"Trixie bilisan mo na jaan ha at aalis na tayo." Tumango ako sa ate ko at binilisan na ang pagligpit ng aking gamit at ipinasok ito sa maleta lilipat na kasi kami ni ate sa Manila dahil nakakuha ako ng Scholarship doon. Galing kami sa Bacolod. Medyo taranta ako sa aking pag liligpit dahil oras ang hinahabol namin. Dapat mas maaga kami ng 1 hour sa airport upang hindi mahuli.. Hindi ko na kasi ito naligpit pa kagabi gawa ng gumala ako with friends pamamaalam nadin kumbaga.
After ko mag ligpit ay lumabas na ako saaking kwarto upang mailagay na ni ate ang bag ko sa taxi. Sumulyap ako muli saaming bahay at malungkot na sumakay sa taxi. Mahirap talaga kapag aalis ka sa lugar na kinagisnan mo upang makapag tapos lang pero ok lang un atleast after 4 years uuwi din ako dito.
" Mariel musta na kayu grabe namiss ko kayo" Nag beso si kuya Mike ang pinsan naming lalaki sa ate ko at saakin. Ngumiti naman ako sakaniya at binigyan siya ng yakap. Siya ang nag sundo saamin ngaun upang ihatid kami sa aming titirhan siguro ang iba naming pinsan ay bukas ko pa makikita dahil gabi naman na din at baka tulog na ang mga iyon.
Isang oras din ang biyahe patungo sa titirhan namin kaya't madami nadin akong naikwento sa pinsan ko about sa mga gusto kong kurso sa dadating na pasukan..
" Medyo maliit siya pero kaya narin. Dalawa lang naman kami ni Trixie. Salamat sa pag hatid Mike." Nag paalam na kami kay kuya at pumunta na ako saaking silid upang ayusin ang aking gamit. Napatingin ako sa paligid at umupo sa kama. Hindi ako sanay na mag kahiwalay kami nila mama at kami nalang ate ang naandito. Hindi na kasi makabyahe pa sila mama gawa ng matanda na sila. Si ate naman ay fresh graduate at mag hahanap ng trabaho kaya't nag decision na siyang sumama saakin... Kinuha ko ang Bag ko at kinuha ang aking cellphone ng tumunog ito..
From: Robin
Nakadating na kayo ?To: Robin
Yup, see you tom. I love you.
Binitawan ko na ang phone ko dahil hindi na ito nag reply saakin. Si Robin ang Boyfriend ko at 7 months na kami. Dito siya sa manila nakatira paminsan minsan ay napunta siya sa Bacolod upang dalawin ako kaso this past
few weeks may nag iba. Or ako lang na papraning ?" Trixie kain na." Isinambahal ko nalang iyon at lumabas na upang makakain na kami ni ate.
" Tomorrow we will go to your school para maka enroll ka na and mag hahanap ako ng trabaho ok naman siguro kung uuwi ka mag isa ?" Tumango ako kay ate at uminom ng tubig bago mag salita.
" Mag kikita kami ni Robin ate kaya hindi ako maliligaw. " tumango ito saakin at pinag patuloy lang ang kinakain. Medyo nailang ako doon sa sinabi ko dahil hindi naman sa strict si ate sa mga boyfriend ko ayaw niya lang talaga na masaktan ako at nakikita niya daw kay Robin na hindi un seryoso.
Kinabukasan pag katapos namin kumain ay dumeretso na kami sa skwelahan habang si ate naman ay nag hanap ng trabaho.. After ko mag enroll ay pumunta na ako sa McDo kung saan doon kami mag kikita ni Robin.. Tumatakbo na ako dahil andoon na daw siya at kanina pa daw nag aantay. Pag dating ko ay agad ko siyang nakita sa loob at nakabusangot na ang kaniyang mukha.
" Robin." Tawag ko ng makapasok na ako at makaupo sa harapan niya humarap ito ng galit saakin at sinabihang napakatagal ko daw. Ngumiti ako dito at hinawakan ang kamay niya ngunit hinawi niya ito. Bigla ko naramdaman ang kirot saaking puso.
" Sorry alam mo naman galing ako sa school tyaka limang minuto lang akong nalate. " tumaray ito saakin at bumulong bulong dahil sa inis niya ako naman ay panay sorry.. Bigla ako nagulat at napayuko ng ibagsak niya ng padabog ang kaniyang mga kubyertos at tumayo upang mag cr. Tahimik lang ako kumain kahit na alam ko namang pinag titinginan na ako ng mga tao... Maya maya ay nasa harapan ko na si Robin at inis na tumingin sakin.
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede
Teen Fiction"Minsan talaga may minahal tayong tao na kahit masakit ay hindi mo parin ito magawang iwan kahit na alam mo na ikaw nalang ang nag mamahal. And even if Im far away he is always in my heart no matter what and the only way I can do is to be with him...