" Salamat sa pagpunta cas kahit alam kong busy ka." Ngumiti ako kay kuya ng matapos siya bumeso kay ate at ginuolo pa nito ang buhok ko
" Kuya naman." Reklamo ko ng ikinatawa lang niya. Tss kahit kailan talaga mahilig mangasar. Inayos ko ang buhok ko at humarap kay ate.
" Kay Angela ako matutulog ate pwede?" Pacute na paalam ko.
"Kahit wag ka ng umuwi ayos lang saakin." Tinarayan ko nalang ang pangangasar saakin ni ate at umalis na upang hanapin ang pinsan ko ngunit hindi siya ang natagpuan ko kundi si Havier na nasa labas habang nakatingin sa langit. Ngumiti ako at akmang lalapitan na siya ng biglang may lumapit sakaniya at humawak pa ito sa kaniyang braso. Napatigil ako sa pag lapit at nawala ang ngiti...
"Hoy!" Napalingon ako kay Gel at dali dali siyang hinila upang makatago.. Ng makatago na kami ay muli ako sumilip at laking pasalamat ko na hindi nila kami napansin.
" Sino ba kasi tinitignan mo doon?" Sisilip na sana ito ngunit agad ko na siya hinawakan sa kamay at hinila upang makalayo na sa lugar na yon. Habang nag lalakad ay napahawak ako sa aking dibdib at napailing... Hindi ko talaga alam bakit ganto nararamdaman ko. umiling nalang ako at sinawalang bahala ang aking iniisip. Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Angela upang mag handa papuntang skwelahan. Meron kasi kaming quiz ngaun sa major subject.
" Cas una ka muna mag cr lang ako." Tumango ako kay Gel at dumeretso na pumasok sa room. Wala pa masyadong tao dahil nga inagahan namin upang makapag review pa. Umupo na ako at nilabas ang mga gamit. Mag sisimula na sana ako mag basa ng may nag lagay ng juice sa harapan ko. Napatingala ako at nagulat ng si Robin ito. Tumayo ako at tinulak siya upang mapalayo siya saakin. Tinitigan ko siya at medyo naawa sa kaniyang itsura.. Mukha itong walang tulog at may pasa pa sa gilid ng kaniyang labi.
" Anu ginagawa mo dito?" Tanung ko. Tahimik lang itong naka yuko at humakbang ng isa palapit saakin. Mag tatanung na sana ako muli kung anu ang ginagawa niya ng laking gulat ko nalamang ng bigla niya akong hawakan sa kamay at humikbi nakayuko parin ito.
" I'm sorry." sabi nito. Agad ako nakaramdam ng kirot saakin dibdib at nag simula narin mamuo ang mga luha saaking mata. Bumitaw ako dito at pinunasan agad ang bumagsak na luha upang di niya makita. Iniangat nito ang tingin saakin at tumitig saakin na parang nag mamakaawa..
" Im sorry." patuloy nitong sabi habang na iyak. paulit ulit niya ito sinasabi hanggang sa lumuhod na ito at yumakap sa mga tuhod ko.
"Tumayo ka na jaan." sabi ko habang pilit siyang tinatayo ngunit masyado siyang malakas kaya't hindi ko siya maitayo.
" Tangina Robin tumayo ka sabi eh!!" Sigaw ko sa sobrang inis. Wala na akong pakeelam kahit may makarinig saamin o may mga studiante ng nanunuod. Tumayo naman ito saakin at tumingin saaking mga mata. Huminga ako ng malalim at matapang na tinitigan din siya.
" Sorry? Ayan nalang ba lagi mong sasabihin saakin ha? Wala ka man lang ba ipapaliwanag?" Nanatili lang itong tahimik at nakatingin saakin kaya mas lalo akong nainis. Bakit ganto siya? Bakit lagi nalang kung may nangyayari ayaw niya sabihin? Matatanggap ko naman eh. Tumingin ako sa mga mata niya at kita ko ang sinceridad nito.
" Tuwing natingin ako sa mga mata mo nararamdaman ko na nag sisisi ka pero bakit di mo man lang kaya mag pakatotoo talaga kung alam mong di parin ako nabitaw ha? Hindi ba ako importante sayu?" Hindi ko na napigilan at napaluha na ako sa harapan niya. Umliling ito saakin at pinunasan ang mga luha.
" Hindi un totoo. Importante ka saakin mahal kita kaya nga sabi ko mag tiwala ka lang dahil may mga bagay na hindi ko masabi sayu."
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede
Teen Fiction"Minsan talaga may minahal tayong tao na kahit masakit ay hindi mo parin ito magawang iwan kahit na alam mo na ikaw nalang ang nag mamahal. And even if Im far away he is always in my heart no matter what and the only way I can do is to be with him...