"Havier."
Ngumiti ako dito at umusog kaunti upang makaupo siya sa aking tabi. Ngumiti din naman ito at tumabi saakin.
" So you two knew each other ?" Tumango ako kay kuya Mike bago uminom sa alak.
" We're in a same school so yah. And Im the brother of her boyfriend." Kuya just nod at us at hinila na ang ate ko papunta sa ibang upuan kung saan ang mga pinsan namin na ka idaran nila. Samantalang kami naman ay nakaupo sa mga kasing idaran namin.
"Gurl mas pogi pala ang kapatid ng boyfriend mo bakit hindi nalang siya?" Napairap ako ng palihim sa bulong ng isa kong pinsan si Angela Sanogal. Sa lahat ng mga pinsan ko siya ang pinaka close ko siyempre kami lang naman ang pinakabata na babae at ang mga lalaki naman na kasing idad namin ay laging missing in action. Close din naman kami pero hindi lang namin trip ang trip nila.
Siniko ko ng palihim si Angela ng di siya tumigil kaka asar saakin.
" Tumigil ka jan kung ayaw mong mabangasan." Tumawa nalang ito at umayos na ng upo at uminom nalang ulit.
" Pinsan mo pala si Mike?" Napatingin ako kay Havier at tumango sakaniya bilang tugon..
Tumawa ito na parang amaze na amaze sa mga nalaman niya.
" Small world isn't?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at di nalang ito pinansin dahil hindi naman din ito nag salita ulit. Patuloy lang ang inom namin. Ang iba naman ay nag kkwentuhan minsan napapatawa rin ako sa mga kalokohan nila. Ngunit minsan naiilang din ako dahil minsan nahuhuli kong nakatitig saakin si Havier at pag tumitingin naman ako ay naiwas ito ng tingin. Minsan nakangiti pa ito na tila nawiwili sa kakatitig saakin habang natawa sa mga kalokohan ng mga pinsan ko..
Tumayo ako at umalis saglit sa inuupuan namin at pumunta sa may labas upang makapag pahangin medyo tipsy narin ako at hindi nakakatulong saakin ang mga ilaw.. Bumuntong hininga ako at tumingin sa langit at pinag masdan ang mga bituin...
"Kita mo yan mahal? Kung gaano kataas ang mga bituin ? Mas mataas pa jaan ang pag mamahal ko sayo."
" Asan na ang pag mamahal na iyon?"
"Thinking to much can kill you." Napalingon ako sa aking likod at tumingin kay Havier na nakasandal sa gilid ng pintuan habang naka lagay ang kaniyang kamay sa bulsa. Umayos ito sa pag tayu at nag lakad papunta saakin bago tumingin sa langit...
"Hindi ako nag iisip ng malalim." Sabi ko bago tumingin sa langit. Nag kibit balikat lang ito at tumingin saakin ng seryoso.
"Hanggang kailan ka mag titiis Trixie? Hanggang kailan bago mo ako makita." Napalunok ako sa biglaang tanung niya.. Dahil ba to sa nakita niya saamin ni Robin ? Or may alam ba siya ?At anung bago makita ? Bakit parang may iba sa sinabi niya.
" Ha ?" Yan nalang ang tangi kong nasabi sakaniya. Umiling nalang ito at ginulo ang buhok ko bago ngumiti.
" Nothing. Lets go in ? Malamig dito." Pag katapos niya sabihin un ay nauna na siyang pumasok sa loob at naiwan akong tulala parin. Napahawak ako sa aking dibdib at huminga ng malalim bago sumunod sakaniya..
"Before you begin each procedure, identify yourself and explain what you are going to do and encourage the patient to participate and help as much as possible." I sigh and massage may head dahil sa sakit ang ulo ko. Hindi na ako masyado makapag concentrate sa mga dinidiscuss ni maam dahil feeling ko din ay parang may something na lalabas sa tiyan ko. Tsk hangover. Kagabi kasi ay nag tagal pa kami doon at para hindi masabihan ng KJ ay ininom ko ang mga shots na ibinibigay nila sakin hanggang sa malasing ako. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi dahil nung time na un wala na si ate sa bar. Si Havier kaya ? Iniisip ko palang ay nararamdaman ko na ang pag init ng pisngi ko. Kung siya man ang nag hatid saakin ay laking kahihiyan na un dahil hindi ko na alam kung ano mga pinang gagawa ko kung lasing ako. May ginawa ba ako sakaniya ? Shit! I can't even remember anything baka mamaya oh my gosh...
"Huy girl ok ka lang jan ?" Agad ako napamulat at napatingin sa tabi ko. Ngumiti ako dito at tumango sa kaniyang tanong.
" Oo Gel.. Hangover." Sabi ko at tinaas ko pa ang kamay ko upang ituro ang aking ulo. Napatango naman ito at tumawa ng mahina bago tumingin sa harapan. Ang pinsan kong si Angela ay kklase ko dito ngaun ko lang nalaman dahil ngaun lang din siya pumasok gawa ng kakauwi lang niya galing bakasyon. After ng discussion ay tumayo na ako agad at niligpit ang mga gamit ko napatigil lang ako ng bigla akong kalabitin ni Angela at pacute na nakatingin saakin.
"Sabay tayu lunch ?" Ngumiti naman ako dito at napatango bago kunin ang bag at naglakad kasabay siya. Humawak ito sa braso ko habang naglalakad. Tumingin ako dito at napailing... Kahit kailan galaw bata parin kaya naiiwan eh. Tsk tsk. Nag patuloy kami sa pag lalakad hanggang sa mapunta kami sa canteen at siya pa nag presenta na manglibre dahil celebration na din sa pagiging mag kklase naming dalawa. Wierd. After niya umorder ay umupo kami sa pinakadulo kung saan wala masyadong tao at nag simula na kumain habang nag kkwentuhan.
" How's you and your boyfriend? Mag kaaway ba kayu ?" Oo nga pala nag away pala kami nun kahapon at muntik ko na makalimutan. Nakalimutan ko ? Amazing.
" Misunderstanding lang." Sabi ko at nag kibit balikat bago isubo ang kinakain ko. Hindi ko alam kung kaya ko harapin ngaun si Robin dahil hindi ko parin makalimutan ang ginawa niya kahapon. Un ang kaunaunahang sinaktan niya ako Physical. I know he has a reason panay tawag nito sakin kagabi at nag text pa na hindi niya sinasadya nadala lang kuno sa stress kaya niya nagawa sakin un. Hayyss. Kung hindi ko lang siya mahal hiniwalayan ko na siya dahil alam ko sa sarili ko na katangahan nalang ang ginagawa ko. Pero bakit parin ako ganto ?
" You know what kahit itago mo or hindi sabihin sakin ang nangyayari sainyo alam ko naman na sinasaktan ka ng gagong un. " Agad akong napatingin kay Angela at nakita ko sakaniya ang pag titimpi at galit.
"Pano mo nasabi ?" I said pero umiling lang ito at bumalik sa normal ang kaniyang itsura.
"I've knew him for a long time cus mas nauna pa kaysa sayu. At nag tataka parin ako kung bakit ka nahulog sa mga patibong niya. " bumuntong hininga after mag salita and disappointment written on her face. At hindi ko alam kung bakit.. Oo matagal ng ganiyan ang pinsan ko. Ayaw niya si Robin para saakin at hindi ko alam kung bakit.
" Anyway lets go to our next class." Tumango ako sakaniya at nag simula ng tumayo upang pumunta sa room ngunit pag kalabas palang namin sa school ay kita na namin ang mga babaeng nag sisiksikan sa harapan ng gate.
"Shocks ang gwapo."
"Swerte naman ng mabibigyan niya ng bulaklak."
"Sino yan bes? Ang gwapo niya."
"I think I found my the one."
Iilan lang yan sa mga narinig namin habang palapit kami ng palapit ni Angela sa pinag guguluhan ng mga babae. Isiniksik namin dalawa ang aming mga katawan upang maka punta sa unahan at ganun nalamang ang gulat ko ng makita ko si Robin na nakasandal sa kaniyang sasakyan habang may hawak na bulaklak. Ng makita niya ako ay agad itong ngumiti at nag lakad papalapit saakin. Ako naman ay nanigas saaking kinatatayuan. A half of me telling that I should run and hide but I remain standing while looking at the man I love. But there is something na hindi ko maintindihan sa nararamdaman ko ngaun. Kaba ? Lungkot, pangungulila. I dont know.
" Can you forgive me babe ?" Tumingin ako sa paligid at kita ko sila na nag aabang sa aking sagot. Ang iba naman ay kinikilig. Tumingin ako sakaniya at pumikit upang pakalmahin ang aking sarili. Oh god how can't I resist this guy?
"Robin." I said in a whisper tone. Ramdam ko ang pag hawak nito saaking baba at iniangat ito upang makatingin sakaniya ng deretso.
"I'm sorry babe. I am truly sorry I promise I won't do it again. I love you." Ngumiti ako dito at niyakap siya ng mahigpit. I love him at kahit paulit ulit siya mag sorry alam kong mapapatawad ko siya dahil ganun ko siya kamahal. Rinig ko ang mga hiyawan ng mga kklase ko at ng mga tao sa paligid dahil sa scandalong ginawa namin ni Robin sa school. Ngumiti ako at humarap sakaniya ngunit napatingin ako sakaniyang likuran and there I saw a man standing in the corner while looking at us. Seryoso ito at hindi mo makikitaan ng emotion. Tumingin ito saaking mata at umiling bago tuluyan mag lakad palayo saamin. Saakin.
Havier.
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede
Teen Fiction"Minsan talaga may minahal tayong tao na kahit masakit ay hindi mo parin ito magawang iwan kahit na alam mo na ikaw nalang ang nag mamahal. And even if Im far away he is always in my heart no matter what and the only way I can do is to be with him...