Mag hoholiday na kaya naman lahat kami ay naging busy. Tinatapos ang dapat tapusin. Ngunit kahit gaano kami kabusy ay may isang tao talagang kayang mambwisit sa araw araw ko.
" Cas nag aantay nanaman siya sa labas." tumingin ako sa pinto saglit at nakita nga si Havier sa tapat ng pinto nakatayo at nag aantay. Ibinalik ko ang tingin ko sa ginagawa at hindi ulit siya pinansin.
" Kung ako sayo kausapin mo na wala naman kasalanan ang tao." Sabi ni Gel at tinulungan nadin ako sa mga ginagawa. Hindi ko alam kung ano problema ng lalaking yan at panay sunod niya saakin. Naalala ko tuloy ang mga araw na sinusundan niya ako at ako naman ay todo sa pag taboy sakaniya.
Nag lalakad ako papasok sa gate ng school ng makita ko si Havier na nakatayo doon. Kaya agad ako napahinto at binalak na sana na sa ibang daan dumaan ngunit nahuli na ang lahat dahil nakita na niya ako.
" Trixie!" Tawag nito. Mas binilisan ko pa ang pag lalakad palayo ng mahabol niya ako at hinawakan sa kamay dahilan ng pag hinto ko sa pag lalakad.
" Saan ka pupunta? Kanina pa kita tinatawag." Napakamot ako sa batok at pasimpleng binawi ang kamay ko sa kamay niya.
" Hindi kita narinig eh may kailangan ka ba?" Tanong ko. Ngumiti ito saakin at umayos siya ng tayo ang isang kamay naman niya ay ipinasok niya sakaniyang bulsa.
" Did you have breakfast already? If not I can treat you somewhere . Maaga pa naman para sa klase." Umiling iling ako at ngumiti sakaniya.
" Kumain na ako salamat nalang sa offer." Tumango tango ito at tila na dismaya sa pag tanggi ko sa alok niya..
" Oh ok how about later at lunch?"
"May plano na ako sa lunch eh." Tumango tango ito at balak pa sanang mag salita ng makita ko si Gel na nag lalakad papasok.
" Gel!! " Sigaw ko at kumaway kaway sakaniya tumingin naman ako kay Havier na nakatingin saakin ng blankong mukha.
" Pasesnsiya na ha sa susunod nalang tayo sabay kumain." Sabi ko at tumakbo na papunta kay Gel at iniwan na si Havier doon. Hayysss bakit naman naging ganun mukha nun? Nakakatakot ah. Napailing iling ako sa iniisip ko at tumingin muli sa direction ni Havier ngunit wala na siya doon haayyss.
Nasa canteen ako kumakain ng lunch kasama si Gel masaya kaming nag kwe-kwentuhan ng biglang umupo sa tabi ko si Havier. Gulat na tumingin naman ako sakaniya.
" Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede
Teen Fiction"Minsan talaga may minahal tayong tao na kahit masakit ay hindi mo parin ito magawang iwan kahit na alam mo na ikaw nalang ang nag mamahal. And even if Im far away he is always in my heart no matter what and the only way I can do is to be with him...