Chapter 7

6 1 0
                                    

Paano nga ba nalaman ni Elinoa ang bahay ni mareng Katelynn na siyam ang buhay??? Hahaha. Btw guys tapos na modules ko hehehe. Sinong manok nyo? Ang itlog na si Gab o si Elinoa na medyo bonakid? Hahaha! Anyways, enjoy reading.🤪

-

Kitty's PoV

Lumipas ang ilang mga linggo at ganon pa rin ang naging set up ng buhay ko. Umuwi ang pinsan kong si Shami dito sa bahay namin. 4 years old pa lang sya. At nalaman ko na dito na sya titira for good. Chismosa ako pero wala ako sa mood makichismis kaya ayon.

Sa nagdaang linggo ay lumalabas naman kami paminsan minsan ng mga kaibigan ko. Si Gab naman, natuloy ang pagkain namin ng sorbetes nung nakaraang linggo. Tuwing magkikita kami lagi kaming kumakain sa DQ. Samantalang si Elinoa naman, masikap pa rin syang kuhanin ang tiwala ko. Hindi ko lang sya maintindihan kasi parang minamadali nya ako.

Para saan? Bakit nya ako minamadali tsaka kung gusto nya talagang pagkatiwalaan ko sya hindi nya ako mamadaliin. Nag woworry talaga ako, baka kasi mamaya pinagttripan nya lang ako. Nakakainis naman kasi e. Yung lagi kang nag iisip ng kung ano ano kahit wala kang utak. Lol.

Anyways, Saturday ngayon wala kaming pasok. Hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko kaya naisipan ko na lang bumaba para laruin si Shami.

Pagkababa ko ay naabutan ko sina mommy at daddy na naghahanda ng umagahan. Si Shami naman ay agad akong sinalubong.

"Molneng, tami!" bati ni Shami sa akin. Binuhat ko naman kaagad sya. I really love her, she's so cute.

"Good morning, tami!" bati ko pabalik sa kaniya at bigla nya akong hinalikan sa pisngi.

"Good morning po mommy and daddy" bati ko sa kanila. Nag bago ang tono ng pananalita ko ng sila ang batiin ko. Medyo hindi kasi kami okay nitong mga nakaraang linggo. Baka okay naman kami, praning lang talaga ako.

"Good morning, anak. Sorry for not taking care of you. Medyo nagkaproblema lang." si daddy. Nginitian ko lang sila at naupo na kaming dalawa ni Shami.

Fried Chicken, egg, bacon, hotdog, at sinangag ang agahan namin. Tahimik kaming kumakain ng maisipan kong sabihin ang plano ko kina daddy.

"Ahm, mommy daddy. Pwede po ba akong mag aral sa Korea pagkagraduate ko?" kabadong tanong ko.

"Kung ayon ang gusto mo anak. Sakin okay lang, pero malayo yon. Tsaka mga gastusin mo, paano?" si Mommy.

"Yung taga dito po sa Pilipinas na teacher din. Nag aalok po sya sa mga students. Sa Korea po ang napili nyang school kasi po nandon po yung husband nya. Kapag po nakapasa ako sa test at requirements na hinihingi nila ay sila po ang magpapaaral sa akin at bibigyan po ako ng titirhan ko." paliwanag ko.

"But you need to have your own money." si Daddy.

"May ipon pa naman po ako. Yung sa account ko po hindi ko po nagagalaw. Tsaka yung pera pong pinadala nyo sa akin ay kakaunti pa lang po ang binabawas ko."

"Sige, anak. Basta kapag nandon ka na, wag makakalimot ha?" paalala ni Daddy.

"Thank you po mommy & daddy. Pede po ba akong mag mall?" tanong ko kina mommy.

"Walang magbabantay kay Shami, anak. May work kami ng daddy mo."

"Isasama ko na lang po si Shami."

"Ikaw bahala. May pera don sa ibabaw dalhin mo." si daddy.

"Okay po. Thank you po."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Together With You,Love [On Going]Where stories live. Discover now