is to be with him...