Chapter 4

2 0 0
                                    

A day with Gab

Kitty's POV

Dumeretso kami sa isang bilihan ng ice cream dito sa loob ng mall. Hindi na pinabayaran sa akin ni Gab ang book na binili namin kanina. Feeling ko magandang book 'to. Super pretty ng cover nya plus ang ganda pa ng mga feedback sa internet.

"Here is your ice cream,Kate." abot ni Gab ng ice cream sa akin. Nginitian ko lang sya at nginitian rin naman nya ako. Tahimik kaming kumain ng ice cream nang basagin nya ang katahimikang bumalot sa aming dalawa.

"So,what brings you here? Hindi mo ata kasama sina kuya?" tanong nya.

"May konting tampuhan lang kami. Hindi nila ako pinapansin simula pa kaninang umaga. Mamimili sana ako kaya ako nagpunta dito." I replied.

"Ubusin mo na yang ice cream mo,sasamahan na lang kita. Baka mamatay ka kapag nagbuhat ka pa ng mabibigat." biro nya.

"Luko ka talaga,hindi naman ganon kadami bibilhin ko e. Wag ka ngang OA hindi naman bagay sayo." reklamo ko.

"Tsss. Ewan ko sayo." sabi nya sabay kain ng waffles. Hindi pa daw kasi sya naglalunch kaya naisipan nya na lang kumain ng waffles.

"So,kamusta naman ang Thailand? Marunong ka na ng salita nila? Hahaha." pangangamusta ko sa kanya.

"Sawasdee kha nga lang alam ko e." sabi nya at ngumuso pa.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." natigilan ako sa pagtawa ko ng pukpukin nya ako ng kutsara sa ilong.

"Aray ko,yan ang lagkit na tuloy ng ilong ko." reklamo ko at pinunasan ang lagkit sa ilong ko.

"Bat ka kasi tawa ng tawa dyan. Yun lang ang alam ko tsaka mga basic lang. Hindi naman kasi ako masyadong naglalalabas don." paliwanag nya.

"Oh,I see. Hahaha,sorry. Tara na, bilisan mo na dyan maghahapon na ayokong magtagal dito mahirap magsakay tuwing hapon." dali daling sabi ko at tumayo na.

"Hahatid na lang kita sa inyo.  Sa inyo na lang tayo mag dinner. Ipagluluto na lang kita." sabi nya at nagulat naman ako. Hindi kasi sya marunong magluto. Baka natuto lang sya sa Thailand.

Sumunod na sya akin. Balak kong pumunta sa bilihan ng mga albums dito sa mall. Dito kasi ako bumibili kasi kahit mahal maganda naman at official.

"Okay lang ba kung dalhin kita sa isang Kpop store? Bibili kasi ako ng album e." tanong ko sa kanya. Nakakahiya kasi baka mamaya ayaw nya. Bihira lang kasing may bumiling lalaki don. Kalimitan babae.

"Oo naman. San ba yon?" dumeretso na ako sa isang store at sumunod naman sya. May mga babaeng kinilig ng pumasok si Gab. Hindi ko naman maitatangging gwapo si Gab. Kaya dumeretso na ako sa mga album at sumunod naman sya.

"Seventeen pala iniistan mo? Who's your bias,my bias is Wonwoo!" hala? fan din sya?

"Omg!! Are you a fan?" tanong ko sa kanya at tinawanan nya ako. Bakit tumatawa 'to?

"Hahaha. I'm just kidding. I just saw Wonwoo's name,here o." inabot nya sa akin yung isang semicolon album na may muka ni Wonwoo.

Inis akong tumingin sa kanya. "Move your ass bitch,I thought you're a fan!"

"Hahaha. It's not my thing you know." inirapan ko na lang sya at naghanap na ng album na gusto ko.

Maya maya pa ay nahanap ko na ang gusto kong album. Maghahanap pa sana ako ng mga hoodie pero nahihiya na ako kay Gab. Hindi ko nga alam na makakasama ko pala sya,hindi naman kasi kami close talaga.

Together With You,Love [On Going]Where stories live. Discover now