Chapter 1

13 2 0
                                    


A Simple Day

Katelynn's POV

"GOOOOODDD MORNENGGGGG!!!" bungad ko sa aking sarili ng ako ay magising.

Unang araw ng pasukan ngayon at kailangan ko ng kumilos. Excited na ako dahil makakapag aral na ako sa isang international school! Bata pa lamang ako ay pangarap ko ng makapasok sa Manhattan International School ngunit kinulang kami sa pera. Lumipas ang araw,buwan at mga taon at naging isang high school student na ako. Doon ko sinabi  sa sarili ko na kailangan kong mag ipon para makapasok sa eskwelahang aking pinapangarap. At ngayon ay abot kamay ko na ang isa sa aking mga pangarap.

Pumasok na ako sa CR ng aking kwarto para maligo. Ilang oras lamang ay natapos na rin akong maligo. Nakapag bihis at naayos ko na din ang mga gagamitin ko sa school kaya bumaba na ako at kumain.

"Good morning,kitty anak" sabay na bati sa akin ni mama at papa.

"Good morning rin po mommy and daddy" bati ko pabalik. Natapos na kaming kumain at huhugasan ko na sana ang mga plato ng......

"Anak,si mommy na dyan. Baka malate ka sa school mo."

"Ayos lang po,mommy. Mabilis lang naman po ito."

"Sige na anak pumasok ka na,sa susunod ka na lang mag hugas at baka malate ka." singit ni daddy.

"Thank you po mom & dad. I will make you proud someday. Wag nyo na po akong ihatid,daddy. Magsasakay na lang po ako. Ingat po kayo sa work nyo po!" sabi ko at hinalikan sa pisngi sina mommy and daddy.

Naglakad lang ako papuntang sakayan at ilang sandali lang ay nasa harapan na ako ng
school."Seriously,is this Manhattan International School? It's so big,I can't believe that i'm a student na here!" sabi ko sa sarili ko na maluha luha pa.

THIS IS MY DREAM!!!!! THANK YOU PO LORD!!!

Pag tapos kong mag drama ay pumasok na ako. Makalipas ang ilang oras ay nakarating ako sa classroom ko,wala palang klase dito pag first week dapat pala hindi na ako pumasok. Joke lang,itotour ko na lang sarili ko hindi naman ako familiar dito e. Tsaka hello, ang lawak lawak ng school nato. Baka maligaw ako.

Habang nagtitingin tingin sa paligid ay kanina ko pang napapansin ang naggagandahang damit ng mga estudyante dito. Grabe parang may fashion show,nahiya ang highwaistpants at white shirt na nabili ko lang sa shopee isama mo na yung white shoes na bigay sakin nina mama nung nag grade 9 ako. Mga mayayaman talaga kaso mukang may mga attitude haha lol. Good luck sakin. Napakanta na lang ako sa naisip ko.

"What am I doing here,I don't belong he----" gulat akong napatigil sa pagkanta ng akbayan ako ng isang lalaki.

Susuntukin ko na sana ang lalaking umakbay sakin ngunit bumungad sa akin ang nakangiting si Aaron Josh Min ang koreano kong kaibigan! Shala,may kaibigan akong koreano.

"Easy ka lang,men.Gwaenchanna?" tanong nya at kinorean pa ako.

Trans :  Are you okay?

"Nako,Aaron. Tigil tigilan mo yang pagkokorean mo dyan,wala ka sa korea baka sapakin kita dyan!" natatawang biro ko sa kanya

"Arte neto,maalam ka din namang mag korean ah. Actually, you're studying korean with us!" reklamo nya.

Inirapan ko na lang sya at nagtuloy tuloy sa paglalakad.

"Hey! You look mad,tara sa cafeteria libre kita!" masayang ani nya. Tumigil naman ako at pinauna sya. Kakain lang naman kami pati may aircon naman don. Tamang tama kasi gutom na rin ako plus ang init pa ng panahon.

Together With You,Love [On Going]Where stories live. Discover now