Chapter 5

4 0 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at may pasok na kami. Totoo na 'to hindi na yung tulad nung isang linggo na pumapasok lang kami para madagdagan ang labahin. Nakauwi na rin sina mommmy pero nasa work na ulit sila ng magising ako isang araw.

Legit na first day of school na talaga. Scam yung isang first day. Dahil may klase na kami today ay maaga akong umalis ng bahay. Ayokong malate dahil baka mamaya masabon ako ng prof namin. I was busy checking my phone when someone appear in front of me and then I saw Elinoa smiling at me. I smile back.

"Hey,Katelynn! Let's go to your room together." Elinoa said at hinigit nya na ako pataas ng room namin.

"Your room is here. I'll fetch you later,my girl." sambit nya at kinindatan ako. Binigyan ko sya ng nagtataka look.

"Mama mo my girl." irap ko sa kanya at pumasok na sa room.

Sumalubong sa akin ang mga seryosong muka ng dalawa kong kaibigang itlog. Mukang any time makakapatay sila ng tao. Nginitian ko lang sila at dumeretso na sa upuan ko.

Dumating na ang prof namin at nagpakilala lang naman kami tapos konting discussion. Matapos ang klase namin sa English ay dumeretso na kami sa Computer Room.

Nahagip ng paningin ko si Win na papunta sa tabi ko.

"Can I sit beside you?" sabay na tanong ni Gab at Elinoa. Hindi ko alam na magiging kaklase ko pala si Elinoa.

Nagtinginan ang dalawa at nagulat ng bakuran sila ng dalawang itlog. Sinamaan lang ng tingin nina Gab sina Aaron at lumipat na ng upuan.

"Haba ng hair natin dyan a." asar ni Aaron.

"Wag mong sirain araw ko Aaron ha. Tumahimik ka dyan kung ayaw mong mabadtrip ako sayo." inis na sabi ko sa kanya at tinawanan lang nila ako. Mga bungal.

Mabilis na lumipas ang oras at ganon pa rin ang nangyari. Pakilala tapos konting discussion.

Natapos ang lahat ng klase namin. Halfday lang daw kami,kaya naisipan ko na lang pumunta sa club. Nandon na ang tatlong itlog.

"Ang tagal mo naman,kanina ka pa naming inaantay dito." Aaron.

"Wala naman akong sinabing antayin nyo ako. May sinabi ba ako?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Bakit ba ang init na naman ng ulo mo? Lagyan mo yan ng aircon ng lumamig naman." si Reign.

"Gawin mo ikaw naka isip e." irap ko at naupo na sa tabi ni Marcus.

"O,iimik ka pa? Gusto mo ding mabara?" I said to Marcus.

"Sino ba namang gustong mabara mo?" nakatungong tanong ni Marcus.

Ang sarap nilang pagtripan.

We're studying hangul right now. Gab is part of this club too but hindi ata sya umattend.

After an hour the discussion is already done. They taught us on how to formally introduce your family to everyone.

I'm planning to study in Korea. Siguro tatapusin ko lang 'tong school year na ito and I will ask permission sa parents ko. Nag iipon na rin naman ako para makapag aral ako don. Hindi madali pero susubukan ko.

Umalis na ako sa room namin. Nagpunta na lang ako sa isang library dito sa school. Nag order lang ako ng milktea and umupo na ako.

Isa 'to sa mga library na tinatambayan ko. Yung iba kasing library dito sa school walang tindang mga snacks. Konti lang ang pumupunta dito kaya paboritong place ko 'to.

Dumating na ang order ko at kumuha na rin ako ng librong babasahin ko. Habang iniinom ko ang milktea ko ay nagulat ako ng makita ko si Gab sa tabi ko.

Together With You,Love [On Going]Where stories live. Discover now