Kyle Tuazon, 17 year old discreet bisexual guy na naghahanap ng kasama sa buhay, na magmamahal sa kanya ng tunay. Di niya inaasahang magkikita muli sila ng bestfriend niya noong junior high school pa lang siya sa papasukan niyang paaralan ngayong sh...
Nagaayos ako para pumasok sa school. Chineck ko muna yung mga gamit ko. Binder, Yellow Pad tsaka ballpen. Yan lang muna ang dala ko for now, di ko pa naman alam yung mga kailangan kasi first day pa lang naman.
Pagkalabas ko ng bahay, nagulat ako kasi naghihintay sakin sa labas si angelo, eh sa pagkakaalam ko morning sched nito.
"Angelo, anong ginagawa mo dito? Tapos na agad klase niyo?" Saad ko sa kanya.
"Oo, pumunta ako dito para ihatid ka" Saad nito sakin.
Hala ka, bat naman ako ihahatid nito eh ang lapit lang ng bahay namin sa school. Medyo nakakahalata na talaga ako eh, pero ayoko magassume kase mahirap na. Sabi nga ni mama, wag muna.
"Eh? Ang lapit-lapit lang ng bahay sa school, bakit kailangan mo pa ako ihatid?"
"A-Ah eh, w-wala naman, ayoko pa k-kasing umuwi eh. kaya dinaanan na kita rito." sabi nito saakin.
"Oh tara na, baka mahuli pa ko mahirap na." Pagmamadaling sabi ko rito.
Nakalabas na nga ako ng bahay at sinimulan na namin maglakad. Medyo naawkwardan ako kasi ang tahimik niya masyado, na para bang may iniisip. Ano kaya iniisip nito? Hmmm matanong nga.
Siniko ko siya para agawin yung atensiyon niya. "Uy, bat tulala ka jan, tsaka ang tahimik mo masyado. Bakit may problema ba?" Pagaalalang sabi ko sa kanya.
"Oo, ikaw problema ko, bat ba kasi ang cute mo?" Bulong nito.
"Ha? Ano yon?" saad ko sa kanya
"Sabi ko, wala. Tara na nga baka mahuli ka pa." Sabi nito sakin.
Pagbaba namin ng jeep, medyo nagulat ako kasi ang daming tao sa school, meron akong nakikitang mga pamilyar na mukha, mga galing siguro sa dati kong school. Meron din naman mga mukhang kilala ko kasi friend ko sila sa facebook. Habang minamasdan ko ang paligid. Bigla nagsalita si angelo sa tabi ko.
"Ky, mauna na ko, goodluck sa first day mo! Bye!" Saad nito sakin.
"Sige, ingat ka sa biyahe!" Sigaw ko dito.
Hays, eto na, simula na ng klase. May goal akong makapasok sa student council dito kagaya noon, ako ay Vice President ng Supreme Student Council sa dati kong school. Inaattempt kong makuha ang mas mataas na posisyon dito. At isa pa pala. Makakuha din ng With honors. Kaya mas dodoblehin ko pa ang effort ko. Kaya mo to kyle!
Ay oo nga pala nakalimutan kong tanungin si angelo kung ano-ano ba mga kailangan dito. Aishh, ano bayan. Sayang naman.
********* Hello Readers! Di ko alam if may nagbabasa nito, pero sana magustuhan niyo. Sorry ngayon lang ako nakapagupdate, daming nangyari sa araw na to kaya ngayon ko lang din naayos tong chapter na to. Thank you ulit kasi may panibagong achievement itong story ko. Maraming salamat po sainyo. Alam kong marami pang kong kakaining bigas para maabot yung gusto ko. Pero handa akong kainin yun maabot lang yun. Again, Maraming salamat po sainyo. Keep safe always and Godbless!!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.